Kabanata 2

2682 Words
"KUMUSTA ho ang mag-ama ko, Doc?" May pag-aalala sa tono ng pananalita niya base sa narinig ko.   Iyan ang tanong ang bumungad sa akin ng ako ay magkaroon ng malay. Ngunit ang aking mata ay nanatiling nakasara.   Gustuhin ko mang imulat ang pares ng mata ko ngunit hindi ko magawa. Tanging mga boses lamang nila ang naririnig ko.   "Sa ngayon, maayos ang maayos ang kalagayan ng anak mo. Subalit nasa critical naman ang asawa mo. Maglimang araw na ngunit hindi pa rin siya nagigising," pormal na tugon ng Doktor sa kausap.   'Apat na araw akong tulog? Ano na kaya ang kalagayan ni itay ngayon?'   "Ano ho ba ang nangyari bakit naging gan'on siya? Bigla na lamang ho siya natumba at nangitim ho. At bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin siya? May ibang paraan ho ba para magising na siya?"   "Inatake ng high blood ang asawa mo at inatake sa puso, misis. At hindi pa kami nakakasigurado kung kailan siya magigising. Saka palala nang palala ang sakit niya lalo na at matanda na ang asawa mo." Narinig kong huminto ang doctor saka nagpatuloy. "Nabigla ho ba siya bago mangyari ang insidente?"   ‘Kasalanan ko ‘to kung bakit nasa kritikal na kondis’yon si itay.’   "Kung gan'on ay isa iyon sa dahilan kung bakit nagkagan'on ang asawa mo. Payo ko lang ho ay pag-isipang mabuti ang sasabihin o kaya ay huwag ninyong biglain. Lalo na at nasa pamilya n'yo ang may sakit sa puso." Dagdag pang wika ng Doktor.   Naramdaman ko na may umupo sa gilid ng kaam ko, kapagkuwan ay marahang paghaplos ng kung sino sa buhok ko.   "M-may sakit din ho ba ang... anak ko?"   "Oho, misis. Sa tingin ko ay ilang beses na nawalan ng malay ang anak mo. Delikado ho ang buhay ng mag-ina kapag napabayaan. Lalo na ata laging nagkakaroon ng emotional breakdown anak mo. Bawal ho iyon para sa buntis. At ilang linggo na lang din ay manganganak na ang anak mo."   "Ano hong maaaring mangyari kapag nagkagan'on?"   "May posibilidad na mas lalong humina ang puso ng sanggol o 'di kaya ay mawalan ng hearbeat bago pa man isilang. Kaya kung gusto n'yo hong agapan iyon ay dapat alagaan ng ina ang sanggol sa sinapupunan niya," malungkot na mungkahi niya sa aking ina.   'Hindi maaaring mangyari iyon. Gusto ko pang makasama ang anak ko. Patawad anak, wala namang nagawa si nanay para alagaan ka.'   "Sige ho."   "Pakainin niyo rin ng masustansiya ang anak niyo. Maglakad-lakad na rin umaga. Sa gan'ong paraan, baka maging malakas ang sanggol bago isilangan. Malinaw ho ba?"   "Daghang salamat, Doc," narinig kong tugon ni inay.   "Sige ho, misis, marami pa akong iche-check na pasyente."   "Maraming salamat uli," puno ng sensirong gagad ni inay. Ilang segundo lang ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, hudyat na nakalabas na ang doktor.   Sinubukan kong imulat ang pares ng mata ko. Sa unang subok ay nakaramdam ako ng hapdi. Muli ay ginawa ko na naman hanggang sa tuluyan na itong bumukas.   Kadiliman ang bumungad sa pagmulat ng mata ko. Hindi ko maaninag ang kabuuan ng silid at ang mukha ni inay na nasa tabi ko lamang.   "Anak..." maligayang sambit niya nang makita niya akong gising na. "Salamat naman sa Diyos at nagising ka na. Pinag-aalala mo kami."   "Nay, b-bakit wala akong makita?! Bakit madilim?" Nagsimula na akong mag-panick at ang takot ay lumukod sa puso ko.   