Chapter 2.
goodluck and enjoy!!
Wattpad: Imhapeylikeu
Ig: Analyn_delax
Pang unang linggo ko pa lang dito sa kompanya ni sir ay nasobrahan na ata ako ng hagard at sobrang stress na din ako.
"Goodmorning sir, coffee?" tanong ko saka ito tumango pero hindi man lang tumingin sa akin nubayan sayang beauty ko.
Busangot akong nagtitimpla ng kape, habang isinasasalin ko sa tasa ay may naririnig na naman akong mga bulungan pero hindi naman bulong iyon pinaparinig talaga nila sa akin nubayan.
Nawala ang mga nambabastos sa akin simula nung dito na ako nagta trabaho, halos lahat ng kasamahan ko o nasasalamuha ko ay puro babae na pero lagi naman may naiibato sa akin pag nakatalikod na ako.
"Sir ito na po ang kape!" nilagay ko sa table niya iyon saka bumalik sa table ko. Sa labas dapat ang table ko pero ayaw pumayag ni Sir mas ayos daw dito sa loob kesa sa labas.
Nakatingin ako sa kanya tas tingin sa kahoy na may naka ukit na pangalan niya "C.E.O - ALVIN MILLARI" ayan ang name niya ganda sana pero hindi bagay sa kanya kasi naman ang sungit sungit niya sa iba sa akin lang ata mabait minsan talaga may pagka asumming ako eh hayaan niyo na!!
"MS. ALYSSA CAMILLE PUERTO" biglang sigaw ni sir alvin kaya ako napatayo agad sa inuupuan ko at lumingon sa kanya
"Sir alvin naman, wag ka naman po sumisigaw nagugulat ako eh" kinakabahang saad ko saka inayos ang papel na nahulog
"Kanina pa kita tinatawag pero parang ang lalim ng iniisip mo at ayaw mo magpa istorbo...sino ba yan?" sabi niya saka ako napakunot ng noo.
"Sir kasi po iniisip ko ikaw.....saka pangalan mo" saad ko pero para siyang nakakita ng multo dahil bigla siyang maging istatwa ehhwh. " ayos ka lang po, sir?" tanong ko
"O-oo... b-bakit mo naman iniisip a-ako?" utal niyang tanong kaya napakamot na ako sa ulo.
"Wala po sir. Don't mind me na lang po" sabi ko saka ako umupo sa upuan ulit pero ng lingunin ko si sir ay tulala pa din " hoy sir!... back to work na po!!" sigaw ko sa kanya... ang ending hinagis niya sakin ang ballpen na hawak niya.
Tinignan ko ng masama si sir kahit naka tingin ito sa akin ang pogi pogi sungit sungit namn!! bulong ko pero hinagis niya ulit sa akin ang isang ballpen.
"sige sir! hagis mo ulit hindi ako bibili ngayon ng ballpen tinatamad ako maglakad, last na ballpen mo na yan" sabi ko saka ako sumimangot sa kanya
"sino ba talaga ang boss sa atin ha, Aly?" tanong nito sa akin at ngumiti naman ako
"ako po ata!.. joke syempre ikaw" sagot ko "pwera na lang po kung gusto moko asawahin syempre ako magjging boss hindi na ikaw hehe" bulong na halatang narinig niya at hindi nga ako nagkamali ihahagis na niya sana ang ballpen pero sinamaan ko siya ng tingin.
"bahala ka dyan sir alvin... kanina ka pa nag iinit na ulo ko sayo. tse!!" sabi ko saka ako dabog na umalis ng opisina niya
Bahala siya doon, siya na lahat tumapos ng gagawin ngayon. Dumeretso ako sa cafeteria saka tumungo sa bilihan ng pagkain. Since, Kilala na akong secretary dito ay dadalin na lang daw nila sa table ko pero sabi ko wag na.
"Ate yung order ko ulit ha, dapat my dinuguan or adobo na saka my saging po ah!" sabi ko tsaka tumawa si ate bigla naman siyang napahinto ng sumimangot ako sa kanya.
Natapos akong kumain busog na busog ako sobra hehehe. Balak ko na sanang umakyat sa opisina ni sir alvin ng naalala kong hindi pa iyon kumain.
"ATEEEE ELLA, ISANG ORDER PA PO ULIT PAKI DAMIHAN PO AH KAY BOSS PO IYAN" sigaw ko saka siya ngumiti.
****
Malapit na ako sa office ni sir Alvin ng bigla akong may narinig na sa sigaw galing doon.
"ANO HINDI NIYO PA DIN NAKIKITA SI ALYSSA? " galit na sigaw nito OA gulo gulo kasi yan mabuti nga sayo nalayasan ka.
"S-sir, nag text po si a-ate e-ella yung tindera s-sa c-cafeteria galing daw p-po doon si Ma'am A-alyssa" halos hindi maderetso ni Ma'am Karen iyon dahil sa takot ata? puro utal eh.
hindi kona kayang tumagal pa doon dahil halatang pati ang mga nasa labas ay natatakot na din
"Excuse me po sir at ma'am karen" singit ko saka ako umupo sa chair ko pero hawak hawak ko pa din ang plastic na dapat pagkain ni sir.
"Sir pwede na p-po ba a-akong l-lumabas?" tanong ni Ma'am Karen. sound proof ito ha bat ko naririnig ang asa labas ako kanina?
Tumingin ako kay sir at nahuli ko itong nakatingin sa akin makikita mo talaga sa mukha niya na nag aalala ito.
"Sir sorry na po! Naasar po kasi talaga ako tas hindi pa ako kumain kanina tas nang asar pa kayo, kaya po yun heheh!!!!" paghingi ko ng padensya saka siya ngumiti at lumapit sa akin
Bigla niya akong inakap at hinaplos ang buhok ko.
"Next time magsabi kana lang sa akin kung nagugutom ka. Wag mo na akong iwan ng ganun ganun lang Cam." sabi nito at hinalikan ako sa nuo ko.
"Hala sir! feeling jowa ko?" saad ko at pinitik niya ako agad sa nuo.
*****
goodnight babies likeys