Kaagad siyang umatras kaya napahinga ako nang maluwag. Para akong binunutan ng malalim na tinik. I can’t almost believe what he just did!
“Oh. Bakit para ka yatang nakakita ng multo?” natatawa niyang tanong sabay lipat ng tingin sa dagat. Sumimangot ako at taas-noong pinanatili ang direksyon sa kaniya.
“Loko ka. Hindi mo ba natanto ang ginawa mo?”
“Ang bantang halikan ka? Huh? Eh `di mo nga rin natanto na inakusahan mo akong bakla—”
“Anong masama sa pagiging bakla, kung ganoon? Bakit, homophobic ka?”
Umiling siya sabay lingon sa akin. “Kailan pa naging insulto ang identidad ng isang tao? I’m not homophobic as you think. Hindi man ako kabilang sa kanila pero nirerespeto ko sila.”
Umirap ako. “Dami mong sinasabi, puwede mo namang itanggi lang.”
“And how would I do that if you won’t still believe? Sinong straight ang magkakagusto sa dambuhalang kapitan na `yon?”
“Wow ha? Makadambuhala ka e higante ka rin naman.”
Paasik siyang sumagot, “Hindi ako higante, sadyang pandak ka lang.”
“Aba, loko ka ah!”
Ginaya niya kung paano umikot ang mga mata ko saka tumalikod upang maglakad. Hindi naman ako pumayag na basta-basta lang siya mawawala sa paningin ko kaya kahit taliwas man sa akin, sinundan ko siya.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap, Pacquito.”
“Wala rin naman tayong matinong usapan, binibining Cruz.”
“Nilait mo ang height ko kaya dapat humingi ka sa’kin ng tawad.”
“Sinabihan mo akong bakla at ikaw ang nauna kaya ikaw muna ang humingi ng tawad.”
“Hindi kita sinabihan ng ganoon, hoy. Tinanong lang kita kung may gusto ka kay Kapitan pero binantaan mo akong hahalikan mo ako!”
Huminto siya sa bungad ng kaharap niyang lower deck. Sumimangot siya saka humarap sa akin.
“Hinaan mo nga ang boses mong babae ka.”
“Anong sense, ginoong Pacquito? Magmura man ako nang magmura nang Tagalog dito, kayo lang ni Yaelo ang makakaunawa. Unless kung loyal ka ngang talaga sa mga kahanay mong pirata at ita-translate mo ang mga sinasabi ko.”
“So, hindi ka na natatakot? Ganoon ba?”
Lalo kong itinaas ang isa kong kilay. “Bakit ako… matatakot?”
He chuckled. “Dahil pirata ako at binabastos mo ako—”
“Binastos mo rin ako.”
“At sa paanong paraan kita binastos?”
“Muntik mo na akong halikan. Dito sa Pilipinas, s****l harrassment na ang katumbas no’n.”
“Eh `di sorry. Tss.”
Tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad pababa. Hindi naman ako nagpaawat dahil sumunod pa rin ako sa kaniya.
“Saan ka pupunta? Sa kusina?”
“Sa kwarto ko.”
“Pero may inutos sa’kin si Kapitan.”
“Eh `di gawin mo.”
Napasapo ako sa noo ko dahil sa tigas ng ulo niya. Malalaki rin ang kaniyang mga hakbang kaya napilitan akong bilisan pa ang pagsunod sa kaniya.
“Pero—”
Hindi ko na nagawa pang ituloy ang sinasabi ko dahil lumiko siya at binuksan nang walang sabi-sabi ang isang pinto ng cabin. Pumasok siya roon ngunit hindi naman sinarado. At dahil makulit ako at mapilit, huminto ako sa b****a at pinanood siya sa loob. May kung ano siyang pinulot sa higaan na siya niyang sinuot; ang doublet at waistcoat.
“Kahit `di mo sabihin ang inutos niya, alam kong nagpapaluto iyon ng soup.”
Marahan akong tumango. Mukha ngang kabisado na talaga niya ang kapitan sa kahit na anong banda at aspekto. “Mamaya pa naman `yong alas tres. Natutulog lang daw siya ngayon.”
“Alam ko,” aniya.
“Eh `di ikaw na.”
“Anong ako? Ikaw ang magluluto.”
I parted my lips. Nababaliw ba siya?
“I refuse. Prito pa lang ang naituturo mo kaya anong alam ko sa soup ng kapitan niyo?”
Umupo siya sa kama matapos isuot ang kaniyang waistcoat. Seryoso ang mga mata niya sa akin sabay halukipkip ng mapipintog na braso.
God.
“Ano bang problema do’n eh tuturuan din naman kita?”
“Oh?”
“Kaya nga mentor `di ba? Ano bang tingin mo sa’kin?”
