bc

Amidst the Heartache

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
pregnant
sensitive
drama
tragedy
heavy
serious
small town
cheating
friendship
like
intro-logo
Blurb

Life is so unpredictable. It gives us happiness and sadness at the same time.

Eline was in pain, can't take all the heartbreaks, especially when the significant person in her life left her. She ran away to lessen the agony and try to forget everything.

But while escaping the pain, she met this broken man who is willing to help her to lessen that pain.

She believed it was the last heartbreaks she would ever experience. But little did she know that pain will chase after her that can make her lose all the hope she has.

In amidst the heartache, will she able to stand up to face the torment of her life, or will remain lifeless like how the wind lost its sanity?

Or

Will she able to accept the life that the cruel word offers?

chap-preview
Free preview
Prologo
Bumaba ako sa sinasakyang bus, kapagkuwan ay nagtatakang tumingin sa paligid, hindi ko alam kung saan lugar na ako napadpad. Nilibot ko ang paligid, hindi pamilyar sa akin ang lahat ng mga nakikita ko. Nagsimulang pumatak ang bawat butil ng luha ko habang unti-unting inihahakbang ang aking mga paa. "Saan ba ang punta mo, ineng?" Narinig kong tugon subalit sobrang okupado ang isipan ko upang sagutin 'yon. Muli ay itinuon ko ang atensiyon sa pagmamasid. Iilang agwat lang ang layo ng mga bahay rito, marami ring naglalakihang puno ng mangga. Ngunit hindi iyon nakapagbibigay dilim sa buong paligid. "B-bakit kailangan mangyari 'to?" Isang naghihinagpis na tanong ang pinakawalan ko. Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang biglang pagkirot ng puso ko. Ang panginginig ng aking labi ay hindi ko rin mapigilan. Muli kong pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa maraming kabahayan. Iilan lang ang taong nakikita ko sa labas, ang pagtataka ay bumalatay sa kanilang mukha. "Ayos ka lang ba, 'day? Parang ang sobrang putla mo." Isang malamyos na tinig ang nagpabaling sa akin. Isang babaeng na tila kaedad ko lang. Tango lang ang naging sagot ko saka yumuko upang itago ang kumawalang butil ng luha sa aking pisngi. Ngunit hindi iyon naging dahilan upang mahiya ako, bagkus ay pinagpatuloy ko ang pagpasok sa compound na ito. Ngunit iilang hakbang ko ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Kunin mo na lang sana ako," nagmamakaawa kong tugon sa Kaniya. "Wala rin naman ng saysay ang buhay na 'to!" Ang bawat patak ng ulan ay mas lalong nakapagbigat ng nararamdaman ko sa mga oras na ito. Dahil sa pagiging okupado ay hindi ko namalayan ang direksiyong tinatahak ko. Huli ko na nang mapagtanto sapagkat bumungad sa akin ang malaking bahay, maganda ngunit simple lang. Amakan ang nasa kalahati ng dingding ng bahay o tinatawag sa ingles na woven bamboo wall cladding. Habang ang nasa bandang baba naman ay nakasemento. Ang mga bintana ay gawa sa kawayan at ang pinto ay gawa naman sa tabla. "Ganito ang pangarap kong bahay para sa ating dalawa, sana," mahinang bulong ko sa sarili. Kapansin-pansin din ang mga makukulay na bulaklak sa hardin na nakapagbibigay buhay sa paligid. May iilang puno ng mangga, niyog at iba pa na nakapalibot sa paligid. Dahil sa tanawin na nakita ko ay biglang nahinto ang kirot na nararamdaman ko. Tila ba nahipnotismo ako ng bahay na nasa harapan ko. Ngunit mas natuon ang atensiyon ko sa likurang bahagi ng bahay. Mayroon isang puno ng mangga roon na katamtaman lang ang laki. At katabi ng punong iyon ay ang palayan. "Kasalan ko bang mawalay kayo? Malas ba talaga ako?" Muli ay napatitig ako sa kawalan, kasabay ng pagsiklap ng lungkot na namumuhay sa aking puso. Kapagkuwan ay napalunok ako sa sariling laway subalit pait ang nalasahan ko. Ang mga mata ay nagsimulang manlabo dahil sa luhang walang tigil na daloy subalit ang mga paa ay nagsimula nang humakbang. Kung kaya ay huli ko nang mapagtanto, narito na pala ako sa likuran ng bahay at ang katawan ay unti-unti nang nilalamon ng putik hanggang sa aking dibdib. May isang pabilog dito, malapit sa puno. Basa ang lupa na kapag aapakan ay tiyak na lulubog ka. Kung titingnan ay simpleng basang lupa lang ngunit kapag umapak ay paniguradong malilibing ka at lalamunin ang iyong katawan. Tila isang butas ito na may laman na basang putik. "Paalam, sa wakas ay makikita na rin kita." Pinikit ko ang aking mata at ninamnam ang tinik na bumalot sa puso ko. Kapagkuwan ay pigilan ko ang aking hininga. At kasabay din ang paglalaro ng mga ala-ala sa aking isipan. Ang pagsipol ng hangin at ang malakas na buhos ng ulan ang nagpaigting ng aking nararamdaman. Huling tsansa ko na para huminga ngunit pinili ko pa ring pigilan hanggang na maramdaman ko ang panghihina at pagbagal ng t***k ng puso ko. Akmang kikitilin ko ang isang segundong pagpipigil ay may biglang humawak sa balikat ko. Dahan-dahan niya akong inangat mula sa pagkalubog at maharang inihiga sa lupa. "Na buang na ka?" Nabaliw ka na? Narinig kong asik nito ngunit wala na akong lakas upang umapila. Naisin ko man buksan ang mga talukap ng aking mata ngunit tila hindi ako makagalaw. Gusto kong sigawan ang taong nangialam sa akin subalit walang boses na lumabas. Ilang segundo ay may naramdaman akong malambot na dumampi sa aking labi kasabay n'on pagbibigay niya sa akin ng hangin. Bago pa ako umangal ay tuluyan na akong nilamon ng kadiliman at ang pagtigil ng t***k ng puso ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.7K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook