Samantala, sa Bare to Dare Strip Club noong gabi ring iyon. “Good evening Malaya,” magiliw na bati ng may kaedaran ng lalaki na naghintay ng ilang minuto para maka-table nito ang dalaga. “Good evening Mr. Hanashi,” malugod na bati rin ng babae nang makaharap ang lalaking kakakausap lang noong nakaraang isang linggo. Halos sabay silang umupo sa magkabilang upuan na pinagigitnaan ng bilog na lamesa. “Kamusta? Hindi ko yata nakita si Gold Salazar ngayong gabi sa club?” interesadong tanong nito sa dalaga na inilibot pa ang paningin sa lugar na iyon. “Wala po talaga si Gold dito ngayong gabi Mr. Hanashi. Pansamantala po siyang pinagbawalan na manood sa club,” pormal niyang sagot dito. Nagliwanag ang mukha ng lalaki at nagpakawala ng pagtawa. “Bakit, ano na naman ang ginawa niya?” intere

