Writers note: Mature scenes ahead. Ilang buwan ang nakalipas. Mula sa matagal na pagharap sa computer monitor sa loob ng kanyang opisina sa kanyang bagong biling bahay ay inilapat niya ang kanyang likuran sa sandalan ng kanyang office chair. Maya maya ay ipinikit ang mga mata para makapagpahinga ang mga ito at minasahe ng mga kamay ang kanyang leeg at balikat. Ilang minuto pa pagkatapos, nang imulat ang mga mata ay diretsong dumako ang mga iyon sa orasan na nasa dingding ng kuwartong kinapapaloban. Mag-aalas nuebe na pala at sigurado siyang na-miss na naman niya ang bedtime story nila ng anak bago ito matulog. Lately ay medyo na-busy siya sa trabaho at late na minsan natatapos ang mga paperworks na ipinapasa sa kanya ng mga empleyado ng kanyang negosyo. Bumaba ang kanyang paningin at

