Chapter 13

2549 Words
Bakas sa mukha ni Jenza na maganda ang gising niya nang umagang iyon habang naglalakad, dala-dala ang tuwalya at kanyang bisihan, patungo sa banyo. She sleeps peacefully last night. Malapit na sana siya pintuan ng banyo nang biglang sumulpot si Cale mula sa kung saan at naunahan siyang abutin ang door knob. She stopped on her track and ready to turn her back para pumunta na lamang sa kusina at paunahin ito nang magtama ang mga mata nila. “Are you going to take a bath? Come, you go first,” wika nito at saka binitawan ang pagkakahawak sa door knob. Well, she never expects that. Hindi naman siya nagmamadali dahil sa La Felda Café lang naman ang punta niya. Lumitaw ang guhit niya sa noo at saka nilapitan ito. “Really? Hindi ka makikipagtalo sa akin?” Nakuha niya pang ituro ang banyo upang maipa alala dito ang mga araw na kulang na lang ay magbatuhan sila ng sabon, mag gibaan ng pinto sa pagtatalo kung bakit ang tagal ng kung sino mang naunang umukopa sa banyo. Lalo na kapag may klase siya at ito naman ay magtuturo sa unibersidad. “You are not sick, are you?” Cale chuckled and shook his head. “We have a truce, remember. And I am trying to be a gentleman here, do cooperate.” Pigil niya ang kanyang ngiti dahil maganda pala ang idinudulot ng kasunduan nilang iyon. “Sabi mo, eh.” Nakuha pa niyang tapikin ang pisngi nito bago pumasok sa banyo. Madali lang siyang naligo at pagkatapos ay nag-ayos na siya ng kanyang sarili. Kinuha niya ang kanyang bag at nagdisisyon na sa café na lang siya mag-aalmusal. At dahil malapit lang iyon ay nilakad niya na lamang. “Good morning, Zaza,” bati sa kanya ni Luisa na nasa cashier. Salitan kasi ito at si Jude sa cashier. “Hey,” she nods at her at saka dumiretso sa kuwarto kung saan nakalagay ang mga locker ng worker. Inilagay niya roon ang kanyang bag at kinuha ang apron. Pumunta siya sa counter upang tingnan kung ano ang mga menu nila for today. At dahil kakaunti palang ang costumer nila ng umagang iyon ay kumuha siya ng isang tasang coffee with cream at dalawang klase ng pastries. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto niya ang café na ito. The owner is not selfish and she cares for her employee. Libre ang pagkain nila dito kapag nasa trabaho sila. At pinapagalitan sila ni Fel kapag nalaman nitong nagpagutom ang isa man sa kanila. Fel, the owner treats them like she’s their big sister. Nang tumunog ang bell na nasa pinto ay minadali niya ang pag-ubos ng pastry na nasa kanyang bibig at tumayo sa likod ng estante kung saan nakadisplay ang iba’t ibang pastry ng shop. Inayos niya ang kanyang sarili nang makitang kausap na ni Luisa ang bagong dating na costumer. Kailangan muna kasing magbayad muna sa counter upang mabigyan ng resibo kung ano ang gustong orderin. After the cashier encoded the order, she will immediately prepare the food that is requested. ‘Black coffee (unlimited serve) and two chicken sandwhiches,’ basa niya sa pumasok na order sa computer na nasa kanyang harapan. Madali niya iyong nagawa at nang handa na ay lumabas siya sa area niya upang i-served ang pagkain. Kapag maraming costumer, iba ang nasa estante at iba rin ang nagseserve. She walked gracefully towards the table of the costumer while she holds the tray expertly in her one hand. “Here’s your order, Sir.” Inilapag niya ang dala sa mesa. “Thanks,” wika nito sa malamig at malalim na boses. “Just call me if you want another refill,” wika niya dito. The man is in his brown coat like in of those detective movies. And his hair is ash gray and it somewhat familiar to her. “Sure,” he agreed and took a sip in his coffee. “It