“Zaza, may sasalihan ka na bang sports sa darating na Interschool sport’s Meet?” tanong ni Chelary sa kanya habang nagtatanghalian sila sa cafetria.
Ang tinutukoy nito ay ang taunang sports’s meet ng iba’t ibang unibersidad ng Isla Molave. Magaganap iyon sa darating na miyurkules hanggang byernes. And that is one day from now.
Tahimik siyang umiling bago isinubo sa bibig ang huling pagkain na nasa kanyang pinggan. Dahil sa mga nangyari nitong nakaraang araw ay hindi pumasok sa isip niya ang bagay na iyon. May plus points daw kasi ang kung sino mang sumali sa sport’s meet.
“Bakit naman?” tanong ni Maude. “Hindi pwedeng wala kang sasalihan, Che will go for cheerdance and I am one of the official photographers for school paper.”
Nagkibit-balikat siya. “It’s not a requirement to join, isn’t it?”
Nagkatinginan ang dalawang nasa harap niya. “No, but sports meet is fun.”
Napakamot siya sa kanyang ulo dahil makulit talaga ang dalawang ito. Alam naman na niya iyon simula pa lang, ngunit bawat araw yata ay mas lalong kumukulit ang mga ito. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan bago seryosong tiningnan ang dalawa.
“Look, I am definetly not interested with sports meet. I rather sleep in that day than waste my time and energy with those nonsense event,” payak niyang sabi sa mga ito bago tumayo at nilisan ang cafeteria dahil malapit na ang susunod niyang subject.
Bahagya niyang itinakip ang kanyang palad sa ibabaw ng kanyang mata dahil nasisilaw siya sa liwang na dulot ng sikat ng araw. Yumuko pa siya ng kaunti habang naglalakad kaya naman ay hindi niya namalayan ang taong papasalubong sa kanya.
Sinadya siya nitong banggain but she remains on her ground despite of the strong impact. In a swift move she manages to push the man stronger than usual. Napa-atras ito dahil doon. Her face went blank when she saw who it was.
“Ah, never expected to see you again too soon.” The man gave her a chilling smile that she couldn’t move a bit. Mr. Argonedo has this authority and danger that was hidden on his every move. He may look calm everytime they saw each other but she knew too well. A cunning beast hiding behind a mask.
“Are you here for the mafia?” diretsahan niyang tanong dito. They are in the middle of quadrangle and it is not the best place to talk about sensitive topic.
Ngunit sa halip na sagutin siya nito, pagbantaan o atakehin man ay umere ang halakhak nito sa buong lugar.
“My, my…” Umiling-iling ito na para bang isang insulto ang sinabi niyang galing ito sa mafia. “Do I look like coming from your mafia?” balik tanong nito sa kanya. Hindi siya umimik at pinanatili lamang ang kanyang mukha sa blangkong ekspresyon. She remains calm yet sharp. Who knows kung ano ang pinaplano ng lalaking ito?
Humakbang ito palapit sa kanya at inilapit ang bibig sa kanyang tainga. “If I am from your mafia, you wouldn’t stand a day to live,” bulong nito sa kanya.
“Then, who are you?” Tirik ang sikat ng araw ngunit hindi nila iyon ininda lalo na sa parte ni Jenza.
Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay umisang hakbang ito paatras at ngumisi sa kanya. “You are precious and a gem to Funtellion’s. Isa ka rin sa mga dahilan kung bakit nanatili ang kapayapaan sa underground. Too bad, you’ll life will be taken in no time. Punishement.”
Iyon lang at nilagpasan siya nito at naiwan na natitigagal sa sinabi nito. Sa gitna ng quadrangle, sa ilalim ng sikat ng araw, naiwan siyang namamawis at na-estatwa sa kinatatayuan. But minutes later, her hand balled into fist.
Unti-unti siyang lumingon sa kanyang likod at tinanaw ang malayong bulto ng lalaki. And her lips bend upward as she realizes something.
So, you came from, Sigma.
“Hindi ko talaga alam kung bakit pumayag akong maging representative ng sport na ‘to?” bakas ang pagka-inis sa mukha ni Jenza habang itinatali niya ang kanyang mahabang buhok upang gawing bun.
“Kasi, ikaw lang ang nakita naming available para dito,” walang preno ang bibig na sagot sa kanya ni Chelary na nakadamit pang cheerdance na. “Besides, we believe in your skills naman.”
Naikot niya ang kanyang mata dahil sa sinabi nito at ipinagpatauloy ang ginagawa sa kanyang buhok. Kanina pa niya inaayos ang pagkakatali niya sa buhok pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya matapos tapos. Gusto niya kasing pulido ang pagkakabun niyon.
Dati naman ay madali lang sa kanya mag-ayos ng buhok. Hindi niya alam kung bakit nahihirapan na siya ngayon. Siguro dahil sa katotohanang wala ng treatment ang buhok niya. And that reminds her na paputulan ang kanyang buhok and maybe apply some treatment.
