Nalaman kong may sakit na pala talaga ang nanay at halos buwan buwan siyang nagpa pacheck up dahil iyon ang sabi ng doctor niya. Pinaliwanag sa akin lahat ni tatay, naiintindihan ko naman iyon pero bakit naman kailangan pang itago sa akin iyon.
"Alyssa anak, pasensya na talaga kung hindi namin sa iyo sinabi dahil ayaw ni nanay mong ipaalam sayo at may sarili ka ding problema anak!" paliwanag ni tatay sa akin, tinignan ko siya at magang maga pa din ang mata niya kagaya ko.
"Ayos lang po Tay, pero sana po pag may masakit sa iyo o my gusto ka po magsabi ka po sa akin. Tay dalawa na lang tayo ayokong iwan mo ko agad agad. Tay please po wag po" sabi ko ata inakap ko siya at umiyak
Halos ala pa akong tulog. Sa 500 na hiniram ko kay Kuyang Guard ay 200 na lang ang natira dahil kasali si nanay sa harana ay may pera naman din itong naiwan at yun ang ginastos ko sa pang ayos ng libingan at puntod ni nanay.
Hindi ko pa ginagalaw ang telepono ko at hindi ko na rin tinext sila Sir alvin dahil mamaya baka kaawaan niya pa ako, ayoko ng ganun.
Tanghali na at hindi pa ako kumakain, pinatulog ko na muna si tatay dahil parehas ala kaming tulog dahil sa kakaiyak at bantay kay nanay. Si Lola Pacing at Lola Macing na ang bumili ng kung ano ano para sa gagamitin ngayon dahil hindi kona kayang umalis sa tabi ng kabaong ng nanay ko.
Nay bakit mo naman po ako iniwan agad? Diba iniwan ako ng totoo kong magulang agad agad din bakit naman po ninyo ginaya iyon! Nay ang daya mo naman po. Nay sobrang saya ko dahil ikaw ang tumayong magulang sa akin kayo ni tatay Ramon. Nanay bantayan mo po kami ah lalo na po si Tatay wag na wag mo po siyang iiwan sa tabi niya kahit ala na kayo dito sa tabi namin. Nay sobrang miss ko na ikaw, wala ng magluluto ng umagahan, tanghalian at hapunan namin ni tatay ala na din sisigaw sa amin pag sobrang ingay namin at ikaw nakikinig sa radyo. Nay kung asan ka man po ngayon dapat masaya ka ah dahil kami ni Tatay, pipiliitin namin maging masaya para sa iyo para hindi ka maging malungkot dyan. Nay mahal na mahal kita, sobra po. bulong ko sa kabaong niya sa tabi ko napangiti na lanh ako ng biglang ngumiti ang mukha ng nanay sa loob nuon.
Ngayon nay hindi na malungkot ang mukha mo. Promise po aalagaan ko ang tatay para sa iyo.
***
Alas syete na ng gabi ng biglang may kotse at mutor na huminto sa kabilang linya ng kalsada. Hindi ko maaninag dahil nanlalabo ang mata ko.
"Alyssa anak, mukhang may bisita ka ata!" sabi ng tatay na bagong gising dahil magulo ang buhok
"hala tay! ang baho.mo daw sabi ni nanay, maligo ka naman daw tay" natatawang sabi ko at siya naman inamoy ang sarili
"ikaw talagang bata ka...oh sige kung may kailangan ka ay andyan ang lola macing at pasing mo anak!, " sabi ni tatay at nagpaalam na siyang maliligo daw muna at baka bigla siyang hampasin ng tambo ng nanay.
Bumalik ako sa loob dahil mukhang hindi naman ata sa aming bisita kaya hinayaan kona lang.
Lumipas ang ilang minuto ng biglang pumasok si Ate Eleng anak ni Lola Pasing na panganay.
"Alyssa, my bisita ka sa labas" sabi nito at sabay na kaming lumabas dahil pumasok na din si Lola Pasinh at Macing na sila na daw muna magbabantay.
Lakad ako ng lakad palabas ng bigla akong naumpog sa kahoy tigas!!
"Aray!!" sabi ko at hinaplos ang nuo dahil mukhang may bukol
"bakit kasi nakayuko ka? ayan tuloy may bukol kana!" salita ng kahoyy ayy hindi kahoy to!
"Sir Alvin?" saad ko pero ngumiti naman ito at hinampas kopa ang mukha niya kung totoo.
"hala totoo nga, si sir alvin pala" tuloy ko at medyo nahiya dahil ang dami pa naman nagsusugal dito sa labas.
--
goodmorning