bc

THE GOVERNOR'S DAUGHTER

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
forbidden
love-triangle
family
HE
opposites attract
arranged marriage
single mother
heir/heiress
gxg
like
intro-logo
Blurb

Mel loved Storm with everything she had. Storm loved Mel enough to let her go or so she wanted Mel to believe.

For Anna Melissa, Storm was never just a woman she shared a bed with. She was the woman who made her believe that even the coldest hearts could learn to love. Sa bawat halik, bawat yakap at bawat sandaling magkasama sila, naniwala si Mel na may puwang siya sa puso ng babaeng hindi basta-basta nagpapakita ng emosyon.

She thought she was special.

She thought she was the exception.

Until Storm looked her straight in the eyes and shattered everything they had built with a few merciless words.

“If there was anything between us at all, it was just great sex.”

Pitong salita lang sana ang kayang kalimutan ni Mel. Pero paano niya buburahin sa isip niya ang mga alaalang minsan niyang pinanghawakan? Paano niya paniniwalaang wala lang ang lahat kung siya mismo ang nakaranas ng mga sandaling pakiramdam niya, siya ang pinakamahalagang tao sa mundo ni Storm?

Masakit ang tanggihan.

Pero mas masakit ang malaman na baka ang mga bagay na itinuring mong pagmamahal ay wala lang palang kahulugan sa taong pinagkatiwalaan mo ng buong puso mo.

And the worst part? She couldn't even hate Storm enough to stop loving her.

Sa kabila ng lahat, may bahagi pa rin kay Mel na gustong itanong kung may nagawa ba siyang mali. Kung kulang ba siya. Kung may pagkakataon bang may nagawa siyang iba para hindi humantong sa ganito ang kanilang relasyon.

But love should never make you beg for your worth.

Kaya sa gabing iyon, habang unti-unting namamatay ang pag-asang minsan niyang ipinaglaban, may isang pangakong nabuo sa puso ni Mel.

Hindi siya magmamakaawa.

Hindi niya hahabulin ang babaeng malinaw na ayaw na sa kanya. At lalong hindi niya hahayaang ang isang babaeng minsan niyang minahal ang maging dahilan ng tuluyan niyang pagkawasak.

Kung iyon ang gusto ni Storm, ibibigay niya.

She would walk away. But walking away doesn't mean forgetting. At ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang kailangan niyang kalimutan kung paano siya sinaktan.

Dahil may mga salitang hindi na kayang bawiin, may mga pusong hindi na maibabalik sa dati at may mga pagmamahal na kahit gaano katotoo ay hindi sapat para manatili ang isang tao.

Pero paano kung ang babaeng nagtulak sa kanya palayo ang siya ring hindi kayang tanggapin ang pagkawala niya?

Paano kung sa oras na tuluyan nang tumalikod si Mel, saka lamang maramdaman ni Storm ang katahimikang siya mismo ang lumikha?

At paano kung ang babaeng tinawag niyang stupid ay siya palang babaeng hindi niya dapat binitawan?

Dahil hindi lahat ng sugatang puso ay naghihintay na muling mahalin.

May mga pusong natututong lumaban.

May mga babaeng kayang ngumiti kahit wasak na wasak na sa loob. At may mga babaeng kapag tuluyan nang nawalan ng dahilan para manatili, nagiging pinakamahirap nang abutin.

Storm wanted Mel gone.

And Mel would give her exactly what she wanted. But when their paths crossed again, Storm might discover that the woman she so easily discarded was no longer the woman who once begged her to stay.

This time, Anna Melissa wouldn't be the one asking for love.