tastes good.” And his head tilt and met her eyes. Natigilan siya nang makita kung sino ito. It is the man from yesterday. Ang may edad na lalaking nakita niya kahapon sa cafeteria ng unibersidad na kung hindi siya nagkakamali ay Mr. Argonedo ang itinawag dito ni Maude. However, she composed herself and gave the man a small smile and face her back on him. Kalmadong bumalik siya sa kanyang kinapepwestuhan at muling uminomng kape niya. Costumers came at naging busy siya sa mga sumunod na oras. Ilang beses niya pang ni-refill ang tasa ni Mr. Argonedo. She felt normal serving him and her day would be fine if the old man didn’t tell something that makes her pale. “I know your secret, Weinstein.” Namutla siya at nanigas sa kinatatayuan. Naramdaman niya ang literal na pagtaasan ng balahibo sa kanyang batok dahil sa sinabi nito. At bago pa siya makahuma ay nakalabas na ito ng shop at agad na nawala sa paningin niya. Mabilis niyang ibinaba ang dala-dala sa pinakamalapit na mesa at tumakbo papalabas ng shop, hindi ininda ang mga tingin ng ilang costumer pati na rin ang pagtawag sa kanya ni Luisa. Taranta siyang nagpalinga-linga sa paligid nang marating niya ang kalsada. Ngunit kahit anino ng lalaki ay hindi na niya mamataan. She needs to get that man and talk to him. Maraming katanungan ang tumatakbo sa isip niya. Who’s that man? Bakit kilala siya nito? He mentioned her real surname and he told her that he knows her secret. Kailangan niya itong mahanap bago pa man makaabot sa mafia na buhay siya. Or baka alam na ng mafia na buhay siya. Hindi pwede! Inaasahan niya na sooner or later ay malalaman ng mafia ang ginawa niya but hindi niya inaasahan na ganito kaaga. “Ang mafia ba ang nagpadala ng death note sa akin?” she tought to herself, naalala ang kahon na naglalaman ng papel na may death note. She turns to her right and run that she could feel her feet being numb. Palinga-linga pa rin siya na hindi alintana ang init ng araw na tumata sa kanyang balikat pati na rin ang mga taong nagrereklamo dahil nabangga niya. But she can’t see even the shadow of that man. Humihingal na bumalik siya sa La Felda Café at dumiretso sa locker room. Hindi niya alam pero natakot at natataranta siya sa kaalamang may isang tao na nasa isla ang alam kung sino siya. No, hindi pwede na mahuli siya ng Mafia Funtellion ng ganito kaaga. Hindi pa siya handang maparusahan dahil hindi niya pa nakokompleto ang mga gusto niyang mangyari sa kanyang buhay. Hindi pa siya nakakahanap ng mamahalin, hindi pa niya nararanasan na magkaroon ng sariling pamilya…hindi niya pa nararanasan magmahal at mahalin.             Tumigil siya sa balisang paglalakad at isinandal ang noo sa malamig na metal ng locker. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at unti-unting kinalma ang sarili.             Calm down, Jenza. Fix yourself and carefully plan this thing…             Nang mga sumunod na sandali ay binuo niya sa isip ang mga susunod niyang hakbang. Aalis siya sa islang ito ng walang bakas at sisiguraduhin niya na sa susunod niyang pupuntahan ay walang makakaalam kung sino siya.             Pokus na pokus siya sa pagbuo ng mga plano sa kanyang isipan kaya naman nang biglang may lumapat na kamay sa balikat niya ay nagulat siya. Awtomatikong dinaklot niya ang kamay na iyon at pinilipit.             “Ouch!” Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Felicity, ang siyang may-ari ng coffeshop. Bakas sa mukha nito na nasaktan ito sa ginawa niya. Mabilis niyang binitawan ang kamay nito.             “I’m sorry po,” hingi niya ng paumanhin dito. “I’m sorry, akala ko kasi…”             Hinaplos-haplos nito ang kamay na nasaktan bago siya tiningnan. “Ayos lang, Zaza. Hindi mo naman sinasadya.” Then she turned to look at her worriedly.             “Ayos ka lang? You seem uneasy,” obserba nito sa kanya. “Sabi sa akin ni Luisa, bigla ka na lang daw tumakbo palabas. What happened?”             Nagpakawala siya ng hangin bago umiling. “Wala po, Ate.”             Ilang sandali siya nitong tiningnan at base sa reaksyon nito ngayon ay hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. Ngunit sa huli ay tumango na lang ito. “Okay. Hindi na kita kukulitin.” Hinawakan siya nito sa braso. “Just tell me kung may kailangan ka, okay? Huwag kang magdadalawang isip na lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong, hmm.”             Tumango siya at nagpasalamat. Isa sa mga ugali na nakita niya kay Ate Fel ay ang hindi nito pangingialam sa mga disisyon nila. She’s there to advice them and help them but in the end of the day, hinahayaan sila nito na magdisisyon para sa sarili nila.             “Kaya mo na bang bumalik sa trabaho? Let’s go back outside,” anito at saka nauna ng naglakad papunta sa pinto.             “Ate Fel,” pigil niya bago pa man nito maabot ang doorknob. Tumigil ito at nilingon siya.             “Yes?” Nagtatanong ang mga mata nito.             “I want to resign,” diretsa niyang imporma dito.             Her forehead wrinkled. “Why?”             “I need to leave the island as soon as possible.”             Tuluyan na itong muling humarap sa kanya. “Is it because of what happened earlier?”             Hindi siya sumagot. Ayaw niyang kumpirmahin iyon. Baka maging dahilan pa iyon para maging komplikado ang lahat. Kailangan maging malinis ang plano niya at kahit maliit na bakas ay wala siyang maiiwan sa isla.             “I respect your decision,” sabi nito. “But, can you delay it a bit? My birthday is coming next Saturday. And I want to celebrate with all my employees. Balak ko sanang mag beach naman tayo. Pero kung hindi talaga pwede, sige.”             “Okay, I’ll leave after your birthday.”             Fel smiled at her and hold her hand. “Thank you, Zaza.”             Kapagkuwan ay iginiya na siya nito papalabas ng locker room upang bumalik sa trabaho. Binigyan niya ng maliit na ngiti si Luisa nang makita niya ang tingin nito na nagtatanong. Luisa smiled back at her, at iyon lang ang hinighintay niya para maging normal ulit ang kilos niya.             Bumalik siya sa likod ng estante at pinagpatuloy ang trabaho. She may look calm outside but there are so many things running in her mind. Pumayag siyang manatili sa isla ng isang linggo pa for the sake of Ate Fel’s birthday.             Hindi naman siguro agad darating ang mga tao ng Mafia Funtellion sa loob ng isang linggong iyon para kunin siya at patawan ng parusa. At kung dumating man nga ang mga ito, she surely can fight them. She’s not Jenza—one of the best reapers of Funtellion Mafia, for nothing, after all.             Ang kailangan niya lang gawin ay maging maingat at mapagmatyag sa kaniyang paligid. Who knows, baka bigla na lang may lumilipad na palang bala patungo sa kanya dahil pinapa shoot to kill na siya.             Sa totoo lang, hindi niya kilala ang lalaking iyon maliban sa apelyidong tinawag dito ni Maude. And she’s hundred and percent sure na hindi niya pa iyon nakikita sa tagal niyang nagtatrabaho sa mga Funtellion.             Ngunit wala naman siyang ibig maisip kung sino ang papwedeng magpadala ng death notes sa kanya kundi ang mafia na iyon.             Iyon ang nasa isip niya hanggang sa natapos ang trabaho niya ng araw na iyon. She’s exhausted nang makarating siya sa bahay na inuupuhan niya. At pagod man ay hindi nakatakas sa paningin niya ang pamilyar na kotse na nakaparada sa harapan ng bahay.             Kaya sa halip na dumiretso roon ay kumatok siya sa bahay ni Aling Erma. Kung totoo man ang hinala niya na kalaguyo ni Mrs. Ellorin si Cale, ay ayaw niyang makasaksi ng hindi kaaya-ayang eksena.             “Ikaw pala, Zaza. Tamang-tama ang punta mo, nagluto ako ng meryenda,” bungad sa kanya ni Aling Erma nang buksan nito ang pinto. Hindi na siya nito hinintay na makasagot sapagkat hinila na siya nito papasok at iginaya papunta sa kusina.             “Nagluto ako ng banana cue. Masarap ito.” Kumuha ito ng plato at saka tinidor at saka nilagyan siya ng saging na printo at saka may asukal. “Tikman mo, Anak.” Ibinigay nito sa kanya ang plato.             “Salamat po,” aniya at binigyan niya ito ng ngiti. She’s trying to calm the butterfly in her stomach dahil sa tinawag nito sa kanya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nasasanay na tinatawag siya ng mag-asawa ng ‘anak’. Palaging may hatid na haplos iyon sa kanyang puso.             “Masarap ba?” Aling Erma eyes are twinkling, hoping that she like the food. And indeed, she loves it. She loves the blending taste of sugar and softness of banana.             “Opo, masarap.” Lumaki ang ngiti ng matanda sa sagot niya at mas dinagdagan pa ang pagkain na nasa plato niya. Kapagkuwan, ay sinaluhan na rin siya nito at sabay silang kumain.             “Mamaya pag-alis mo, ikaw na lang ang magbigay kay Cale ng para sa kanya, ha.” Itinuro nito ang isang plato na naroroon na may lamang banana cue.             Tumango siya bilang sagot. “Wala pong problema.”             “Salamat, ‘nak. Hindi ko kasi madala ngayon dahil may bisita siya. Yung asawa ni Mayor.”             “Kaya nga, dito rin po ako dumiretso, eh,” sagot niya naman na ikinatawa nilang dalawa.             “Ayaw kong husgahan iyang si Cale. Pero nasa tamang edad naman na siya, alam niya na kung ano ang ginagawa niya.”             Napa-iling iling siya dahil pareho pala sila ng iniisip nito. No has the right to judge anyone who make a mistake. May kanya-kanya tayong dahilan kung bakit natin nagagawa ang kamalian na iyon. At iyon ang paniniwala niya.             “Isa pa, mabait naman ‘yan si Cale. Tinulungan niya kaming makaalis nang minsang hinarang kami nina Ismael sa palengke noon,” kwento nito dahilan upang matigilan siya. Kailan iyon nangyari? At bakit hindi niya iyon alam?             Medyo lumapit sa kanya si Aling Erma. “Alam mo, pakiramdam ko siya ang naging dahilan kung bakit nakulong si Ismael.”             Nakunot ang kanyang noo at bumalik sa isipan niya ang nangyaring sagupaan sa bar noon. That night when she saw a pendant of Sigma.             “Paano niyo po nasabi?” This getting more confusing, now.             Nagkibit-balikat si Aling Erma at muling sumubo ng pagkain.             “May mga dumating ditong mga lalaki na sakay ng kulay itim na sasakyan bago pa makulong si Ismael. Wala ka dito. Akala nga namin ni Pedring kung sino dahil nakasuot ng magagarang damit. Iyong nakikita kong suot ng mga mayayaman sa TV na nagtatrabaho sa matataas na building.”             “Hinahanap nila si Cale. Hindi masyadong malinaw ang narinig naming ni Pedring. Pero may nabanggit silang, ebidensya laban daw kay Ismael. Saka…ano ba ‘yon” Pumitik pitik pa sa hangin ang matanda habang inaalala kung ano nga ba ang narinig nito.             At literal na napigil niya ang kanyang hininga sa sumunod na sinabi nito.             “Ah, alam ko na…Sigma.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD