Sa sumunod na mga araw ay napagdesisyunan niyang ilayo muna ang sarili sa pag-iisip sa naging issue sa negosyo. She realized napaka stressful pala na magkaroon ng negosyo. Hindi madali lalo na para sa kanya na baguhan pa lang sa maraming bagay tungkol sa pagha-handle ng ganun na kaagad na kalaking business. Although hindi pa naman ganun kalala ang problema ng negosyo na ipinamana ng asawa ay mas mabuti na iyong maaga pa lang ay maagapan na niya iyon bago pa lumaki at tuluyang ma-bankrupt. Iniingatan iyong huwag mangyari ng yumaong asawa na si Ricky na kahit pa may sakit ito dati ay nagtatrabaho pa rin ito para sa kanila ng kanyang anak na si Amber. She is grateful and thankful. Utang na loob niya sa asawa ang pagkakaroon ng magandang buhay lalong lalo na para sa future ng anak kung kaya

