Chapter 14

2226 Words
Wala ng kalaman-laman itong hapag maliban lang sa tray ng empty wine glass. Pinanatili ko ang diretso ng mga mata ko sa kaniya, kagaya ng ginagawa niya. He’s a respected captain and everybody here knows that. Kung si Pacquito nga ay bahagyang tumitiklop sa kaniya, paano pa kaya ako?   Nakakakaba. Sobra. Isang pagkakamali ko lang, baka magkatotoo ang laging sinasabi ni Pacquito na baka ipatapon ako. Pero regarding doon sa sinabing dapat sa dalawang tao lang ako makikipag-usap, hindi ko maunawaan kung bakit. I mean, kahit naman pilitin ko makipag-interact sa ibang pirata, batid kong `di ko iyon magagawa dahil hindi naman nila ako maiintindihan. Malala na agad ang problema sa language barrier.   “How’s Pacquito as your mentor?” tanong niya. Binasa ko muna ang labi ko bago sumagot.   “He’s fine and… good…”   God. Iyon lang ba? Iyon lang ba ang puwede kong sabihin tungkol kay Pacquito? Kaya siguro hindi niya ako maiiwas dito ay dahil talagang mentor pala ang silbi. Pero hanggang kailan? Paano kung isang araw ay magaling na ako sa mga bagay-bagay dito at sa kapitang ito na lang ako pahihintulutang makipag-usap? Saka posible ba `yon? Paano kung may mga mahahalagang transaksyon na kailangan kong gawin sa iba pang narito?   Ang labo naman ng kapitang ito.   “Does he teach you well? How does he respond whenever you ask him?”   Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon. Paano kung sasabihin kong hindi naman ako natuturuan nang naaayon sa gusto ko? May pagka-istrikto kasi iyong si Pacquito at ewan ko kung may pag-asa pa ba upang masabi na magkakasundo kami sa iisang bagay. Mahilig din siyang manakot. Minsan okay. Pero minsan, hindi rin. Magulo.   Kung magiging honest ako sa totoong insight ko sa kaniya, malaki ang posibilidad na baka palitan siya or worse, baka alisin siya sa trabaho. I know na may mga atraso siya sa akin lalo na sa pakikitungo niya pero `di ko puwede itanggi na family-oriented siya… at breadwinner. Nakakaawa lang at nakaka-konsensya kung ako pa itong maging dahilan ng paghihirap nila.   “Like I said, he’s excellent, captain. He does his job so well and I like how he demonstrates whenever I get confused about something I can’t understand,” tuloy-tuloy kong sabi. Bahala na kung may maling grammar. Kung tutuusin, hindi rin naman siya native na english speaker.   “Bueno, podría decir que hizo su trabajo de manera excelente. Le debo a ese chico,” aniya sabay baling sa dagat, partikular na sa mga alon na humahampas mula sa `di kalayuang rock formation. (Well, I might say he did his job excellently. I owe that guy.)   Ano kayang ibig niyang sabihin? Kung may recorder lang sana talaga akong dala ay baka ni-record ko na `tong usapan at ipa-translate kay Pacquito. Kung hindi man iyon tungkol sa akin, sigurado ako na baka tungkol rin iyon sa kaniya.   “Uh… what do you mean by that, captain?”   He raised an eyebrow. “You can’t understand Spanish even a single word?”   I nodded. “Sadly..”   “Well, I can teach you some.”   Bigla akong napangiti, lalo na nang makita ko rin kung paano umaliwalas ang kaniyang ekspresyon. Medyo malayo na iyon sa kaninang seryoso. He seems so friendly at this moment at parang… parang hindi assistant o servant ang trato niya sa’kin!   I’m not even sure kung hanggang kailan ito. Pero sana, sana sumapit iyong araw na puwede na niya akong pagkatiwalaan at pakawalan.   Umayos siya ng pagkakaupo kaya mula sa pagkakahukot, itinuwid ko ang aking tindig.   “Hola means hello,” he said. “Por favor means please, and lo siento means sorry.”   Saglit akong pumikit upang pakatandaan ang mga iyon. Hola... Por favor… Lo siento.   “Did you get it?”   “Yes, captain,” I assured.   “So what would you say if you did something wrong?”   “Lo siento?”   “You got it right. How about, if you plea for something you want?”   “Por favor.”   “Nice…”   Umawang ang labi ko nang makita ang sinsero niyang ngiti. Seryoso, kung kanina’y inakala ko na may masama siyang binabalak, ngayon ay hindi ko mapigilang mamangha kahit na alam kong mali. Pilit kong isiniksik sa kokote ko na isa siyang pirata at may mga masasamang agenda pero bakit nanlalambot ako sa katiting na kabaitan niya?   Lalo akong nabuhayan sa mga susunod niyang itinuro sa akin.   “If someone says buenos días, it means he’s greeting you a good morning. Buenas tardes for good afternoon, and buenas noches for good evening.”   Taimtim kong tinandaan ang mga iyon lalo’t parang may pa-quiz siya sa huli. `Yong totoo, nasa spanish class ba ako ngayon?   “Hmm, how would you greet me now that the sun has risen?” Hinawi niya ang kaniyang buhok pagkatapos iyong tanungin.   “Buenos días?”   “You’re a fast learner, huh?”   “Uh, a bit, captain.”   “Okay. So may I ask what’s your name?”   “I’m… Saiah Cruz.”   “How would I call you?”   “It’s up to you, captain.”   “How about... Sai?”   Mas itinuon ko ang tingin ko sa kaniya dahil iyon talaga ang nickname ko noon pa man. At kung magkataon nga na iyon ang itatawag niya sa akin, talagang maninibago ako nang todo-todo.   Tumango-tango ako bilang response doon. Kahit paano, ang gaan lang din sa loob na mas gumagaan ang usapan namin.   “Then you can say 'Hola, me llamo Sai'.”   My forehead creased. “What does it mean?”   “If I hear you say it, you mean ‘Hello, my name is Sai’ to someone you speak to.”   Natulala ako roon habang isinisiksik ulit sa isip ang bagong nadagdag sa aking bokabularyo. He just smiles genuinely as if he’s happy and comfortable upon all the things he teaches me.   Somehow, kahit medyo hirap, naka-cope naman ako kahit `di nag-take down notes. Marami pa siyang mga itinuro na thankfully, karamihan ay naalala ko pa. Nag-a-active recall na lang ako sa isip ko para `di ko makalimutan. Paulit-ulit hanggang sa naging confident akong `di ko na `to makakalimutan.   Bago kami maghiwalay ng landas, sinabi ni Kapitan Rael na matutulog lang daw siya sa quarter deck. Gisingin ko na lang daw siya sa cabin niya pagsapit ng alas tres at dalhan ng mainit na sabaw. Sabihin ko na lang daw kay Pacquito ang tungkol dito dahil alam naman daw nito ang tinutukoy niya. Kaya ngayon, nagpasya akong tumungo ng kusina sa lower deck para sana kausapin siya at maibalik na rin itong tray na dala ko.   “Huh? Nasaan kaya iyon?” bulong ko sa sarili ko nang wala akong natagpuan sa kusina. Malinis ang lamesa at ganoon din ang lababo. Halatang nahugasan na lahat ng pinagkainan at `di man lang hinintay itong mga gamit na wine glass. Kaysa lumabas at hanapin siya sa kung saan mang sulok ng pirate ship na ito, hinugasan ko muna nang mabuti ang mga baso saka inayos sa isang hilera. Pagkatapos ay pinatuyo ko ang mga kamay ko sabay hakbang pabalik sa main deck.   The ship is still and steady. Sa puntong ito, nagtatago ang araw sa mga ulap kaya makulimlim ang paligid. Hindi ko masasabing masama ang panahon ngunit napansin ko na mas lumaki ang alon sa dalampasigan at mas lumakas din ang hampas nito. Uulan kaya?   Wala akong naabutan sa harap kaya sinubukan ko naman sa likod kung saan naganap noon ang pagkabuwal namin ni Pacquito. Goodness, maalala ko pa lang na ginawa niya sa akin ang ginawa ni Jack kay Rose sa Titanic, nagsisitaasan na agad ang mga balahibo ko.   Nang marating ang kabilang side ng pirate ship na ito, napabuga ako ng malalim na hininga dahil nakita ko na siya sa pinakadulo. Prente lang na nakatayo roon at hindi na suot ang doublet. Tanging white sleeve shirt na lang ang kaniyang pang-itaas. Naka-boots pa rin naman at suot sa ulo ang itim na bandana.   Marahan akong humakbang patungo sa kaniya. At habang lumalapit ang aking distansya, muli kong ni-recall ang mga itinuro sa akin ng kapitan. I-try ko nga rito kay Pacquito. Baka sakaling mahasa ko pa lalo ang sarili rito.   I stopped when I finally reached his back. Ngayon ko lang napansin na naninigarilyo pala siya dahil sa usok na binubuga. Ano ba `yan!   Despite my slight irritation, kinalabit ko pa rin siya upang ipaalam ang aking presensya.   “Hola, Pacquito. Cómo estás?” (Hello, Pacquito. How are you?)   Marahan siyang lumingon sa akin nang nakababa ang hawak na sigarilyo. Kunot-noo pa kaya pumuwesto na ako sa gilid niya saka ipinatong ang mga braso sa barandilya nitong kaharap namin.   Matagal ang inabot bago siya muling nagsalita. Animo’y hindi siya makapaniwala. Parang pinoproseso pa niya sa isipan kung ano ang narinig niya mula sa akin.   “A-ano?”   “Tinatanong kita kung kumusta ka—”   “Alam ko ang ibig sabihin ng sinabi mo.”   “Oh, alam mo naman pala eh. Bakit mo pa tinatanong?”   He hissed. Ibinalik niya sa harapan ang baling saka humithit muli ng sigarilyo. Sa akin pa ang direksyon ng hangin kaya mismong sa mukha ko pa napunta ang usok. Bwisit.   “Ano ba `yan! Huwag ka nga muna manigarilyo.”   May kinuha siya sa kaniyang bulsa. Kaha iyon ng yosi niya at talagang inalok pa sa akin. “Baka gusto mo?”   “Sa itsura kong `to? Tingin mo maninigarilyo ako?”   “Kaya nga tinatanong ko kung gusto mo.”   “Kahit na… saka puwede bang mamaya na lang muna `yan. Ayaw ko sa amoy ng usok, nakakahilo—”   Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil inihagis niya sa dagat ang hindi pa nangangalahating sigarilyo. Kahit na masarap iyon sa mata, sigurado akong nakakapanghinayang iyon sa parte niya na humihithit nito.   “Tinapon mo kahit pwede namang gamitin mamaya?” tanong ko.   “Sabi mo eh, anong magagawa ko? Tss.”   Suminghap ako upang maka-recover doon sa nalanghap kong usok. Hindi ko talaga maunawaan kung bakit na-imbento pa ang sigarilyo kung wala namang itong maidudulot na maganda.   For the next minutes, nanahimik kami. Kapwa kami tumitig sa kalawakan ng dagat at sa mga ritmo ng alon nito. Kulay abo ang kalangitan. Tuluyang natakpan ang araw na kanina ay saglit lang na sumikat.   Nang subukan kong tumingala kay Pacquito sa aking gilid, saktong binasag na niya ang katahimikan.   “Anong… napag-usapan niyo ni Kapitan?” seryoso niyang tanong. Kagaya ko, nakapatong din ang kaniyang mga kamay sa barandilya.   Sinagot ko naman iyon nang maayos.   “Ako at… ikaw.”   “Ako?” sabay turo niya sa sarili nang `di makapaniwala. “Bakit ako?”   “Kinumusta niya sa’kin kung maayos mo ba akong natuturuan.”   “Anong sabi mo?”   “Sinagot kong okay lang, na magaling ka at marunong… Kaya dapat magpasalamat ka sa’kin dahil kung nilaglag kita, baka wala ka na sa trabaho mo ngayon.”   “Aba.”   “Anong aba?”   “Ginagawa ko ang trabaho ko nang maayos. Ano namang dahilan mo para ilaglag ako?”   Naningkit ang mga mata ko. Sa punto ring ito ay ibinaba ko mula sa pagkakapatong ang mga kamay ko, saka humalukipkip.   “Wow ha? Marami akong dahilan para ilaglag ka sa Kapitang iyon, Pacquito—”   Mas lumapit siya sa akin kaya lalo akong tumingala. Kahit naaamoy ko sa hininga niya iyong sigarilyo niya, `di maipagkakailang nangingibabaw pa rin ang panlalaking bango niya.   Napalunok ako at umiling-iling.   Tumikhim siya. “Gaya nga ng ano? Hmm?”   “G-gaya ng… pagsusungit mo. Masungit ka at nakakatakot kapag magtuturo.”   “Parte iyon ng trabaho ko.”   “Anong parte?” protesta ko. “Walang ibang sinabi ang kapitan sa’kin kanina. Binilin lang niya na huwag daw ako makipag-usap sa kahit na kanino maliban sa’yo at sa kaniya.”   Tumigil siya at tumitig sa akin nang matagal. Hindi ko mabasa ang kaniyang isip. Ang gulo niya kausap.   “Ano pa? Anong pang habilin niya?”   “Sinabi rin niya na dapat lagi akong nasa tabi niya.”   “See? May gusto nga siya sa’yo—”   “At bakit `yan na naman ang konklusyon mo? `Di ba’t assistant nga ako?”   Sumama ang tingin niya. “Hindi ka niya gagawing assistant kung `di ka niya gusto. Alam mo bang may assistant na dati `yan? Pero anong ginawa niya, pinabalik niya rin sa Mexico dahil sinabi niyang `di niya kailangan.”   “Eh anong malay mo, baka kailangan na niya ngayon—”   “Hindi `yon ganoon, Saiah. Ang sabihin mo, may gusto siya sa’yo kaya gusto niyang magkasama kayo lagi.”   Bigla akong ngumisi na agad niya ring ipinagtaka. Kitang kita dahil sa paniningkit din ng kaniyang mga mata. “Bakit yata parang concern ka kung may gusto sa’kin ang kapitan o wala? Hmm….” Kunwari ay nag-isip ako. “Siguro may gusto ka kay Kapitan Rael ano? Siguro nagseselos ka?”   Umawang ang kaniyang labi. Para siyang natatawa na ewan mula sa narinig sa akin.   “Sigurado ka sa sinasabi mo? Babae?”   Itinaas ko ang isa kong kilay. “Bakit naman hindi?”   “Eh kung halikan kaya kita, ano? Sigurado ka pa kaya?”   Namilog ang mga mata ko roon. Siya naman ngayon ang ngumisi kaya nabahala na ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD