Chapter 17

2213 Words
Natural na ang pagiging tahimik namin habang kumakain kaya `di na ako nagulat sa mga sumunod pang minuto. We just ate our lunch and finished as if nothing happened. Minsan, kapag nagtatama ang aming mga mata, literal na siya ang nagtatagal at ako ang kusang umiiwas. He still has the gut to stare at me longer after what happened.   “Ipapaalala ko lang pala ang bilin kanina ni Kapitan tungkol sa—” Mabilis niyang pinutol ang litanya ko habang naghuhugas siya ng plato at ako naman ay nakaupo pa rin dito sa harap ng lamesa. He didn’t let me do the chores. Pinipigilan niya akong kumilos na para bang pagkakamali pa niya kung `di ko siya susundin.   “Sa soup niya. I know,” pagtuloy niya. Nakatalikod siya sa akin kaya wala akong nakikita sa ekspresyon ng kaniyang mukha. I know we’re now okay as everything has been settled; pero gaano nga ba kami ka-okay?   Yumuko ako upang pakatitigan ang nag-iisang baso na naiwan dito sa mesa. Kalahati lang ang laman nitong tubig, sinadya para sa akin. Ngunit `di ko iyon ginalaw. Wala akong balak dahil `di naman ako uhaw.   “So ano nang gagawin ko? Paano ako makakatulong?” I asked. Ilang segundo muna ang pinalipas niya para isa-isang ilagay sa paminggalan ang mga nahugasang kubyertos, saka sumagot.   “Just watch me. Nasa option mo naman kung magpapaturo ka o hindi.”   “Of course! Magpapaturo ako!” sambit ko.   “Sure ka?”   “Bakit naninigurado ka?”   He sighed. “Kagagaling lang natin sa away. I thought you would find it awkward if you let me teach you how to cook.”   I answered, “Given na iyon. Hahayaan mo na lang ba akong magsayang ng oras dito nang walang ginagawa? Para saan pa ang pagiging mentor mo?”   “Tss…”   I rolled my eyes. Suplado talaga. Hindi ko tuloy mapigilang kwestyunin ang sarili ko kung kapatid ba niya talaga si Yaelo. Ang laki ng pinagkaiba nila. Kung gaano katayog ang kabaitan ng isa, ganoon naman ang ikinalalim ng kasupladuhan nitong Kuya. Sana lang maging dominant trait din niya iyon. Kung `di ngayon, sana sa mga susunod.   Nang ma-polish na niya ang lababo, sinundan ko naman ng tingin kung saan ang susunod niyang punta. Huminto siya sa naka-store na barrel at binuksan iyon. May inilabas siyang transparent tupperware at supot na may lamang karne, pati na rin ng iba pang mga ingredients na inilapag niya sa lamesa. Inisa-isa kong tingnan iyon para mausisa. Mayroong beans, kernel corn, at chicken broth. Isa-isa niya ring inihanda ang mga condiments, bell pepper, at sibuyas na mukhang ako pa yata ang maghihiwa.   When everything is prepared on the table, kinuha niya ang isang kutsilyo na nakasabit. Humarap siya sa akin hanggang sa nagtagal, kaya muli na naman kaming nagtitigan.   “Tumayo ka na’t ikaw ang maghiwa ng mga `to. Gawin mo na lang ulit kung ano ang itinuro ko.”   Sinunod ko ang sinabi niya. Tumayo ako pero `di ko napigilan ang pangangasim ng aking mukha. Hindi ko maalala kung alin sa mga tinuro niya ang gagawin ko. Hindi ko gets.   “Paano?” tanong ko. Lumapit siya upang i-abot sa akin ang kutsilyo.   “Ang tamang paghihiwa ng sibuyas,” sagot niya.   “Ha? Wala kang ganyang itinuro sa’kin. Inabutan mo lang ako dati ng red onions at tinanggap mo naman.”   “Nakalimutan mo.”   “Anong nakalimutan? Wala kaya.” I pouted. Iritado naman siya pero walang nagawa kundi ang imuwestra kung paano ba dapat maghiwa ng sibuyas. Mabagal iyon para makita ko ang pinagkaiba ng ginagawa ko sa ginagawa niya.   “Uneven ang paghiwa mo kaya mali. Pati sa pagbalat, sumasablay ka,” aniya.   “Ganoon din naman ang lasa kapag sinahog na sa niluluto.”   “Kahit na, Saiah. Si Kapitan lang ang kakain nito. Paano kung malalaking hiwa ng sibuyas ang makakain niya? Pagagalitan ka lang no’n.”   Umiling ako. “Hindi naman masungit ang kapitan niyo. Mukha siyang considerate.”   “Hah!” singhal niya habang binabalatan ang iba pang sibuyas para sa akin. Isa na ang nahiwa niya at sapat na iyon para malaman ko kung saan ako mag-a-adjust. “Akala mo lang `yon.”   “Ang alin? Ang pagiging considerate niya?”   Tinatamad niyang itinapat ang paningin sa akin. “`Di ba’t gusto ka niya? Sa tingin mo ipapakita niya sa’yo ang sama ng ugali niya?”   I gasped. “Sinabi ngang wala kang pruweba na may gusto siya sa akin, `di ba? Bakit mo ipinipilit?”   “Fine!” tugon niya sabay lapag ng kutsilyo. Humarap siya sa direksyon ng barrel kung saan niya iniwan ang karne ng manok. “Hindi ko na ipipilit. Pero `pag nakahanap ako ng pruweba, ikaw ang talo sa deal natin.”   “Deal? Buti naaalala mo pang may deal pala tayo.” Pinulot ko ang kutsilyo at nagsimulang maghiwa ng sibuyas.   “Sa bagay, paano mo malilimot kung `yon na lang ang alas mo para makawala sa barkong `to...” he responded. “Take it or not, confident ako sa stand ko.”   “Confident ka man o hindi, wala ka pa ring pruweba.”   Hindi na siya sumagot. Kagaya ko ay naging abala na siya sa lababo para sa pag-prepare ng manok. Kamalas-malasan pa dahil ako rin ang inatasan niyang mag-slice ng bell paper, parehas red at green.   “Tortilla chips na naman?” gulantang ko nang makitang naglabas na naman siya nito. Pinatong niya iyon sa mismong harap ko.   “Baka nakakalimutan mong mexicano kami?”   “Ganoon ba `yon? `Pag mexicano mahilig agad sa tortilla?”   “Tortilla chips are significant in Mexico, in case you don’t know,” he said. Isa-isa niyang kinuha ang mga ingredients na inihanda ko saka isahang inihulog sa kaldero para i-simmer nang forty five minutes. Kasama na roon ang karne. Iilan lang ang naiwan na ibubudbod lang mamaya kapag nailipat na sa serving plate.   “Iyon lang? Ang dali naman pala,” puna ko nang umupo siya sa kabisera at iwan sa medium heat ang niluluto. Tiningnan niya ako na para bang may mali sa sinabi ko, kahit na wala naman. “Oh, bakit?”   “Wala.”   “Kung makatingin ka kasi…”   “Ano?”   Umirap ako at naglakad patungong bintana. I rested my arms on the railing as I look upon the vast and endless horizon of the sea.   Isa lang ang nasisiguro ko. Nagmumukha kaming mga batang nag-aaway. Tipong ang simple lang naman ng ginagawa namin pero pinagmumulan pa ng pagtatalo. May pagkamataas pa naman ang pride niya. Sa tipo niyang iyan, sure akong hirap na hirap talaga siya kanina para lang humingi ng tawad.   Oo, pinatawad ko rin kanina kahit na medyo mahirap sa parte ko. But then I realized that this is way better than those I’ve encountered days ago. Still, I don’t have the gut to invalidate what I feel. I believe its normal and it’s all okay. Sa dami ba naman ng hirap na nasaksihan ko. It was hard but I have to move on.   Na-inspire din naman ako kahit paano dahil kay Yaelo. He really went to my cabin just to convince me— isang bagay na gagawin at gagawin talaga ng kapatid. Who knows? Baka wala naman talagang balak na humingi ng tawad si Pacquito. Baka pinilit lang talaga siya ng kapatid niya nang magkwento siya rito. Sa taas ng pride niya, hindi iyon basta-basta para sa kaniya.   “Kung nandito sa lower deck ang cabin mo, nasaan ang kay Yaelo?” I ask as I stare at this window. Sumisipol ang hangin sa labas habang ang araw ay hindi pa rin nagpapakita.   Mula sa likod ko, partikular na sa kabisera kung saan siya nakaupo, sumagot siya. “Pupuntahan mo?”   “Hindi. Tinatanong ko lang,” wika ko.   “Kung sasabihin ko, anong gagawin mo?”   Mula sa bintana, iritado akong humarap sa kaniya. “Puwede ba, Pacquito? Sabihin mo na lang kung sasagutin mo o hindi.”   Wala siyang kaemo-emosyon nang tingnan ko. Diretso lang ang tingin sa akin kaya wala akong mabasa ni kahit na ano.   “Katabi lang niya ang akin. Kanan.”   “Okay.”   “But please. Kung susubukan mong makipag-usap sa kaniya, ako muna ang lapitan mo.”   Hindi ko siya pinansin. Ibinalik ko lang muli ang tuon ko sa bintana, partikular na sa view ng mga maliliit na alon sa `di kalayuan. As much as I could, kailangan kong pahupain ang namumuong inis na `to. Wala itong puwang sa mga gagawin ko mayamaya lang. I have to serve the captain kahit na napipilitan ako.   “Please—”   “Oo Pacquito. Ikaw muna.”   I heard his deep breath. Animo’y nabunutan ng malalim na tinik. Nanahimik muli kami sa mga sumunod na minuto dahil `di na ako nag-insist na magtanong o magsalita ng kung ano-ano. Nagmuni-muni lang ako at nakinig sa bahagyang ingay ng dagat.   Now, I can’t help but wonder. Ilang taon nang nagsisilbi si Pacquito rito kaya tama siya sa mga sinasabi sa akin tungkol sa kapitan. Katunayan, dalawa ang umiintriga sa isipan ko; una ay `yong may gusto raw sa’kin ang kapitan. Pangalawa, masama raw ang ugali nito. But how true? Given na ang kasamaan ng ugali nito dahil isa naman itong pirata. Pero kung masama talaga ang ugali nito, bakit `di man lang ako minamaltrato?   Not that I’m wishing him to beat me, nor I want him to like me. Wala sa prinsipyo ko ang makiisa sa kanila. This is just for survival. Kaya nga nag-take advantage na ako sa deal namin ni Pacquito. Dahil sa ayaw man niya o sa gusto, isa pa rin akong bihag na malabong titipuhan ng isang high-decorated captain. Wala pa akong pinagtapusan. Wala ring angkan na may napatunayan sa lipunan. Kaya ano? Ano ang kongkretong dahilan?   Naalala ko pa noong sinabi sa akin ni Lola ang tungkol sa mga motibo nila. Kahit ano pang mga agenda ang mayroon sila, iisa pa rin ang hangarin nila. Kung `di uhaw sa kayamanan, gutom naman sa pera. They get everything they want at kung hindi ibinebenta, tini-trade nila para sa mga bagay na gusto nilang mapasakamay.   If piracy is a sort of legacy, then it should be stopped. If Captain Rael Viendijo is the heir, then he should end, surrender, and be a lawful citizen. Ito lang ang nakikita kong paraan ngayon kung paano ito matatapos dahil kahit sabihin pang nakalaya na ako, paano ang mga susunod na biktima sa hinaharap? Swerte lang ako dahil naipasa ako sa mabait, paano naman ang ibang pinagkaitan ng buhay?   As the wind flipped my hair, I stepped back and faced Pacquito. This time, nakayuko lang siya at tumititig sa lamesa; mukhang malalim ang iniisip at maraming pinoproblema.   But then, he noticed me staring at him when he looked up. Mabilis pa sa kidlat akong naglakad patungo sa pantry saka pumulot ng basong pang-inom.   “May sasabihin ka?” usisa niya. Naka-side view ako ngayon sa kaniya dahil nasa gilid lang naman ng kabisera ang pantry.   Umiling ako. “Wala.”   “Anong iniisip mo?”   Isinahod ko ang nakuha kong baso sa inuminan. Nang mapunan ng tubig, marahan ko itong ininom para mas humaba ang mga segundo na gugugulin ko sa pag-iisip.   And why he’s asking me that? Ano naman sa kaniya kung mayroon akong iniisip?   Pagkabalik ko ng baso sa tabi ng paminggalan, hinarap ko siya nang may tapang. Wala akong ideya sa intensyon niya kung ba’t nais niyang malaman. Baka pampatay-oras lang dahil kalahating oras pa ang hihintayin namin bago maluto ang soup.   “Wala akong iniisip,” sagot ko.   He hissed. “Puwede ba `yon?”   “Blangko ang isip ko kaya anong sinasabi mo?”   “Nagbaka-sakali lang naman ako, nagagalit ka agad e.”   “Ewan ko sa’yo Pacquito.”   “Pero baka makatulong sa’yo ang sasabihin ko tungkol sa kapitan. Iyon ay kung interesado kang malaman.” He then placed his hands together on the table. Kumunot ang noo ko at napa-cross arms.   “Anong tungkol sa kaniya? Anong meron?”   He stared a bit longer. Napalunok ako dahil sa pananabik na marinig ang susunod na sasabihin niya.   He whispered, “But before that, promise me not to tell this to anyone. Kahit kay Yaelo.”   I nodded. “Okay.”   “Promise me.”   “I promise.”   Inilibot niya muna ang tingin niya upang siguraduhing walang ibang taong makakarinig. Sinenyasan niya ako upang lumapit sa kaniya. Humakbang ako nang dalawang beses saka yumuko nang bahagya para marinig siya. But just as I bent down, the moment I heard what he said, my heart suddenly raced.   “He’s a former prisoner,” he muttered. “He was once sentenced to death. Ginamitan lang ng impluwensiya kaya nakaligtas.”   “B-bakit mo sinasabi `t-to?” kinakabahan kong tanong. “If he’s a former p-prisoner, anong nais mong iparating?”   “He murdered in Mexico, hindi pa ba sapat na dahilan iyon para makulong siya? Then you told me he demanded you to be with him, always. Now, I demand you to humble yourself whenever you face him.”   Hinigit niya ang kanan kong braso, dahilan kung bakit mas lalo akong napalapit sa kaniya.   “Mag-ingat ka,” paalala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD