Lumipas ang ilang araw at naging abala si Emerald sa pag-aasikaso ng kumpanyang iniwan sa kanya ng asawa. “Mr. Buencamino? Joined our group just last year?” naikunot ni Emerald ang noo sa pagkakita sa isang pangalan na biglang sumulpot sa listahan ng mga kasosyo sa negosyo na naiwan ng kaniyang asawa sa Pilipinas. Ilang araw na siyang subsob sa paghagilap ng mga impormasyon kung bakit sa tagal na ng negosyo ng asawa ay ngayon lang ito nagkaproblema. At nagkataon pa na nangyari iyon noong nasa ilalim na ito ng kanyang pamamalakad. Nakakapagtaka naman kasi na biglang bumulusok ang pagbaba ng sales ng halos walo sa kanilang stores na nakatayo sa Baguio at maging sa ilang parte ng lugar sa Maynila. Ang kanyang asawang si Ricky Salvador ang nagmamay-ari ng 45 franchise ng Seven Eleven sa

