“Good morning magandang binibini! I bought breakfast for the two of us. Come and join me!” Malaki ang pagkakangiti ni sir Ricky nang pumasok sa opisina noong umagang iyon. May dala ito sa kanang kamay na dalawang pagkain na nakapaloob sa styrofoam at sa kabila naman ay dalawang kape mula sa sikat na coffee shop. Nagtuloy tuloy ito sa loob ng opisina nito. Ito na ang araw-araw na ginagawa ng lalaki magmula nang magtapat ng pag-ibig sa dalaga. Ngumiti lang si Emerald. Ang totoo ay ilang linggo na rin siyang walang gana kumain. Pansin niya nga lately na medyo nag-lose siya ng weight. Siguro dahil sa araw araw, gabi gabi ay naiisip niya ang pagbabanta ng matandang businessman na iyon. She decided na manahimik na muna kahit madalas niya ring sisihin ang sarili sa mga nangyari sa minahan n

