"ELINE! Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin pumapasok sa eskwelahan?! Dalawang buwan na ang lumipas magmula ng lumiban ka sa klase!" bungad na sigaw ni Inay nang maratnan niya ako sa salas. May bitbit ito sa magkabilang kamay niya, palagay ko ay galing siya palengke.
"Ayoko na nga po pumasok!" paasik na tugon ko saka ibinaling ang atensiyon sa pinapanood ko sa telebisyon.
"Dapat ay magtitino ka dahil ikaw ang nakakatanda! Tingnan mo at nagpapataba ka r'yan, imbes tumulong ka sa paghahanap-buhay." Huling aniya, kapagkuwan ay narinig ko ang papalayong yabag niya kaya sinulyapan ko siya at nakitang nagtungo sa kusina. Ilang beses ko ng narinig ang mga salitang ‘yan mula sa bibig ni ‘nay Selya.
Pinagmasdan ko ang papalayong bulto niya. Kitang-kita ang kulubot niya balat na nagpapahiwatig ng kaniyang katandaan. Ang makulot niyang buhok ay nasasakop ng ito ng puting kulay. Subalit sa kabila ng katandaan ay nanatili ang ganda at pagmamahal niya para amin. Napailing na lang ako sa aking naisip, kung kaya ay tumayo ako upang sundan siya.
Pagkapasok ay tiningnan ko ang dala ni Inay saka kumuha ng makakain. May nakita akong iilang prutas, katulad ng saging, mangga at ubas. Subalit mas pinili ko ang manga sapagkat do’n ako natatakam, kung kaya 'yon ang nilantakan ko.
May dahilan ako kung bakit ayoko na pumasok sa eskwelahan. Gusto ko mang sabihin sa kanila ni Inay ay natatakot ako. Baka madismaya sila sa mga kagagawan ko.
Maya-maya ay nasulyapan kong lumapit si Inay sa akin, kapagkuwan ay marahang hinaplos ang may kaitiman kong mahabang buhok. Natanaw ko ang repleksiyon ko sa salamin na nasa aking harapan. Inangat ko ang aking kaamay upang haplusin ang bilugan kong mukha. Ang kulay tsokolate kong mata ay nababalot ng kalungkutan at paghihinagpis.
"Eline, pakiusap, makinig ka sa'min ng itay mo. Lahat ng mga itinuro at pangaral namin ay para 'yon sa inyong magkapatid. Gusto namin na may magandang kinabukasan kayo, sakaling mawala kami ng itay mo. Ayaw naming magaya kayo sa'min na nahihirapan maghanap-buhay."
Tumingala ako upang makita ng maayos si Inay subalit napatigil ako ng makita ang malungkot niyang mukha.
"Patawad, 'nay, kung hindi ako minsan nakikinig sa inyo, pinagsisihan ko naman po iyon."
Isang butil ng luha ang pumatak mula sa aking kanang mata kasabay ng paggumuhit ng sakit sa aking dibdib dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.
"Eline, 'nak, isa ka sa inaasahan namin ng itay mo." Humugot ng malalim na hininga si nanay bago muling nagsalita. "Alam kong napapagod na 'yong ama mo sa pagtatrabaho para lang makapag-aral kayo. Kahit gustuhin man n'yang sumuko ay hindi niya magawa dahil iniisip niya ang kapakanan n'yo."
Humarap ako sa direksiyon ni inay, kapagkuwan ay tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit. Doon ko ibinuhos ang lahat ng pagkadismaya at pait na nararamdaman sa oras na ito.
'Nay, patawad po, malaking kasalanan ang nagawa ko sa pagkakataong 'to.
Sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko matapos marinig ang lahat ng sinabi ni inay. Nagi-guilty at nahihiya ako sa lahat ng sakripisyo nila sa amin habang sakit ang isinukli ko sa kanila.
"Dyesinwebe ka na anak. Dapat alam mo na ang tamang gagawin, noon pa man ay nais na kita patigilin sa pag-aaral pero ayaw ng itay mo dahil gusto ka n'yang makatapos," madamdaming dagdag na salaysay ni inay, at binaklas ang mga braso ko at tumingin sa akin.
"Pipilitin ko ho na ayusin ang lahat. Patawad po."
Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi at nawala ang kaninang malungkot na bumalatay sa mukha niya. "Oh siya nagdadrama tayo, sa halip na magluto upang dalhan ng pagkain ang itay mo, nakakatiyak akong nagugutom na ‘yon."
Sabay kaming natawa saka nagsimulang maghanda ng mga sangkap para magluto ng pagkain na dadalhin.
Okupado ang isipan ko habang naghihiwa, iniisip ko ang magiging resulta kapag magtatapat na ako sa kanila.
Hanggang sa pagpunta ko sa pinagtatrabahuan ni itay ay lumilipad pa rin ang aking isipan. Subalit natigil iyon nang biglang tumikhim siya. Napawi lahat ng iniisip ko at ibinaling agad sa kaniya ang atensiyon.
"Kumain na ka ba, Eline?"
Hinahanda niya sa mesa ang lahat ng pagkaing dala ko.
"Hindi pa po, busog pa po ako kaya hindi pa ako nagugutom," marahang sagot ko saka ibinaling muli ang atensiyon sa mga tanim niyang mais.
Isa sa kabuhayan namin ang pagtatanim ng mais, 'yan din ang isa sa dahilan kaya kami nakakapag-aral.
"Ayos ka lang ba, 'nak?" Mababakas sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala. Itinigil niya ang pag-aayos saka nilapitan ako. “Anak kita kaya kilala kita.”
"Wala ho, 'tay. Ayos lang ho ako." Pilit na ngiti ang pinakita ko sa kaniya.
Bigla niyang hinaplos ang buhok ko at walang seremonyang kinurot ang pisngi ko. "Sige na, kumain ka na, huwag mo paghintayin ang pagkain, masama 'yon, baka lumayo pa sa atin ang mga biyaya."
Natatawa akong umiling dahil sa sinabi niya. Isa 'to sa hindi ko makalimutan na laging sinasabi niya kapag tinatanggihan ko ang inaalok na pagkain.
Kahit simple lang ang buhay namin ay pinagmamalaki ko pa rin ito. Sapagkat alam kong ang lahat ng isinugal niya na pagod at pawis, ay isang pagbubuwis-buhay upang mabuhay lang kami.
"Nga pala, bakit hindi ka pa rin pumapasok sa eskwelahan, 'nak?" Nagsimula siyang kumain subalit batid kong nakikinig siya sa maaaring sagot ko.
Malungkot akong sumagot sa tanong niya, "patawad, 'tay kung hindi ako nagsusumikap para makatapos. Ayoko na pong bumalik sa klase, nakatitiyak naman ako na bagsak ang marka ko."
Nakita kong ibinaba niya ang kuryertos na hawak saka nag-angat ng tingin sa akin.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad dahil lang hindi ka nagsikap. Mas mainam na gawin mong aral lahat ng pagkakamali mo. Matuto kang tanggapin ang kung anong kaya mo," sensirong tugon niya, kapagkuwan ay gumuhit ang malambing niyang ngiti.
"Opo."
Tahimik naming tinapos ang pagkain sa hapag ngunit ang aking mga mata ay magdamag na nakatitig sa aking ama. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya.
"'Tay, kapag po ba makagawa ng kasalanan ang isang tao ay patatawarin n'yo pa?"
"Bakit mo naman natanong, Eline?"
"Wala lang po, gusto ko lang malaman ang opinyon mo."
Bawat kulubot na balat sa na aking nakikita ay mas lalong nagpaigting ng aking awa, pati na rin ang nangingitim sa ilalim ng kaniyang mata. Kahit hindi nila ni nanay sabihin ay alam ko.
"Alam mo, 'nak lahat ng tao ay nagkakasala. 'Di ba tinubos lahat ng kasalanan natin 'yong nasa taas, binigyan n'ya tayo ng pangalawang tsansa kahit nagkamali tayo. Dapat gan'on din tayo, kahit gaano kalalim o kababaw ang kasalanan ng tao ay nararapat silang patawarin. Kung hindi man sa araw na 'yon ay marami pang pagkakataon. Nangangailangan ng oras upang magpatawad sa isang tao, kaya hindi mo iyon kailangan madaliin."