Huminga siya ng malalim nang sa wakas ay naayos na rin niya iyon. Inayos niya ang kanyang suot na jersey t-shirt and short na napapailaliman ang kanyang sports bra at cycling short. It’s interschool sports meet. At dahil napapayag—correction, pinilit siya ni Chelary na sumali sa Mixed Martial Arts, nandito siya sa paaralan sa halip na nakahilata sa kama katulad ng plano niya.
Bukod kasi sa pagiging cheerleader ni Chelary ay kabilang din ito sa student council kaya naman ay ito ang namroblema sa representative ng naturang sports. At siya nga ang nakuha nito.
Mamaya pang alas-diyes ang laro niya dahil may opening program pa na magaganap at pagpapakilala ng muse’s ng bawat unibersidad.
“Ready na kayo, guys? Let’s go?” yaya sa kanila ni Maude na sumulpot sa locker room na kinaroroonan nila. Nakasabit sa leeg nito ang latest model ng DLSR camera dahil official photographer daw ito ng araw na iyon.
Tumayo siya sa kinauupuan at sumunod sa dalawa. Namataan nila ang dalawang bus na papasok sa gate ng unibersidad nang naglalakad sila sa quadrangle patungong gymnasium ng paaralan.
“Nandito na ang greatest competitor ng University.” Nasa boses ni Maude ang pagbibiro ngunit nilingon niya ang tinutukoy nito.
Nang tumigil ang bus sa parking area ng paaralan ay nagsilabasan roon ang mga estudyante na naka P. E uniform na kulay red, gayundin ang jersey na suot ng ilan. Nabasa niya sa bus ang pangalan ng paaralan nito. Atrenica University.
“Sila ang champion noong isang taon,” imporma ni Maude nang mapansing nakatingin rin siya sa grupong iyon.
“They are competitive in everyting. Well, hindi na ako nagulat sa part na iyon. They came from elite school, after all.” Si Chelary.
“Kaya as one of our players, you should be careful, hindi sila tumatanggap ng pagkatalo. If they need to play dirty, they will.”
Information saved! Kaya naman ay nagpatuloy siya sa paghakbang at naramdaman niya ang pagsunod ng dalawa. She gets the picture. Those bunch of students are stupid and spoiled brats and j*rks that doesn’t accept defeat.
Hindi niya pinansin ang hahabol habol na dalawang babae sa kanyang likuran. At ilang sandali pa nga ay nasa magkabilang gilid na niya ang dalawa.
“Hindi ba doon ka rin dapat mag-aaral, Che?” narinig niyang tanong ni Maude.
Chelary nod her head. “But I don’t like that school. Parang hindi ko kayang makipagsabayan sa trip nila sa buhay,” bahagya pa itong natawa dahil sa sinabi. “Kaya nga nag-away kami ni daddy that time. He wants me to go to Atrenica University.”
Hindi siya umimik dahil alam bukod sa katotohanang elite school ang Atrenica at nararapat lamang na doon mag-aral si Chelary, ay may isa pa siyang alam na dahilan kung bakit pinapalayo ng Gobernador si Chelary kay Maude. At wala siyang balak ibunyag iyon sa mga ito.
Nang makarating sila sa gymnasium ay halos hindi na sila makadaan papunta sa kinape-pwestuhan ng kanilang mga kaeskwela. Punong-puno ang buong lugar at nagsisigawan dahil sa pagchi-cheer ng mga ito sa kanya-kanyang team. Malakas rin ang tugtog ng musika na ume-ere sa buong lugar. The place and students are energetic that you can’t even hear yourself.
Mas lalo pang lumakas ang sigawan nang ipakilala ang mga representative ng bawat paaralan para sa Mr. & Ms. Interschool sports meet. Hindi naman ito ang unang beses na nakaranas siya ng ganitong okasyon. Ngunit dahil na rin sa private at elite ang pinapasukan niya noon, hindi niya naranasan na ganito kalakas sumigaw o mas tamang sabihin na magtitili ang kanyang mga kaeskwela.
Her schoolmates back then are prim and proper from elite families. But somehow, the noisy crowd caused joy in her. Na para bang sa kauna-unahang pagkakataon ay napalibutan siya ng malalakas na sigaw at malaya siyang sumigaw ng kahit gaano kalakas na walang mga matang manghuhusga sa bawat galaw niya.
The side of her lips tugged up when Chelary and Maude scream a cheer for the basketball team of Molave State University. Dahan-dahan niya ring itinaas ang kamay at ibinuka niya ang kanyang labi. She yells a cheer but the crowd noise swallowed it. It was like she is the only one who’s hearing it. So, she opens her mouth again and scream a cheer, louder this time. And again, louder each passing minute.
Ramdam niyang natigilan sina Maude at Chelary nang ginaya rin niya ang pagtalon talon ng mga ito sa kinatatayuan. Awkward na napatigil siya sa pagtalon at na iwan sa ere ang kanyang dalawang kamay nang malingunan niyang weirdong nakatingin sa kanya ang dalawa.
“What?” she queried and even posture her hands, asking.
Sabay na mabilis na umiling ang dalawa bago nagkatinginan at nagkatawanan. They turn to cheer again, sinasabayan siya sa pagtalon talon niya.