Nagsimula ng kumabog ang puso ko at pinagpapawisan na rin ako. Ang nakakabingi ang malakas na pagtambol ng puso ko. Tila nablanko ako at hindi agad pumasok sa isip ko ang nangyari. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito.   "Pano—huh? Saglit..." Narinig ko ang papalayong yabag ni inay at ang pabukas ng pinto. "Tulong! Doc, yong—"   “Nay!”   Pumikit muli ako saka sinusubukang imulat. Ginawa ko iyon ng tatlong beses. Ilang saglit pa lamang ay nagsimula ng luminaw ang paningin ko.   Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid ko. Lahat ng makikita ko ay puro puti. Nakita ko rin ang dextrose na nakatusok sa likod ng palad ko.   "Nay, nakakakita na ho ako," mahinang saad ko. Mababakas ang saya sa tinig ko. Napasinghap ako at taimtim na nagpasalamat sa Diyos.   "Sigurado ka ba, 'nak? Pag syur dihaa."   "Oho. N-Nay... kumusta ho ang anak ko?"   Pinagmasdan ko ang hindi kalakihan ang tiyan ko. Ilang linggo na lang ay makikita at mayayakap ko na rin ang anghel ko.   "Naagapan naman daw anak, ngunit hindi tayo nakakasigurado kung kakayanin niya ang pagiging emosyonal mo. Ipagdasal na lang natin na bumalik sa normal ang pagtibok ng puso niya."   Sa wakas ay nabawasan ang bigat na dinadala ko ng malaman nila ni inay. Nabawasan nga ngunit may dumagdag na namang iba.   Naisin ko man na huwag sabihin ay hindi maaari. Hindi pa rin p'wedeng ikaila iyon dahil baka mas lalo silang mabigla kapag may nakita ng sanggol.   Mahabang katahimikan ang namutawi sa loob ng silid. Bigla ay may dumaloy na kuryente sa puso ko na nakapagbibigay ng sakit.   Sinubukan kong bumangon at umupo sa kama habang ang likod ay nakasandal sa unan.   "I-Inay..." Napalunok ako ngunit pait lang ang nalasahan ko. "K-kumusta ho pala ang kalagayan ni itay?"   Kahit narinig ko na kanina sa doctor ay gusto ko pa rin malaman galing kay inay. Alam kong kasalanan ko 'to eh kung bakit nasa ICU ngayon ang si itay.   "Maayos ang kalagayan ng itay mo. Malakas kaya 'yon." Tipid nangiti ang iginawad sa akin ni inay.   "I-Inay..."   "'Wag mo ng isipin 'yon. Bawal ka ma-stress at mag-alala. Sige na, ako ang bahala sa tatay mo."   Nagsimulang mamuo ang luha ko sa gilid ng aking mata dahil maraming possibilidad ang pumapasok sa isipan ko sa mga oras na ito.   Marami ring katanungan ang gumugulo sa akin ngayon. Katanungan na hindi ko batid kong masasagot ko ba. Nakakatakot ang malagay sa ganitong sitwasyon.   Kakayanin ko ba 'to mag-isa?   Bigla ko na naman naalala ang huling pag-uusap namin ni Rexenon. Parang sinasaksak ang puso ko sa katotohanang hindi niya pala ako minahal.   Nais niya lang sirain ang buhay ko. Gusto niya lang wasakin at durugin ang pagkatao ko.   "Inay, anong kulang ho sa'kin? Hindi ho ba ako sapat para mahalin n’ya?" Sa pagkakataong ito ay tuluyan ng pumatak ang butil ng mga luha ko.   "Naunsa man ka? Unsa may nahitabo sa amahan ng bata? Tama na ang paglilihim, Eline!"   Nanginginig ang labi ko, ang paningin ko ay nsgsimulang manlabo dahil sa luhang patuloy pa rin sa pagtulo.   "Para akong basahan, Inay. Pagkatapos dungisan ay maaaring itapon kapag hindi na nais gamitin."   "Ano pa 'yang pinagsasabi mo, Eline!" Tumaas ang boses ni inay. "Sabihin mo na sa'kin kung anong nangyari! Nahihirapan din ako, 'nak. Gusto kitang sigawan, saktan, pagalitan o pangaralan dahil sa nagawa mo. Ngunit hindi ko magawa dahil ayoko ng dagdagan ang problema mo. Nagkulang ba ako sa pag-aaruga sa inyo? Hindi ba sapat ang mga pangaral namin sa inyo ng tatay mo?" Halos pumiyok ang boses ni inay at mababakas sa bawat bigkas niya ng mga katagang iyon ay nasasaktan siya.   