Napatango ako sa mahabang tugon ni tatay. Marami talaga akong natutunan mula sa magulang ko. Kahit hindi sila nakapagtapos, lalo na si tatay na nasa unang baitang lang ang inabot ay tiyak na maraming maituturo. Hindi man sa ibang bagay ngunit marami kang matutunan tungkol sa aral ng buhay.
"Paano na lang pala kung wala ng oras para makapagpatawad, anong nararapat na gawin kung sakaling mangyari iyon?"
"Eh 'di habang mas maaga pa ay humingi ka na ng tawad sa taong 'yon. Kasi alam mo, 'nak. Mahirap kapag may kinikimkim tayo, tapos hindi namin mailabas. Mabigat iyon, dito." Tinuro niya dibdib niya kung saan ang puso. "Kailangan mong pakawalan ang bumabagabag d'yan sa puso mo upang makahinga ka ng maluwag," dagdag niya pang saad saka ipinagpatuloy ang pagkain.
Napatango ako sa sinagot ni itay dahil may punto naman iyon.
Muli ay pinagmasdan ko ang aking ama. Alam na alam kung may trabaho si tatay sa gabi, kumbaga ay doble ang kayod niya upang may makain at may maipaaral sa tatlong anak. Mababakas ang pagod sa maitim tsokolate niyang mata. Ang patpatin nitong katawan ay unti-unti ng bumibigay.
Mahal na mahal niya talaga kaming mga anak niya dahil handa siyang ipagsapalaran at isakripisyo ang kanyang sariling buhay. Basta mabigyan lang kami ng matatag at maayos na pamumuhay. Ang swerte ko kasi kahit mahirap kami ay nanatiling buo at may pagmamahal sa pamilya naming.
“Mahal ko kayo, Itay!” nakangiting sambit ko bago nagpaalam sa kaniya.
LAMAN NG ISIP ko ang lahat ng mga sinabi niya sa akin. Hindi ko maiwaksi ang sakit at pait na nararamdaman dahil sa mga salita niya. Parang mga palaso na paulit-ulit na tumama sa puso ko at nakapaghahatid hapdi at kirot sa aking buong kalamnan. Pinagsisihan kong pumunta pa roon at sabihin sa kaniya, sinayang ko lang ang oras ko. Maglalakas-loob na akong harapin ang lahat upang matapos na ito, hindi ko matiis ang magsinungaling sa kanila ni inay.
Makailang hakbang ay nakaramdam ako ng pagkahilo at panghihina, kung kaya napaupo ako sa daan ngunit ilang saglit lang ay nanlabo ang mata ko. Hindi ko na matanaw ang paligid sapagkat unti-unti ng nilamon ng kadiliman ang aking isip.
Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Iminulat ko ang aking mga mata saka inilibot ang paningin sa paligid. Kataka-taka lang kung paano ako napunta rito sa bahay. Ang huling naalala ko ay nawalan ako ng malay bago pa lamang makaabot dito sa bahay.
"Mabuti at nagising ka na, ate. Halika kumain ka muna para magkalaman ang t'yan mo." Lumingon ako at nakita ko ang nakababatang kapatid na si Fairah.
Si Fairah ang pangalawa sa magkapatid, isa rin siya sa inaasahan sa pamilyang ito. Matalino siya at madaling makaisip ng solusyon kahit sa mahirap na sitwasyon. Ang makinis at mestizo niyang balat ay ang nagpapaganda sa kaniya, lalo na cleft chin niyang nagpapaigting sa kaniyang kariktan. Ang sabi ni inay ay namana niya raw ito sa lolo sa tuhod namin.
Maingat akong bumangon saka umayos ng upo upang makasandal, kapagkuwan ay tumikhim ako upang kunin ang atensiyon n’ya. "Na saan s-sila… inay?"
Halos hindi ako makapagsalita dahil sa panginginig ng buo kong katawan. Anumang oras ay tiyak na alam nila ni inay ang katotohanan. Batid kong kahihiyan at pandidiri ang matatanggap nila mula sa kapit-bahay namin. Sa bagong henerasyon na ito ay laganap ang pangungutya at panghuhusga ng mga tao kahit hindi nila batid ang dahilan.
Nag-angat ako ng tingin, kung kaya nakita ko siyang mataman akong tiningnan, mababakas sa kaniyang mata na alam niya na at kailangan niya ng paliwanag.
"Bakit mo tinago, Ate? Alam mo ba ang maaaring kahihinatnan nito?! Mabuti na lang ay ako ang nakakita sa’yo no’ng nahimatay ka.”
Naramdaman ko ang pamamasa ng aking pisngi, umiiyak na pala ako ng hindi ko man lang namalayan.
Ang akala ko ay huhusgahan ako ng kapatid ko ngunit nagkamali ako. Kahit hindi kami magkalapit ay alam kong pilit niyang inintindi ang kasalanang nagawa ko.
Tipid na ngiti ang iginawad ko bago sumagot, "akala ko ay aayawan mo rin ang batang 'to. Akala ko ay ipaglalandakan mo ang kasalanan ko."
"Nahihibang ka na ba? Ba't ko aayawan ang pamangkin ko. Kapatid kita kaya nararapat na tanggapin ko ang lahat kahit paulit-ulit akong nasasaktan.” Panandalian kong nasulyapan ang kalungkutan na bumabalot sa kaniyang mata.
“Huh? Anong tinutukoy mo?”
“Ah… w-wala,” Ang kaninang lungkot ay napalitan ng kasiglaan. Nailing na lang ako sa ikinikilos niya. "Halika at kumain na."
Nakangiti siya habang sinambit ang mga salitang iyon ngunit hindi umabot sa mga mata niya ang kasiyahang pinakita. Noon ko pa napapansin na may mabigat na pinagdadaan siya ngunit hindi niya kinukwento sa akin. Iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang pagtataka ko. Hay naku!
Hanggang sa natapos ako sa pagkain ay nanatiling tahimik si Fairah sa sulok. Kanina ko pa hindi maalis ang tingin ko dahil sa pag-aalala. Hanggang sa hindi ko mapigilan ang magtanong. "Problemado ka ba? Parang may mabigat kang dinadala."
"Wala ‘to, Ate. Ano ka ba, stress lang 'to sa eskwelahan. Alam mo naman," agarang giit niya.
Tanging pagtango na lang ang nagging tugon ko ngunit hindi ko pinapaniwalaan ang nagging sagot niya.
Napasinghap na lamang ako, kapagkuwan ay hinimas ko ang aking tiyan. Marahas akong bumuntong hininga dahil sa mga katanungan at takot na patuloy pa rin bumabagabag sa aking isipan.
"Fairah..." Pagkuha ko sa atensiyon niya, nilapag niya ang telepono at ibinaling sa akin ang buong atensiyon. "Alam na b-ba nila inay at... i-itay?"
Umiling siya bago sumagot, “wala ako sa katayuan para sabihin iyon. Ikaw ang dapat magtapat sa kanila.” Tumayo siya at nagpatuloy sa paglabas sa pinto nang hindi man lang lumingon.
Namumuo ang mga luha ko sa gilid ng aking mata, kapagkuwan ay malungkot akong tumitig sa kaniya.
"Madidismaya si inay at baka itakwil ako ni itay kapag nalaman nila ang katotohanan." Tuluyang pumatak ang luha ko sa kanang pisngi. "Natatakot ako sa maaaring kahihinatnan. Mataas ang pangarap nila para sa'kin." Napasinghap sa mga katagang aking binitawan.
Kung kaya buong araw ay ganoon pa rin ang laman ng aking isipan. Hanggang sa lumipas ang dalawang linggo.
Hindi ko pa rin nasabi sa kanila ni inay. Batid kong nagdududa na siya ngunit wala pa akong lakas ng loob upang umamin.
"Patawad ho, hindi ako naging mabuting anak," bulong ko sa sarili. Kailangan ko na siguro itigil itong pagiging duwag ko baka sa iba pa nila malalaman.
Isang hapon ay naging abala kaming lahat dahil inaani namin ang aming pananim na mais. Sa lawak nito ay tiyak akong gagabihin kami bago ito matapos.
"Ate Farie! Ate!" Napabalik ako sa sarili ko nang marinig ang matinis na tinig ng aking bunsong kapatid namin na si Famela. Lumingon ako sa direksiyon niya, kapagkuwan ay nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Bakit, Famela?"