This time, Storm might be the one left begging.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - ONE NIGHT OF FREEDOM
✨ ANNA MELISSA POV. ✨ ➖➖➖➖➖➖➖➖➖ THE PALACE POOL CLUB. Agad akong sinalubong ng malalakas na bass, kumikislap na ilaw at amoy ng alak na matagal ko nang hindi nalalanghap pagpasok ko sa loob. The Palace was alive. May mga taong nagsasayaw na parang wala nang bukas. May mga lasing na nagsisigawan na akala mo nakaligtas sa World War III. Wala sana akong plano na dumalo sa despidida party ngayon ni Jacky Lyn, pero nagbago ang isip ko last minute. Seven months na akong umiiwas sa mga kaibigan ko dahil binabawalan ako ng girlfriend ko. Si Madison. God! I missed this. Gusto kong sumayaw, uminom at gumawa ng kahit isang maling desisyon ngayong gabi. This was my life before Madison. Halos gabi-gabi akong nasa iba't ibang bar kasama ang barkada. Nang marating ko ang pinakadulong cabana, sabay-sabay silang napalingon at nagsilakihan ang mga ngiti nila. "Anna Melissa!" Halos mapasigaw si Jacky Lyn habang tumayo. "In flesh and blood!" Tinapatan niya agad ako ng high-five bago ako yakapin at tapikin nang mariin sa balikat. "Welcome to Pekpek Heaven, Mel!" Sigaw ni Bhadz bago ako niyakap nang sobrang higpit na parang balak niyang durugin ang rib cage ko. Typical. Nagsunod-sunod na ring lumapit ang iba naming kaibigan. Isa-isang yakap, Isa-isang sigaw na parang kakauwi ko lang galing Olympics na may bitbit na gold medal. "Mel, tara sa pool." Pagyaya ni Ann Lei. Tinuro niya ang pool gamit ang bahagyang tango ng ulo. "Dito muna siya, Doc." Sabi ni Bhadz at lumipat sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Ilang buwan siyang nawala, siyempre marami akong tanong na kailangang i-confirm." "Ang tsismosa mo talaga, Lovely Rose." Sabi ni Ann Lei na may kasamang irap at pang-aasar. "Exactly." Pagsang-ayon ni Rafhaela. "Shut up, Rafhaela Jessyca Altamonte!" Asar na bulalas ni Bhadz. "Bahala kayo diyan." Sabi ni Ann Lei at lumabas na ng cabana. "Hoy! Hintayin mo 'ko!" Sigaw ni Meiyah bago nagmamadaling sumunod. Pinanood namin silang naglakad palayo. "I'm confused." Natatawang sabi ni Jacky. "Nag-aaway ba talaga ang dalawang 'yon o foreplay na 'yan?" Napangiwi kami nina Rafhaela at Bhadz. "Yuck." Sabi ni Bhadz habang nilantakan ang pulutan. "What?" Natigilan si Jacky. "Gross." Sabay kaming nagsalita ni Rafhaela. Napatawa ako. "OA n'yo." Umiling si Jacky bago umalis. Pagkaalis niya, agad akong binalingan ni Bhadz. "So..." sumimsim muna siya ng alak. "How does it feel being a cradle snatcher?" Napaangat ang kilay ko. "...Excuse me?" "Seryoso." Hindi man lang siya ngumiti. "Ten years ang age gap n'yo ng girlfriend mo." "Relax. Sinabi ko lang ang age gap, wala nang iba." Wika ni Captain Rafhaela at nagtaas ng dalawang kamay nang tingnan ko siya. "Correct." Sang-ayon ni Bhadz. "Hindi sinabi ni Fhaela na deads na deads ka sa girlfriend mo at laging nagpapadala ng mga regalo." Humalakhak si Rafhaela. Ireklamo ko kaya sa Altamonte International Airways ang piloto nato. What a nosy bit*h. "Grabe ang investment mo, bro." "Mas maganda naman ako sa'yo." Sagot ko kay Bhadz. "Pero mas mayaman ako at pogi. Sa panahon ngayon pera ang tunay na love language." Pagyayabang ni Bhadz sa pera niya. "Diskarte pa rin 'yan." Komento ni Rafhaela. "Hindi lahat nadadaan sa pera." "I disagree." Nagtaas pa ng isang kamay si Bhadz na parang nasa classroom. "Money makes the world go round. Sabihin mo nga, Mel." "Then go buy yourself a personality, Bhadz. Baka sakaling may makapansin na sa'yo bukod sa pera mo." Nakahalf-smile na sagot ko. "Shup up! May girlfriend ako." "Congratulations. Gusto mo bang ipa-frame natin ang birth certificate niya para may proof na may nagtiis sa'yo?" Natatawa kong sagot. Humagalpak ng tawa si Captain Rafhaela kaya ito naman ang binalingan ni Bhadz. "What? Tawang-tawa ka pa, akala mo naman hindi ka single." "At least, single ako dahil choice ko. Ikaw nga may girlfriend na pero parang kailangan mo pa ring kumbinsihin ang sarili mong worth it ka." "Enough. This is about Mel, not me! So, bakit pakiramdam ko pinagtutulungan ninyo ako?" Reklamo ni Bhadz. "Cheers!" Sabay naming bati ni Rafhaela, sabay taas ng mga baso. Napailing si Bhadz bago napangiti at itinaas din ang baso niya. "Cheers." Yes, I send her flowers and chocolates every day. Not because I have to but because I want to. Well... maybe a little because I have to. Kasi, konting kibot ko lang nagtatampo na agad. Kapag hindi ko rin nasuyo, hindi ako kakausapin. So, I ended up doing it everyday. Madison's favorite flower is blue rose, kare-kare is her comfort food. Chocolate? Her oxygen. And she's allergic to shrimp and crab, and she only eats boiled eggs. I know almost everything she likes and dislikes. But there's one thing she still can't face, takot siyang malaman ng parents niya ang relasyon namin. "Mel! Saan ka na nakarating?" Narinig kong tanong ni Rafhaela ng maputol ang iniisip ko tungkol sa amin ni Madison. Nakakunot noo si Bhadz na nakatitig sa akin at halatang nagtataka. "Sorry. Ano nga ulit yung pinag-usapan natin?" Tanong ko at ininum ang alak na nasa baso. "Sabi ko, anak ng governor sa Negros ang girlfriend mo." Sagot ni Rafhaela. "For sure kilala ni Bhadz." "Maraming anak si Governor Gallagher sa iba’t ibang babae. Hindi ko naman kilala lahat." "Makikilala mo rin siya one day soon, Bhadz." Wika ko naman sa kanya. Ngumiti siya at tumango. "Looking forward to that. Cheers." "Halika, Mel! May ipapakita ako sa'yo." Excited na sabi ni Bhadz after niya mabasa ang message sa phone. Hinahatak ako palabas ng cabana. "Saan ba tayo pupunta?" Nagpupumiglas na tanong ko. Dahil sa paghihilahan namin, halos matapon ang laman sa baso na hawak ko. "Ang dami mong arte!" Natatawang sabi ni Rafhaela at tuluyan akong tinulak para sumama kay Bhadz. Pinagtulungan ako ng dalawang ogag. "I don't care-oh, sorry bro!" Mabilis na paghingi ng paumanhin ni Bhadz sa isang butch lesbian na nabangga niya dito sa may labas ng cabana. Tawa lang ang isinagot nito. Pagdating namin sa gilid ng pool, itinuro ni Bhadz ang babae sa kabilang dulo. Nakatayo siya sa ibabaw ng lamesa, sumasabay sa malakas na tugtog habang napapalibutan ng mga tao na nagsisigawan. Hindi ko makita nang maayos ang mukha niya dahil natatakpan ito ng mahahabang hibla ng buhok na sumasabay sa bawat indak niya. But one thing is sure! She's damn gorgeous. Simple lang ang suot niyang two-piece. But, Oh, God! Nakakaakit parin siyang panoorin. The way she moved wasn't vulgar but It was hypnotizing. Parang bawat kumpas ng balakang niya ay may sariling ritmo. Bawat ngiti, bawat ikot, bawat hagis ng buhok parang may sariling gravity. Napalunok ako at agad na nilagok ang natitirang alak sa baso. She's so damn flirtatious and for one stupid second, I wanted her to flirt with me. Whut? Nanlaki ang mga mata ko sa naiisip. What the h**l, Anna Melissa? "My God! She's freaking hot!" Halos pumiyok na sigaw ni Bhadz habang nakikisayaw na sa beat. Nakisayaw na rin si Rafhaela at hindi nagtagal, dalawa pang butch lesbians ang umakyat sa mesa para sabayan ang babae sa pagsasayaw. Lalong umingay ang paligid. Hindi ko namalayang nakikisabay na rin pala ako sa tugtog pero kahit sumasayaw ako, siya pa rin ang hinahanap ng mga mata ko. At eksaktong sandaling iyon, bahagya niyang inangat ang ulo. Umihip ang hangin. Umatras ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya. "Holy sh*t, Mel!" Hinila ako ni Rafhaela sa braso kaya di ko nakita ang mukha ng babae. "Bakit ba, Captain?!" Naiinis na tanong ko. "Madison is here!" Bago pa magrehistro sa utak ko ang sinabi ni Rafhaela, bigla na akong hinila ni Bhadz. "Sh*t-!" SABLAK! Pareho kaming tumalon sa swimming pool at isa lang ang nasa isip ko habang nasa ilalim ako ng tubig. MADISON IS HERE! How did she even find out I was at The Palace?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yüzbaşının Cerrahı

read
2.0M
bc

The Silver Wolf

read
735.1K
bc

The Billionaire’s Intern

read
1.3M
bc

Chosen, just to be Rejected

read
941.0K
bc

Inferno Demon Riders MC: My Five Obsessed Bullies

read
1.2M
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.4M
bc

Unscentable

read
2.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook