Inayos kong muli ang pagkakatali ng bandana sa buhok ko habang nakatayo ako rito sa harap ng salamin. Yaelo is now sitting on my bed, silently waiting for me.
Namamaga pa rin ang mga mata ko dahil sa kaiiyak. Ilang minuto na ang pinalipas ko mula nang dumating dito si Yaelo pero ganito pa rin ang itsura ko. Para akong binugbog. Hindi naman sana ako sinaktan nang pisikal kanina pero kung makaasta ang mukha ko’y para akong nilamog.
I cannot admit to myself that I’m ready to face Pacquito. Ayaw kong makita niya akong ganito, na hinang hina mula sa nagawa niya sa akin kanina. I was afraid. I was helpless. Ibang iba siya sa nasaksihan ko sa mga nakalipas. It’s as if I unleashed his demon inside. Ibang iba.
“Nasaan ang kuya mo?” malamig kong tanong kay Yaelo. When I turned to him, I saw his worried face. Ganitong ganito pa rin ang ekspresyon niya mula kanina ngunit ayaw kong tanggapin ang patawad na sa kaniya mismo nagmumula. Like I said, wala naman siyang nagawang kasalanan. He doesn’t deserve this.
He stood. Inayos niya ang pagkakayakap sa kaniya ng waistcoat saka sumagot.
“He’s in the kitchen… just waiting for you to eat with him.”
Nangunot ang noo ko roon. “Hindi pa siya nanananghalian?”
He shrugged. “Maybe. Dalawang plato kasi ang nakahain do’n so I think, gusto niyang magsabay kayo.”
“What does he look like? Galit pa rin ba siya sa’kin—”
“Saiah, all he wants is to ask forgiveness. Sising sisi si Kuya and I can see that in his eyes.”
“Paano kung—”
“I know my brother. He’ll never do it again.”
I sighed as my heart beats like a mad horse. Bahala na.
“S-sige. Samahan mo na lang akong pumunta roon.”
Matipid siyang ngumiti. “Aye, thank you…”
Tinalikuran ko na ang salamin saka lumabas na ng cabin. Sumunod siya at siya na rin ang sumara ng pinto. Sumalubong ang may kadilimang deck dahil nakapatay lahat ng lamp. Umaasa na lang sa kakarampot na liwanag mula sa labas dahil sa mga munting siwang.
“Kararating mo lang ba? Kumusta ang lakad… mo?” I asked as we walk towards the kitchen. Paraan ko na rin ito upang kahit paano’y maibsan ang bigat na dinadala ko.
“Yeah. Kararating ko lang. Medyo pagod dahil kung saan-saan pa ako nakarating, mahanap lang `yong mga binilin para sa’yo.”
“Para sa’kin?”
He nodded. “Unang beses ko kasi pumasok sa women’s apparel. Kadalasan kasi, puro mga panlalaki lang mga alam ko’t kabisadong bilhin.”
Natutop ko na lang bigla ang labi ko at inisip kung paano niya binili ang mga gagamitin ko. Imagine a man buying lady’s undergarments at nagkataong unang beses pa. God. Isipin ko pa lang ay natatawa na ako. Paano kaya niya `yon na-overcome?
Kung ako lang ang masusunod, `di ako magdadalawang isip na samahan siya para `di na mahirapan. Besides, wala akong balak na tumakas dahil kung tataliwas ako roon, manganganib lang lalo ako. Hindi sa ina-understimate ko ang kakayahan ng mga pulis o ng awtoridad. But these people are pirates. Sa dami at haba ng kanilang koneksyon, buhay ang magiging kapalit ng pagtakas ko.
“Maliban sa apparel, bumili ka rin ng set para sa personal hygiene?”
“Oo. Lahat ng posibleng ginagamit ng gaya mong babae, naroon na.”
Natuwa naman ako roon kahit paano. Hindi ko kasi matitiis kung puro mga panlalaki ang mga magagamit ko rito. Bukod sa hindi ako sanay, ayaw ko rin namang mag-amoy lalaki sa buong buhay na narito ako sa puder nila.
When we finally reached the closed door of the kitchen, that’s when I began to forget what we have talking all about. Napatulala ako sa loob nang mahabang segundo at nagsimula nang mag-overthink. What if hindi magiging maganda ang kalalabasan? Paano kung pangungunahan lang ako ng emosyon ko? Paano kung lalo lang lalala ang sitwasyon?
Natauhan ako nang maramdaman ko ang pagpatong ng palad ni Yaelo sa aking balikat. He smiled and assured me that everything will be fine. Nais ko sanang hilingin sa kaniya na sumama hanggang sa loob pero huli na dahil tumalikod na siya at naglakad palabas… palayo sa saradong pintuan ng kusinang ito kung saan ako na lang ang mag-isa.
I can hear the sound of the howling wind outside. However, despite all those noises, my heart still managed its rage. I know I have to face this but… what if everything went wrong? Paano ako magsisimula?
Akma na sana akong tatalikod dahil sa pagbago ng isip ko ngunit `di na natuloy nang kusang magbukas ang pinto. Inasahan ko na gawa lang iyon ng hangin o ng kung anong nasa kusina but seeing who’s in front of me now, wearing his serious look yet worried one… he made me tremble in terror.
Shit. Natatakot na naman ako sa’yo, Pacquito.
“Where are you going?” pagpipigil niya sa akmang pag-alis ko. Mabilis akong lumunok at tarantang sumagot.
“A-aalis na a-ako. P-pupunta k-kay Kapitan—”
“Kagagaling ko lang ngayon kay Kapitan at tulog siya. Anong gagawin mo roon?”
Umahon bigla ang inis ko sa kaniya, dahilan kung bakit nasapawan nito ang takot at kaba na kanina ko pa dinadala. Bakit parang wala naman akong naririnig na bakas ng pagsisisi sa tono ng boses niya? Bakit parang wala naman siyang balak na humingi ng tawad?
“Iyon ang utos niya sa’kin. D-dapat lagi ko siyang kasama,” dahilan ko.
“Pero nandito ka sa kusina.”
Umiwas ako ng tingin. “Naligaw lang ako.”
I heard his deep breath. I could feel he’s really trying his best to control his emotion but if his only intention is to ask for forgiveness, why not ask it now? Bakit pinatatagal pa niya?
“Mamaya ka na pumunta ro’n. Kainin mo muna `tong mga inihain ko para sa’yo.”
“Busog ako—”
“Don’t lie to me. Hindi ka pa kumakain ng umagahan.”
“Nagkape ako, Pacquito.”
“Hindi ako naniniwalang nabubusog ka sa kape kaya `wag na mapilit, please.”
This time, nagsalubong na ang kilay ko. Binalik ko ang pagkakatama ng mga mata ko sa kaniya at napansing nakayuko pa rin siya sa’kin ngayon.
“Akala ko ba hihingi ka ng tawad? Bakit ang dami mong pasikot-sikot?”
“Mamaya na natin `yan pag-usapan. Kumain muna tayo.”
“Tayo? No. Ikaw na lang.”
I was about to turn but his hand caught my wrist. Hinila niya ako nang may pag-iingat at ako naman itong si tanga ay nagpatianod. He shut the door and pulled me until we reached the table. Pinaupo niya ako sa tapat ng plato kung saan may laman ng kanin at adobo.
Ang bango ng luto niya, f-uck.
“Ano ba Pacquito? Puwede bang hayaan mo ako sa gusto ko?” angal ko nang sapilitan niya akong paupuin. Pumuwesto siya sa tapat ko at parang walang narinig.
“Kakain ka o kakain ka. `Yan ang pamimilian mo.”
“Pagkatapos ng ginawa mo kanina, sa tingin mo masisikmura kong kainin ang pagkain mo?”
Umangat siya ng tingin sa akin. Lalo akong sumimangot. “Ayaw mo? Sige, susubuan kita.”
“Ayoko!”
Matagal niya akong tinitigan. Nilabanan ko iyon ng sama ng tingin ngunit sa tinagal nito ay wala akong ibang napansin kundi ang unti-unting paghupa ng lamig ng ekspresyon niya. Nang marinig ko ang buntong hininga niya, iyon na rin ang puntong napayuko siya’t nagsimula nang kumain ng nakahain sa harapan niya. Parang sumuko na lang. Parang nanghina.
“I’m sorry,” aniya bago isubo ang pagkain. Hindi siya makatingin sa akin. Nang marinig iyon, parang dagat na kumalma ang loob ko. Mula sa nagwawalang alon, parang ilog na lang ako na naging payapa at hindi na binabagyo.
Hindi ko alam ang gagawin ko, kung ano ang isasagot ko roon. All I know is that I’m too weary to feel this even I already slept. Kung tutuusin, hindi naman ganoon kalala ang nagawa niya kung ikukumpara sa mga piratang nanghuli noon sa akin. But what drives my turmoil is the trauma that he left me because I’ve seen enough from a pirate and I know what they can do beyond it.
I understand why he got mad but I cannot invalidated mine. Wala akong dapat na ikahingi ng tawad dahil in the first place, hindi ko naman ginustong mapunta rito sa puder nila. They all deserve those judgements because of their dirty business. Pirata pa rin sila. At ang krimen ay mananatiling krimen.
“Iyon lang? Sorry? Pagkatapos ng lahat, sorry lang?” anas ko.
Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa kinakain. Dahil dito’y nanggalaiti ako at lalong nainis.
“Masyado kong dinibdib ang ginawa mo kung alam mo lang. Hindi kita sinaktan nang pisikal pero bakit naman ganoon Pacquito?”
Nag-inarte na naman bigla ang mga mata ko dahil nanggilid na naman ang aking mga luha. s**t. Bakit ba hindi `to marunong makisama? Sa tinagal-tagal ng hinintay ko kanina para lang pahupain ang pamamaga ng eye bags ko, sana pala ay `di ko na ginawa kung masisira lang ng dalawang segundong patak nitong luha.
He finally answered when he swallowed his food. Pinalis ko ang mga mata ko at pinakinggan iyon.
“If sorry’s not enough, what do you want me to do then? Ang patalsikin ako sa trabaho ko?” he asked.
He slowly looked at me. Hindi gaya kanina, lungkot na lang ang nababanaag ko sa kaniya.
“Puwede mo akong isumbong kay Kapitan kung iyon ang gusto mo—”
“Hindi gano’n ang gusto kong mangyari,” pagputol ko.
“Eh ano? Ano pa bukod sa sorry? You see, I’m trying my best to ask for your forgiveness pero ikaw na ang nagsasabing hindi iyon magiging sapat.”
“Repent. I just want your repentance and assurance, Pacquito. Mahirap ba `yon?”
“Anong assurance? Na hindi na tayo mag-aaway? J-oder, ya tengo veinticuatro pero contigo me siento tan infantil.” (F-uck, I'm twenty-four already but with you, I feel so childish.)
“Ano?”
Goodness. Sa huling parte ng mga sinabi niya, ni duling na salita ay wala akong naintindihan!
He rolled his eyes. “Come on. Hindi ko maipapangako `yan kung ikaw ang pasimuno ng away. Repentance comes with a dependent agreement. Hindi `yan one-sided.”
Somehow, natanto ko rin iyon. Na walang magaganap na away kung walang magsisimula. Napansin ko rin iyon sa nagdaang araw dahil para kaming tangang ayos pero kalauna’y `di magkakasundo. Ang gulo naman kasi ng ugali niya. Minsan natatantya pero hindi ko alam kung saan patungo.
He continued, “Malaya ka para isumbong ako kay kapitan. Hindi kita pipigilan.”
“Anong mangyayari kung sasabihin ko?”
“The fact na gusto ka niya, kahit sabihing anim na taon na ako rito, hindi iyon magdadalawang isip na patalsikin ako’t pabalikin sa Mexico.”
“Kung… kung mangyayari iyon, paano ang… sinusustentuhan mo?”
He shrugged. “Bahala na.”
He then continued eating while here I am, left gasping and speechless. I do mean my frustratons, trauma, and all those negative feeling he brought after what he did, pero kung magpapaanod ako roon at sabihin ito sa kapitan, paano ang mga umaasa sa kaniya?
Paasik kong pinulot ang kutsara ko at nagsimula na ring sumubo ng tanghalian. All this time, gutom na gutom na pala talaga ako pero sadyang nalipasan. I could not deny that his adobo suddenly lifted my mood. Sakto ang timpla, masarap. Iba sa recipe na kadalasang niluluto ni Nanay. Isa sa pinakamasarap.
“Anong lasa?” kalmado niyang tanong. “I need your opinion. Unang beses ko magluto niyan.”
Halos maibuga ko ang kinakain ko nang marinig `yon. Ininuman ko na lang kaagad ng tubig upang maibsan.
“S-seryoso ka? What the heck?”
“Bakit?” pagtataka niya.
“Tss, hindi halatang unang beses mo magluto ng ganito.”
“Masarap ba?”
Umirap ako na pansin kong lihim niyang ikinangiti. Saglit nga lang dahil mabilis din niyang naitago.
“Eh ano pa nga ba?” tugon ko.
“Don’t worry, sa susunod tuturuan kita kung paano ito iluto. Iyon ay kung `di mo ako ipatatalsik sa kapitan.”
“Bakit, sinabi ko bang isusumbong kita? Alam mo, pasalamat ka dahil naisip ko ang mga umaasa sa’yo dahil kung hindi, ewan ko na lang.”
“So, pinapatawad mo na ako?”
Umiling ako. “Hindi ka pa nga nangangako.”
“Na hindi ko na uulitin? Mangangako lang ako kung mangangako ka.”
“Fine,” I declared. “Nangangako ako na hindi na kita aawayin pa. Maliban na lang kung valid ang rason ko.”
Sakto dahil naubos na niya ang kinakain niya. Itinabi niya ang plato saka pinunsan ng panyo ang bibig bago magsalita. “Nangangako rin ako. Maliban din kung nasa tuwid ang dahilan ko, Saiah.”
I nodded and braced myself. Sana, huli na ang nangyari kanina.
“Forgiven,” I replied.