Kabukasan ay nalate ng 20 minutes si Sir Alvin, sabi niya traffic lang daw kaya hinayaan kona tutal siya naman ang boss hehe..
Dahil sanay na akong nagkakape siya sa maga pagpasok ay hindi kona siya tinanong dahil binababa ko na agad sa table niya iyon, tinignan ko siya sa mukha at mukha siyang pagod at stresss.
"Sir?.." tawag ko dito at lumingon naman ito sa akin ang lalim ng mata niya " natulog po ba kayo?... free naman po matulog sir, ako na lang po tatapos dyan mukha na po kasi kayong zombie!" tuloy ko pero niya walang reactions basta uminom lang ng kape.
hindi siya nakinig sa akin kaya tumingin ako ulit sa kanya at "HOY SIR ALVIN DUSTINE MILLARI, PAG IKAW NAMATAY AKO MALALAGOT SA MOMMY AT DADDY MO PATI NA DIN SA NAG IISA MONG KAPATID NA BABAE!! ABA SIR MAKINIG KA SAKIN KUNG AYAW MONG MABORGER KITA" sigaw ko sa kanya at natapon pa niya ang kape sa baba dahil sa gulat
lumingon siya sakin at nag peace sign lang ako pero inirapan ko pa.
Tatawagan ko sana si ate Karen ng biglang tumunog ang telepono ko.
Miss Karen Calling..
sus siya din pala ang tumawag.
"Yes, Ms Karen?" tanong ko dito
"Ma'am may nagpunta po kasing matanda sa labas at iyak ng iyak mukha pong lasing eh, hinahanap ka po!" sabi nito matanda?
"sige ho! paki antay na lang po ako dyan sa baba!!" saad ko dito saka binababa na ang tawag
"Sir, lalabas lang po ako... matulog ka na po ako ng bahala diyan" saka inagaw ang limang envelop, pero bago ako tuluyang lumabas ay binigay ko ang isang unan ko sa kanya
****
pagkababa ko ay maraming tao doon, hindi ko agad makita si Miss Karen kaya ang hinanap ko ay si Sir Jacob.
"Sir Jacob, Asan po yung matanda?" tanong ko saka nila tinuro ang lalking matanda na mahimbing na natutulog sa upuan.
Pinuntuhan ko siya at nakita ko si Tatay Ramon doon. Takang taka ako dahil maayos naman akong umalis kanina ng bahay kaso hindj ko naabutan si Nanay dahil.maaga daw umalis.
"Tay, tara na po umuwi" kalabit ko sa kanya pero ayaw nito tumayo.
"Anak, ang nanay mo" bulong nito pero hidni naka dilat oh bakit naman kaya si nanay?.
"Oh bakit po si Nanay, Tay?" tanong ko pero umiyak lang ito ng umiyak habang hawak hawak ang isang kamay ko.
kabang kaba ako kung anong nangyayari kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Sir Alvin.
To: my cutie boss
Sir, uuwi na po ako pasenya po talaga mukha po kasing may problema sa bahay babalik na lanh po ako bukas. Restwell and Sleepwell.
Alam kong hindi siya magre reply kaya mabilis kong tinago na ang cellphone ko buti at my isang daan ako sa bulsa pamasahe pauwi.
Nagpatulong ako sa guard na akayin si Tatau Ramon sa taxi para mahatid na kami pero hindi ata kasya ang pera ko dahil mahal sa taxi.
Kinalabit ko si Manong guard at humarap naman ito
"kuya, pahiram muna 500 hehe. naiwan po wallett ko sa office ni sir abot kona lang po bukas!!" sabi ko sala siya ngumiti.
"sige. Iha ito oh, mukhang may problema ang tatay mo kaya iuwi mo na muna!" sabi ni Kuyang guard at nagpaalam na ito dahil on duty siya at pagagalitan siya ni miss Karen kung sakali.
Nakauwi kami sa bahay at wala man lang akong maramdaman dahil mukha akong ewan. basta wala akong pakiramdam ngayon .
Pagbukas ko ng pinto nakita ko sila aling macing at pasing na umiiyak sa loob. mga kaibigan ni nanay
"hala lola, bakit po kayo umiiyak?" tanong ko
"ang nanay mo, alyssa anak!" sagot ni lola pasing at doon na tumulo ang luha ko kahit ala pa ma din ay nagets ko na.
Lord please, sana po mali ang iniisip ko. Lord please i begged you. Please wag po ang nanay ko. bulong ko habang tumutulo ang luha ko
****
babiess