Nagsimula na namang kumirot ang puso ko nang makita ang mga luhang dumaloy sa pisngi ng aking ina.   "Nay..." Huminga ako ng malalim upang kumuha ng lakas bago nagpatuloy. "A-ayaw ho panagutan ng lalakin ‘yon ang... a-anak ko."   Inangat ko ang aking kamay para punasan ang luha ng ina ko. Ang luhang ako mismong ang dahilan kung bakit kumawala.   Saksi ako kung paano nanlaki ang mata ng ina ko at nagsimulang manggalaiti sa galit. Kumuyom ang kaniyang kamay at napahawak ito sa sentido. "Punyeta! Hayop na lalaking 'yon! Ang kapal ng pagmumukha!"   Lalo akong napahikbi ako dahil sa pagiging pabaya ko. Sinayang ko ang perang pinang-aral nila sa akin. Na kahit mahirap ang buhay ay kinakaya nila para sa kinabukasan namin. Pero ito ako naging pariwara.   "Hayaan na lang natin, inay. Ayoko na ho ng gulo!" pagpipigil ko sa kaniya baka ano pa ang mangyari.   "Lintik na lalaking 'yon!"   "Patawad ho, inay. Patawad ho kung sinisira ko ang malaking tiwala ninyo. P-patawad ho kung naglaho ang lahat ng pinapangarap niyo sa akin."   "Shhh, huwag mo na isipin iyon. Nariyan na iyan, wala na kaming magagawa ng itay mo. Ang natatanging paraan na lang ay tanggapin ka namin at ang magiging apo namin."   "Salamat ho..." Niyapos ko ang aking mga braso sa katawan ni inay at doon sa balikat niya umiyak. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa naging sagot niya. Akala ko ay itataboy na niya ako katulad sa mga nangyari sa ibang tao. "Nay, b-bakit ho may mga taong hindi kayang pangatawanan ang ganitong uri ng kasalanan?"   Sinimulan niyang haplusin ang likod ko. "Sa buhay, may dalawang uri ng tao tungkol sa sitwasyong iyan. Mayroong takot sa responsibilad kaya tinatakasan nila ang nagawang kasalanan. At ang pangalawa naman ay, handang harapin ang kasalanan, hindi natatakot sa maaaring kahihinatnan dahil alam na niya na simula pa lang ang kaniyang ginawa ngunit nagpatuloy pa rin."   Nakaramdam ako ng kaligtasan sa bisig ng aking ina. Ang swerte ko pa rin dahil sa kabila ng kasalanan nagawa ko ay nariyan pa rin si inay. Masarap magkaroon ng ganitong pamilya at magulang. Hindi ka iiwan sa ere kahit nakagawa ka na ng kasalanan.   Kasalanang mahirap na ayusin, mahirap na buuin dapat mananatiling peklat iyon sa kanilang isipan.   Pareho kaming natahimik at nakatingin lang sa kawalan. Hindi naman masyadong mahirap ang buha namin. Sadyang may pagkakataon lang na nagiging kapos ang pamilya namin.   Sa gastuhin naman sa hospital ay hindi namin pinoproblema dahil may PhilHealth si itay.   Kahit anong pilit kong ngumiti ay hindi ko magawa lalo na at wala pa rin sa maayos na kalagayan si itay.   "Mapapatawad ho kaya ako ni itay? Matatanggap niya ho ba ang anak ko?"   Ngumiti si inay bago sumagot, "nakakasigurado ako, siya ang tipo ng tao na kahit anong kasalanan na magawa mo ay papatawarin ka pa rin. Ang swerte nating lahat sa tatay mo. Siya ang buhay nating lahat. Siya ang nagbibigay kasayahan sa buong bahay."   "Nakakatiyak ako na sobrang nasaktan si itay kung kaya nangyari 'to," wala sa sariling tugon ko.   "Bakit hindi mo—"   Napatigil si inay nang marinig naming dalawa ang malakas na pagsara ng pinto.   