Para siyang dinuduyan nang magising ang kanyang diwa kinabukasan. Iginalaw niya ang katawan at tila naramdaman na nasa isang napakalambot na higaan siya noong oras na iyon. Nasinghot niya ang tila mabangong amoy ng kumot at unan, naiyakap niya ang mga braso dito. Nakakaamoy din siya ng tila aromatic scent sa paligid. Kasalukuyan niyang inienjoy ang relaxing moment na iyon nang bigla niyang maalala ang trabaho sa strip club. Naibukas niya ang mga mata at pabangon na napakislot. Inilibot niya ang paningin sa paligid, anong pagtataka niya na tila nasa isang maliit na hotel room siya na may mababang kisame at may mataas at maliliit na bintana. Mula doon ay aninag niya ang liwanag na tila nanggagaling sa labas. ‘Teka, umaga na ba?’ tanong niya sa sarili. Pinakatitigan pa ang maliit na bint