"Kanina ka pa tinatawag ni inay upang kumain na. Mamaya mo na raw 'yan ituloy."
"Pakisabi hindi pa ako nagugutom," matamlay kong tugon. Pinagpatuloy ko ang pagbabalat ng mais saka inilagay ito sa sako.
Bumuntong-hininga ako ng marahas. Tila ay sobrang bigat ng aking pakiramdam. Siguro ganito ang pakiramdam kapag may tinatago sa magulang.
Ilang sandali ay hindi ko na narinig ang bunsong kapatid ko, kung kaya ay hinayaan ko na lamang. Siguro ay bumalik na iyon sa kubo.
Ngunit ilang minuto lang ang katahimikan na aking natamasa nang biglang itong binasag ng isang boses. 'Yong boses na ayoko ng marinig matapos ang lahat ng mga nangyari noong gabing iyon. Hindi ako makagalaw, tila natuod ako sa aking kinauupuan ko. Pilit kong pinipigilan ang nanginginig kong sistema dahil sa galit.
"E-Eline..." Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Magpapaliwanag ako tungkol sa huli nating pinag-usapan.
Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at marahas kong tinanggalan ng balat ang mais na animo'y walang narinig at nagbingi-bingihan.
"Eline... p-pakiusap. Gusto kong—"
Ngunit napalingon ako at matalim na tingin ang ipinukol ko na tingin sa kaniya. Nanlilisik ang aking mga mata at nagbabadya na rin ang aking mga luha subalit napatigil ako ng matanaw siya ng buo. Wala pa rin kupas ang kakisigan ng katawan niya. Ang katangkaran at kagwapuhan niya, pero kaliktaran namin ng ugali niya.
"Na a-ano… R-Rexenon?
"Eline, anak ko rin iyang dinadala mo."
"Uh huh? Anak mo?" Hindi makapaniwalang asik ko sa kaniya. "'Di ba ang sabi mo ay hindi ka pa handa? Ano ngayon ay naparito ka? Para ba manggulo, ha? Katulad ng nais mo mangyari!” Suminghap ako upang pigilan ang aking mga luhang kanina pa nais kumawala.
"Patawad... p-patawad, hindi ko sinasadya ang aking mga nabitawang salita. Ako'y pagod lamang n'ong gabing 'yon."
"Ah t-talaga?" Sa pagkakataong ito ay tumulo ang ang luha kong kanina ko pa pinigilan at galit akong tumitig sa mga mata niya. "Paniwalain mo na lang ang pagong, mas mainam pa iyon!" Nanlilisik ang matang ko habang ang mga kamay ay mahigpit na nakakuyom.
"Papanagutan ko na ang anak ko!" Nakataas nuong aniya, ngunit mababakas sa kaniyang mata ang pagmamatigas at tila napipilitan lamang.
"P'wede ba, tigilan mo na lang kami ng anak ko?! At isa pa, sinong anak ang tinutukoy mo? 'Di ba nga ay itinanggi mo kami?" Pagkontra ko sa kaniyang sinabi.
Nagsimula na ring manginig ang aking mga palad at tuhod dahil sa galit at inis na nararamdaman ko ngayon.
Nakakapang-insulto ang lahat ng kaniyang tinuran, na tila walang nangyari noong nakaraan. Ang kapal ng mukha upang bawiin pa ang lahat ng masasakit na salita na kaniyang binitawan.
Nakita kong ibinaba niya ang parehong mga tuhod sa lupa, kapagkuwan ay nag-angat ng tingin sa akin.
"Eline, maawa ka naman oh. Itatakwil ako ng aking ina kapag hindi ko inako ang batang iyan sa sinapupunan mo."
Pagak akong natawa matapos marinig ang eksplinasyon niya.
"Kahanga-hanga ang iyong pangatwiran, Rexenon. Nakapakahusay mo pala magdrama, ano? Ano pa't naparito ka gayong napipilitan ka lang naman pala?!"
"P'wede ba, tama na. Narito ako ngayon para panagutan ka, hindi para makipagtalo sa'yo!" Malakas niyang sigaw habang ang mga mata ay matalim na tumitig sa akin. Tila ilang sandali ay maglaho ako sa 'king kinatatayuan ngayon.
Nanlalaki ang mata ko at nakaawang ang bibig. Hindi makapaniwalang ganito ang isusumbat niya. Ang akala ko ay simpatya ang kailangan niya upang pagbigyan ko siya. Ngunit tila nagmamatapang siya ngayon.
"Kung alam ko lang na magmamatigas ka ay sana ay hindi ko na sinunod si inay. Hindi naman talaga kita minahal dahil habang tayo pa ay may karelasyon akong iba!" may kayabangang dagdag pang singhal niya, maya-maya ay tumayo siya sa pagkaluhod.
Pinagpagan niya ang kaniyang mamahaling kasuutan. Habang ako ay nakamasid lamang sa kaniya habang ang aking mata ay unti-unti ng lumalabo dahil sa luhang kanina pa bumuhos.
"H-hindi mo... a-ako minahal?!" Nanginginig ngunit matapang kong hinintay ang maaaring sagot niya. Pinipisil ko ang aking mga palad sapagkat naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy papunta sa dibdib ko. Kuryenteng tila pinipilipit ako sa sakit at patuloy sa pagkirot.
Hindi ko pa rin malimutan ang unang araw ng pakikita naming noon at kung paano nagsimula ang aming pag-iibigan. Ngunit lumabas na puro kasinungalingan lang ang lahat.
"Haha! Nagpapatawa ka ba? Malamang ay hindi kung kaya nga ako nangaliwa eh. Nais ko lang naman sirain ang buhay at pangarap niyo-mo. Ngunit sa kasamaang palad ay nahulog ako sa patibong ng taong hindi ko akalain. Bi Biglang sumibol ang lintik na pag-ibig dito," mahabang litanya ni Rexenon at tinuro ang dibdib, kung saan ang puso.
Nagsimula na ring sumipa ang ang sanggol sa sinapupunan ko. Na tila ba pareho kaming nakaramdam ng sakit at pait sa mga oras na ito. Na parang nararamdaman niya rin ang hinagpis ko.
"Kung... k-kung gan'on, s-sino ang—"
"Ate kakain—"
Sabay kaming lumingon ni Rexenon sa pinanggalingan ng boses at malinaw na nakita ko kung paano natigilan silang pareho.
Tila nakakita sila ng multo at hindi nakagalaw sa kinatayuan. Nakatitig lang din si Rexenon sa kapatid ko.
Ngunit nalukot lang ang mukha niya habang ang bibig ay nakatikom. Hindi rin siya makatingin sa akin, lalo na sa kaharap niya.
Biglang may namumuong katanungan sa aking isipan. Katanungan kung bakit gan'on na lamang ang reaksiyon nilang dalawa. Kilala ko ang kapatid ko kapag hindi siya makatingin sa kausap. Batid kong may tinatago siya sa akin. Kung ano man iyon ay sana sabihin niya sapagkat ayokong may inililihim siya sa akin.
"A-Ate, anong ginagawa niyan dito?!" mahina ngunit may diing tanong ni Fairah.
Hindi ko pinansin ang katanungan niya at binalingan si Rexenon.
"Kailan mo pa nakilala ang kapatid ko?" May pagdududang tanong ko. "Huwag mo subukan kung ano mang binabalak mo, Rexenon. Kilala kita, nakatitiyak akong sasaktan mo lang din sila gaya ng p*******t mo sa akin at sa ibang babaeng dumaan sa bisig mo!"
"A-Ate...."
"Tumahimik ka, Fairah!" pahiyaw na sambit ko at hiliot ang sentido dahil naramdaman ko ang biglang pagkirot nito.
"Ate!" Inis na sigaw ni Fairah. “Anong ginagawa ng lalaking ‘yan dito?!”
"Huwag mo akong pagtaasan ng boses! Mas nakatatanda pa rin ako sa'yo! Dahil lang sa lalaking iyan ay ganiyang mo na ako pagsalitaan?! Ha?"
"Ate..."
"Kasalanan mo—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang malakas na sipa niya. Nagdulot ito sa akin ng matinding kirot at hapdi hanggang sa paupo ako malapit sa sako ng mais.
Nagsimulang pumatak ang aking mga luha at ang aking kamay at paa ay biglang nanghina dahil sa pagsipa ng anak ko.
"Anong kaguluhang nangyayari rito?!" Umalingawngaw ang boses ni itay sa buong paligid. Kaya narinig ko ang pagliliparan ng mga ibon na galing sa puno ng santol. "Sino ang lalaking iyan, Eline, Fairah?! Bakit kayo nagsisigawan?"
Lahat ay tahimik, maski isa ay walang sumagot. Sapagkat kaming magkapatid ay may takot sa itay namin. Iba siya kung magalit.
"Ano, walang sasagot?!" Muli ay singhal niya. Mababakas sa boses niya na nanginginig ito galit at inis.
Nagulat na lang kaming lahat ng biglang hinampas ni itay ang puno ng mga mais sa kahoy. Ito ang unang beses na nakita ko na ganito si itay.
"Fairah, anak, anong nangyari?" mahinanong tanong ni inay sa kapatid ko habang ang mata ay nakamasid sa akin.
"Ah... eh..."
"Hindi 'yan ang gusto kong marinig, Fairah!" angil ni itay sa naging sagot ng kapatid ko. "Ikaw lalaki, bakit hindi ka nagsasalita?!"
"Karding, huminahon ka, baka atakihin ka sa puso at baka tumaas ang presyon mo ..." Pag-aalo ni inay kay itay. 'Yan din ang isa sa dahilan ko kung bakit takot akong umamin sa kaniya.
“Huwag mo ‘ko pigilan, Selya!”
"Ako po..." Huminto siya at huminga ng malalim. Akmang pipigilan ko siya ngunit huli na. "... ang ama ng sanggol na dinadala ni E-Eline..."
"Ama ba kamo—?!” Natuon ang paningin ni itay sa ‘kin. “Buntis ka, Eline?!"
"Oho, itay," bulong ko ngunit hindi ako nakakasigurado kung narinig niya ba. Natigilan siya, kapagkuwan ay napasinghap. Huminga ng malalim, suminghap muli, at bumuntong hininga.
Nakita ko kung paano pumatak ang isang butil ng luha ni itay. Maya-maya'y umiiling-iling siya. “Nadismaya ako sa ginawa mo sa ‘yong buhay. May pagkukulang ba kami ng inay mo? Dapat ay magalit ako sa ginawa mo, pero bakit pagmamahal ang nanaig? Hindi ba nagging maayos ang pagpapalaki naming sa inyo?”
Hindi ako makasagot sa mga tanong niya. ‘Ang luhang ‘yon, ako ang dahilan kaya tumulo.’
Bigla akong nakaramdam ng pait para sa sarili ko. Ang makita lang ang reaksiyon ni itay ay parang pinipiga ang puso ko. At paunti-unting dinudurog ito lalo na ng makita ko kung paano bumagsak ang parehong balikat niya.
"K-kailan pa?" Tumikhim muna siya bago nagpatuloy. "Anak... binigo mo si itay—" Hindi natuloy ni itay ang kaniyang sasabihin ng bigla itong nanginig at bilang natumba sa damuhan.
Patakbo akong lumapit ngunit bago pa iyon ay bigla akong nakaramdam ng hilo, kasabay n'on ay ang pagbagsak ko sa lupa. Ang ulo ko ay tumama sa bato.
"Eline, dinudugo ka! Pati ang noo mo!" nanginginig na ni inay at naguguluhan kung sino ang uunahin gayong ganito ang sitwasyon naming lahat.
"I-Itaay!" Lumuha ako habang gumagapang papalapit sa kanila. Nag-aapoy sa galit kong nilingunan si Rexenon na nakatulala lang, “k-kasalanan… mo ‘to!”
Hindi na rin malinaw ang mga naririnig ko sa kaniya. Kahit nanlalabo ang mga mata ko ngunit nakita ko pa rin kung paano unti-unting nangingitim si itay. Sinimulan na ni manong Nilo buhatin si itay. Isa siya sa kaibigan ni itay.
“Arghhh!! Pakiusap, iligtas mo siya! Ako n-na lang…” buong lakas kong sigaw habang nakatingin sa papalayong bulto ni itay.