Napatayo ako sa pagkaupo mula sa kama. Doon, nakita ko nakatayo ang nakasimangot na si Fairah at mababakas ang inis na bumalaytay sa mukha niya.   "Gising na si itay at ikaw agad ang hinahanap!" singhal niya sa at humarap sa akin. Kitang-kita ko ang galit na nanalaytay sa mga mata niya. Na parang anomang oras ay sasabog na.   Parehong nanlaki ang mata namin ni inay at nagkatinginan kaming dalawa. Nakakagulat ang inasta niya, ngayon lsng namin siya nakitang ganito. At hindi niya pa ako minsan pinagtaasan ng boses.   "Fairah!" Nagbabantang sigaw ni inay.   "Tingnan mo nga, ate, ikaw nga 'tong nakagawa ng kasalan. Ikaw pa ang unang hinahanap niya. Napakahusay!" Puno ng sarkasmong tugon niya. "Ito ang tatandaan mo, ate, sa oras na may mangyaring masama kay itay, ikaw ang pagbabayarin ko!"   "P'wede ba, Fairah, huwag mo akong sisihin?! Kasalanan 'to lahat ni Rexenon eh. Siya ang dapat pagtuunan mo!" Malakas kong singhal pabalik. Hindi ko gusto ang inaasta niya ngayon.   "Tama na!" Malakas na sigaw ni inay ngunit hindi namin pinakinggan.   "Haha talaga?!"Hindi makapaniwalang anas niya, kapagkuwan ay pinagkrus niya ang mga braso sa kaniyang dibdib at matalim akong tiningnan.   Hindi ako makagalaw dahil sa tingin niya. Tingin na ayaw na ayaw kong makita, ang tingin ng may panghuhusga. Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng mga luha ko.   "Sinabi kong tama na! Hindi na kayo bata para mag-away!"   Pero tila hindi ito pinakinggan ni Fairah dahil patuloy pa rin ito sa paninigaw sa akin.   "Kasalanan mo ang lahat ng 'to eh! Kaya huwag mong ibaling sa iba! Huwag mong idamay ang ibang tao sa dahilan kung nangyari 'to! Dahil kung may isip ka, dapat una pa lang hindi ka na nagpabuntis! Dapat ay walang mangyayaring ganito! Wala sana si itay sa ICU ngayon!" Angil niya habang dinuduro ako.   "Patawad..."   " Magiging gamot ba 'yan para gumaling si itay?! Lintik na ‘yan!"   "Fairah, ang pananalita mo!" Galit na singhal ni inay at nilapitan niya ang kapatid ko at malakas na sinampal.   Napahawak sa namumulang pisngi niya si Fairah at galit akong tiningnan.   "Tingnan mo nga, Ate, lahat ay kakampi mo. Magaling!" Sarkasting gagad niya saka tinalikuran kami.   Parang piniga ang puso ko sa mga salitang 'yon. Nanginginig na rin ang kamay at paa ko. Hindi ako makaimik o maipagtanggol ang sarili ko. Bigla na lamang ako napaupo sa kama dahil sa panghihina at niyakap ang sariling tuhod.   "Tama ka, kasalanan ko 'to," bulong ko. Nag-uunahan sa pagtulo ang luha ko.   Kailan ba hihinto ang pagbuhos ng luha ko? Kalian ba matatapos ang sakit na nararamdaman ko.   Hinaplos ni inay ang likod ko at inalalayan ako palabas papunta ng ICU. "Tama na 'yan, dadalawin pa natin ang itay mo."   Iwinaksi ko muna panandalian ang nangyari kanina. Kailangan ko pang humingi ng tawad kay itay.   Akalain mo 'yon, n'ong nakaraan lang ay masaya siya sa pinagbubuntis ko, pero ngayon, tila nagalit pa siya.   Hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit inataki si itay eh. Walang may gusto sa nangyari.   Pagkapasok namin ni inay ay sumalubong sa akin ang puting silid. Umalingasaw din ang amoy ng gamot at alcohol—isa sa pinakaayaw kong amoy sa hospital. Naririnig ko rin ang tunog ng makina.   Inilibot ang paningin ko sa paligid. May salamin sa kaliwang bahagi, malapit sa pintuan. Naglalakihan din ang makinang ginagamit dito.   