Inilagay niya ang hawak hawak na wine glass at ang dala dalang handbag sa maliit na lamesa na nasa gilid ng sofa at pagkatapos ay dahan dahang bumalik sa harapan ng lalaki. Umayos sa pagkakaupo si Gold habang hindi pa rin binibitawan ang wine glass na hawak hawak ng kanang kamay. Inalis niya ang simpleng pagkakatali ng buhok sa likuran at ipinilig pa ang ulo para mailugay iyon ng maayos. Pagkatapos ay inabot ang zipper sa tagilin ng itim na pencil cut skirt mula sa tila pang business attire na suot noong gabing iyon. Hinayaan niya lang iyong malaglag sa kanyang paanan. Namilog ang mga mata ni Gold nang makita ang suot na kulay itim na thong ni Malaya, nakakabit pa dito ang sexy stockings nito na hanggang hita na may malalaking butas ang pagkaka-style. Maya maya ay sinabayan na nito ng

