Pinauna nito si Emerald sa paglalakad pagkatapos ituro nito ang daan paakyat sa paarkong hagdanan. Habang umaakyat doon ay nasa likuran ito ng babae na pinagmamasdan ang umbok na pwetan nito. Kanina pa talaga nito pinagmamasdan ang ayos na iyon ng babae. Tila na-miss nitong makita ang katawan ng babae mula sa hapit na hapit sa katawan na suot nitong iyon. Sa oras na iyon ay nakailang pagtitimpi itong ginawa, kung gaano nito gustong hawakan ang pwetan nito kanina pa. Pagkarating sa pangalawang palapag ay pinauna na ni Emerald ang lalaki sa paglalakad. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan. Bumungad sa kanya ang gym nito na kumpleto sa gamit. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng kuwarto ng ilang minuto. Pagkaraan pa ay kinuha ni Gold ang isang remote control para buksan ang tila blinds na nakata