I gasped. Goodness, buti naman at hindi lang ako ang mag-isang gagawa no’n. Kahit kasi sabihing maayos at mabait ang approch sa akin ni Kapitan Rael kanina, hindi ko masasabi kung magiging consistent siya roon. Unless kung mabait talaga, sana lang.
Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Sa halip ay inilibot ko lang ang aking tingin dito sa loob ng kaniyang silid. `Di maitatanggi na kagaya lang din ng kwarto ko ang kipot nito. Parehas na parehas ang maliit na size ng higaan, ng kabinet na katapat nito, at ang lamesitang may kaha ng kung ano-ano sa sulok. Kung may pinagkaiba lang, siguro ay sa sukat ng bintana. `Di hamak kasing triple ang lawak ng sa kaniya. Hindi na niya kakailanganin pang magsindi ng gasera para sa liwanag. Sapat na ang sisilay mula sa labas.
I unconsciously stepped inside his room. And I won’t mind even if he’s staring blankly at me. Nang makapasok na ako nang tuluyan dito, I could really commend the manly and musky scent that lingers. Sakto lang iyon sa pang-amoy. Hindi nakahihilo.
“Anong pabango mo? Mexican perfume?” wala sa sarili kong tanong habang humahakbang nang marahan. Inilandas ko ang mga daliri ko sa bawat konkreto na aking dinaraanan, partikular na sa kobre-kama, at kabinet naman para sa kabilang kamay.
He hummed. “Yeah, mabango ba?”
I nodded. “Lalaking lalaki eh.” I stopped then turned to him. Nasa kabilang gilid na ako ng kama niya at nakaliko ang leeg niya sa akin. “Sana man lang sh-ine-share mo rin sa mga piratang dumukot sa’kin. Alam mo bang halos masuka ako sa amoy nila? Ang baho kaya.”
He smirked. “Abutan ko man ng pabango `yong mga `yon, wala ring silbi dahil hindi `yon naliligo. Abala `yon sa mga pinagagawa sa kanila.”
Bigla akong na-intriga roon kaya umupo ako sa dulo nang seryoso na muli ang mga mata.
“Anong mga pinagagawa sa kanila?”
Umayos siya ng tindig upang maituwid din ang pagkatama ng mga mata namin. Hindi naman kalayuan ang pagitan namin sa isa’t isa dahil maliit lang itong kama.
He answered, “Kung anong alam mo, iyon na `yon.”
“Lahat ng masasama?”
“Higit pa.”
Kumunot ang noo ko. “See? Paanong `di magiging malinis ang reputasyon niyo? Lahat ng kademonyohan ginagawa niyo—”
“Huwag mo akong isali. Iba ang trabaho ko sa kanila.”
“Pero pirata ka—”
“Kung sasabihin kong masama ka’t saksakan ng kasalanan dahil tao ka, anong mararamdaman mo?”
Hindi ako sumagot. Pinilit ko pa munang mag-sink-in kung anong saysay nang sinabi niya hanggang sa matanto ko iyon.
He added, “Alam kong mahirap para sa inyong ordinaryo itong ginagawa namin. Pero sana maisip niyo na hindi lahat ng pirata ay ginusto ito. Marami sa amin ang biktima ng kahirapan. Ito lang ang paraan namin para mabuhay.”
“Mali ka,” pagtaliwas ko. “Napakaraming paraan para mabuhay nang disente. Hindi applicable sa lahat ng oras ang mabuhay sa pagiging kriminal—”
“Alipin lang ako rito. Ni minsan, hindi ako nagnakaw, pumatay, o sumapi sa mga bayaran kaya anong masama sa ginagawa ko?”
“Sige nga, isipin mo kung saan nakukuha ng boss mo ang pinapasahod sa’yo? `Di ba sa kademonyohan? Kaya kahit ano pang sabihin mo, walang silbi ang pagmamalinis mo—”
Para akong tuod na natigilan nang bigla siyang tumayo at lapitan ako upang hatakin. Saglit akong napatili nang ipuwesto niya nang may pwersa ang kaniyang palad sa aking leeg, saka isinandal ako sa matigas na dingding.
Galit na galit ang kaniyang mga mata. Kitang kita ang litid ng mga ugat sa kaniyang noo, halatang nagpipigil ng emosyon. Namutla ako at hindi makapagsalita lalo’t napakalapit na niya at nag-aamba sa nakatatakot na karahasan.
“P-pacquito, h-huwag…”
“Hindi por que hinahayaan kitang bastusin ako ay hahayaan na kitang lait-laitin ang pagkatao ko. Tao ka lang din, Saiah. Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko kaya wala ka ring karapatan para husgahan ako!” pabulong niyang asik. Lalong lumalim ang kaniyang titig. Dinig na dinig ang bawat hugot niya sa paghingang may kalakip na poot.
Kasabay ng panggigilid ng luha ko, pumikit ako nang mariin upang pawiin ito. I was then expecting him to choke me, to strangle me unto death, and let him devour my whole system, my life. Ngunit sa halip na mangyari iyon, lumuwag ang mga kamay niyang nakahuli sa aking leeg. The next thing I knew, ako na lang ang mag-isa sa kwarto niya kaharap ang higaan niyang na-disform ang kobre-kama.
Napasinghap ako. Pinagsalikop ko rin ang mga daliri kong nanginginig. Totoo ba ang nasaksihan ko? Binantaan niya ako?
Wala sa sarili akong humarap sa pinto at parang tangang inabangan ang kaniyang pagbalik. Namalayan ko na lang bigla na sunod-sunod na palang tumulo ang luha ko lalo’t `di ko na kayang pigilan pa. Napatakip ako sa bibig ko at humikbi, marahan akong napaupo sa sahig at yumuko. Umiyak ako nang umiyak upang ibsan ang takot ko, ang kaba ko, bigat ng loob ko, at pangamba na baka mamaya gagawin niya ulit sa akin iyon.
**
“Saiah?”
While staring at the window, a familiar voice sounded behind me. Hindi ko man tingnan kung sino `yon, malinaw sa akin na si Yaelo ang pumasok sa aking kwarto.
Hindi ako lumingon. Hinawi ko lang ang buhok ko at mas tumitig sa maliit na bintana.
“Uh… ito na pala ang mga gamit mo. Pasensya na kung ngayon lang.”
Pagsambit niya nito, tumunog ang plastic bag na dala niya. Naisin ko mang humarap sa kaniya upang gawaran siya ng ngiti, I can’t seem to let him see my swollen eyes. Ilang oras din kasi akong umiyak at natigil lang nang wala na akong mailuha. That last encounter with Pacquito was the worst thing I experienced here in this pirate ship. Hindi man ako nasaktan doon, iba pa rin ang trauma.
Now that I cannot face him properly, paano na ang mga susunod na araw? Kung sa kaniya ako ipinaubaya ng kapitan at naroon pa ang takot na makita siya’t makaharap, paano na ako makakakilos nang maayos? Surely, I would rememeber what he did. Tapangan ko man ang loob ko, malinaw sa akin ang muntik niyang pagsakal sa akin.
“Bale sa… sa higaan ko na lang i… ilalapag ang mga ito,” dagdag pa niya sa hirap na Tagalog. Nangangapa pero naintindihan ko pa rin naman.
“Sige lang. Salamat.”
“Uhm… may I talk to you for a minute?”
Napaisip ako roon. Bigla ay `di ko na alam kung ano ang ire-respond ko roon. I am not yet ready to talk to anyone else. Ganitong ganito ang pakiramdam ko noong takot na takot ako sa mga humuli sa akin ngunit ibang kaso `yon dahil pinilit kong labanan.
Sa kabila ng lahat na ito, kailangan ko pa rin isaalang-alang na hindi nila kagaya itong si Yaelo. This man doesn’t deserve to be a pirate. Kung ikukumpara ko siya sa kuya niya, malayong malayo ang bait ng pag-uugali niya.
“S-sige. Pero diyan ka lang. You can say whatever you want,” tugon ko sa nangingnig na boses dahil naluluha. Pinalis ko agad ang mga nag-aamba sa pagtulo upang `di na bumagsak sa waist coat ko.
“Alam ko ang nangyari sa inyo ni Kuya dahil nakuwento niya sa akin ngayon lang. Gusto raw niyang humingi ng tawad kaya pinapatanong ngayon kung pwede raw ba kayong mag-usap…”
I shook my head. “Kung guilty siya sa ginawa niya at sinsero para humingi ng tawad, sana `di ka na niya ginagamit pa para lang ipaalam sa akin ang nais niyang mangyari.”
“Pasensya na… ako na ang humihingi ng tawad para sa kaniya—”
This time, humarap na ako. Kapansin-pansin ang pagpapawis ng kaniyang noo, partikular ng kaniyang leeg. Mahahalatang pagod na siya mula sa gawain niya at kailangan na ng mahabang pahinga.
“Hindi mo kasalanan Yaelo kaya hindi ikaw ang dapat na humingi ng tawad. You’re too good to do this for your brother.”
Sinsero siyang tumango. “Mainitin kasi ang ulo ni Kuya kaya kapag nakarinig nang `di maganda, nilalamon na agad ng emosyon. I know for sure that he’s sincere in his apology. Sana… pagbigyan mo.”
Batid kong makokonsensya ako kung tatanggihan ko pa itong si Yaelo. He’s doing his best for his brother and I can see his sinserity through his eyes. He’s so angelic. Malayong malayo sa tila demonyong tingin ni Pacquito kanina.
But how? How can I face him without this form of fear? Paano ko maiwawaksi ang lahat kung parang sirang plaka ang panunumbalik ng mga nangyari kanina? His deep glares, growling voice, and veins popping out in his neck… I know deep in my mind that Pacquito would definitely be my newest nightmare.