Sa opisina, noong hapong iyon, bago matapos ang kanilang working hours. Nasapo ni Emerald ang mukha pagkatapos nitong ibaba ang telepono. Kanina pa niya pinag-iisipang sagutin ang tawag na iyon ni Mr. Hanashi dahil nga nasa trabaho siya at may ginagawa. Ngayon na natapos na niya ang lahat na dapat tapusin, sa pang anim na beses na pagtawag nito ay sinagot na niya ang tawag ng makulit na may kaedarang lalaki na iyon. May pinag-usapan silang medyo nagdadalawang isip siyang oo-han ang lalaki pero dahil nga alam niyang ito ang makakatulong sa paghihiganti kay Gold ay hindi na rin siya tumanggi. Mula sa may de-salaming dingding ng opisina ng boss nito na si Ricky ay nasaksihan nito ang tila problemadong pagkilos ng dalaga. “Emerald, are you okay?” may pag-aalalang tanong nito sa dalaga n

