Lumipas pa ang ilang linggo. Gaya ng napagplanuhan ay nakabili na ito ng isang malaking bahay sa isang malaking subdivision sa Baguio. Ilang araw na rin silang abala sa paglilipat ng ibang mga gamit sa bahay. Pinili nilang dalhin ang ibang mga importanteng gamit lang at ang iba na hindi naman ay ibebenta na lang sa murang halaga or iiwan para sa ibang pamilyang ookupa doon. Pauupahan na lang nila ang kanilang bahay para anumang oras ay pupwede pa rin iyon bisitahin kapag gusto nilang balikan ang mga alaalang naiwan doon ng nanay at kapatid. Nasa loob siya ng kanyang kuwarto noong oras na iyon at kinakalkal ang ibang mga boxes na matagal na niyang hindi natitingnan nang may isang bagay na kumuha ng kanyang pansin. Isang tila maliit na notebook iyon na may nakaimprentang pangalan ng pang