Inilipat ko ang atensiyon ko sa taong nakahiga sa kama. Bigla akong nanlumo sa hitsura ng ama ko. Mas lalong pumayat ang katawan niya. Nanghihina at mababakas na nahihirapan na itong huminga. Nagsimulang na naman mamuo ang mga luha sa gilid ng aking mata.   "N-Nay..." Nilingon ko ang aking ina upang humingi ng tulong. Para akong naging poste sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw dahil sa panghihina.   Hindi ko rin alam kung pa'no magsimula. Kung paano humingi ng tawad sa kaniya.   Dati akala ko ay madali lang bigkasin ang salitang patawad. Subalit bakit ngayon ay nahihirapan akong buuin ang salitang nais kong sabihin mamaya kay itay.   Pero bakit ngayon tila naging isang daluyong na mahirap pigilan, parang katulad ngayon, hindi ko na naman mapigilan ang lumuha. Hindi rin ako makabuo ng salitang nais ko sabihin. At simpleng salitang patawad ay napakahirap na bigkasin.   Nakita ko ang nakakabit na dextrose sa kanang bahagi. Mas lalong kumulubot ang ang balat niya. May nakalagay ding tangki ng oxygen sa kanang bahagi niya.   "Sige na, lapitan mo na," nakangitin tugon ni ina.   "N-Nay..." Nagsimulang manginig ang mga labi ko. "Hindi ko ho kayang makita siyang ganiyan. Parang dinudurog ang kaluluwa ko. Ako ang may kasalan ho nito."   "Shhh, sige na, nasa likod mo lang ako."   Nangangatog ang mga tuhod ko habang paunti-unti kong hinahakbang papalapit sa kama ni itay. Ilang beses akong muntik na matumba dahil unti-unti ng bumibigay ang tuhod ko.   Ang puso ko ay nanlamig at binalot ng kuryenteng naghahatid kirot sa buong kalamnan ko.   Nang makalapit ay dahan-dahan akong umupo sa upuan at marahang hinawakan ang kamay ni itay. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.   Hinalikan ko ang likod ng palad niya. Dahil sa ginawa ko ay nakangiti siyang lumingon sa akin.   "Selya, g-gihigugma taka." Pinilit niya ngumiti kahit nahihirapan siya. "A-alagaan mo ang mga bata ah."   "Ayy naku, Karding. Tayong dalawa ang mag-aalaga ng anak natin. Sobrang pasaway pa naman ng mga niyan." Nakangiti ngunit humihikbing ani ni inay. Sa mga salita ni itay ay tila nagpapaalam na ito.   “Huwag… n-naman gan’yan, Itay.”   Ibinaling ni itay ang tingin niya sa'kin at sinubukang iangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. "Lagi mong tatandaan na mahal kita, mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo," mahinang sambit niya. Nahihirapan na rin siyang huminga dahil sa pagsasalita niya. Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng puso ko.   ‘Huwag naman ho sana, Panginoon.’   "Mahal na mahal ko rin kayo ni inay," malumanay kong tugon. Huminga ako ng malalim saka tumikhim. "I-Itay, pa...pata—"   Bigla akong nakarinig ng tunog ng makina. Pareho kaming nataranta ni inay kung kaya ay napatakbo siya sa labas. Samantalang ako ay nakatulala habang nakatingin lang sa ama kong nakangiti. Tuluyan na niyang ipikit ang kaniyang mata kasabay ng pag-isa ng linya ng makina.   Wala akong nagawa, parang akong naestatwa sa aking kinatayuan. Tila binuhusan ako ng isang balde ng yelo. Hindi maproseso ng utak ang nangyari sa harapan ko. Hindi rin nag-sink in sa utak ko ang nangyari. Bigla na lang ako napaupo sa sahig habang nakatulala at lumuluha. Para akong nablanko sa nangyari. Hindi ko na rin alam kung paano ako nakarating sa labas ng ICU. Paulit-ulit ko ring pinipisil ang palad ko dahil sa panlalamig at pamamanhid.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD