Kilabot ang namutawi sa akin at halos `di pa iyon mag-sink-in. Then I realized, iyon naman ang nature ng mga pirata kaya hindi na ako dapat magulat pa. But for Pete’s sake, kung pagbabasehan ko ang naging turing niya ay malabong isipin na ganoon pala ang nakaraan niya. Should I trust Pacquito on that matter?
Bago sumapit ang alas tres, tapos na ang soup para kay Kapitan. Pacquito has finished cleaning the sink, pati na rin lahat ng mga utensils na ginamit niya. He really got this vibes na sanay na sanay na at `di na nahihirapan. If he’s servant here for almost six years, paano niya nagawa iyon? Paano niya natiis gayong malala ang nagaganap sa buhay-pirata?
He’s too quiet. We were silent after what he told me. Aminado naman akong kinabahan ako dahil doon but I have to keep on moving kahit demonyo na ang kaharap ko. Umaasa na lang ako na sana hindi iyon maipakita sa akin ni Kapitan. I saw his respect to me at sana, hindi iyon mawala.
“Pacquito,” lakas-loob kong tawag sa kaniya ngayong naka-cross arms ako at prenteng nakayuko sa tray kung saan nakalagay ang soup. Kasama nito ang isang baso ng tubig at isang kopita kung saan nakalagay ang tsa-a.
Mula sa lababo na kaharap niya, humarap siya sa akin. Kapwa niya pinatuyo sa basahan ang kaniyang mga kamay at kalmadong itinuon sa akin ang malalamig niyang mga mata.
“What?”
“May tanong ako,” saad ko.
“Ano?”
“M-may… asawa na ba ang kapitan?”
He shook his head. Humakbang siya at sabay na ipinatong ang mga kamay sa sandalan ng upuan.
“Wala.”
“How about… girlfriend?”
“Wala rin,” aniya. “Bakit mo tinatanong?”
Umiling ako. “Nagbaka-sakali lang. Baka kasi may asawa na siya at hiwalay lang.”
“Hindi ko pa nakikitang nagkakagusto `yon. Karamihan ng mga bihag na babaeng napapasakamay niya, pinapatapon niya lang,” malamig niyang sabi. “Pero nang dumating ka, nag-iba ang ihip ng hangin. Umasa pa nga kami ng kapatid ko na baka `di ka magtatagal nang isang araw dito. But look. Ginawa ka pang assistant niya. Kung tutuusin, mas mataas pa `yon sa ranggo namin ni Yaelo. He can give his command to you and you can say his command to us.”
Pinroseso ko muna ang sinabi niya bago sumagot. Isipin ko pa lang kung gaano kaganda ang privilege na mayroon ako, pakiramdam ko ay may pag-asa talaga akong makaalis sa barkong ito. Ngunit hindi iyon basta-basta. I have to gain his trust more before I go with my future plans.
“So sinasabi mo na may espesyal siyang natagpuan sa akin kaya ginawa niya akong assistant?” tanong ko. Isang tango ang ginawad niya bago magsalita.
“Kaya `di na ako magugulat kung sa mga susunod na araw o buwan, tatawagin ka na naming Dieu-le-Veut.”
“Dieu-le-Veut?” bigkas ko nang naguguluhan.
Hinawi niya ang buhok niya bago tumugon. “It’s a french term and it means God Wills It.”
“Huh?” Inalis ko sa pagkakahalukipkip ang mga braso ko. Naningkit ang mga mata ko at mas itinuon pa sa kaniya ang tingin. “Anong ibig sabihin no’n?”
“Iyon ang katawagan ng mga pirata sa asawa ng kapitan. God Wills It dahil natutupad lahat ng kung anong nanaisin niya.”
Sumimangot ako. “At sa tingin mo mangyayari sa akin iyon? Na gagawin niya akong Dieu-le-Veut kahit na isa lang akong hamak na bihag? No way…”
“What he wants, he gets. Walang imposible sa isang kapitan kaya wala ring imposible kung ikaw na ang asawa niya—”
“What the f**k,” mura ko. “Eighteen pa lang ako!”
“And eighteen’s a legal age. Pero kung ayaw mong makasal sa kaniya, tell him you’re still a minor.”
“Loko ka ba?”
“Sinasabi ko na sa’yo kung ano ang posibleng mangyari, Saiah. Just admit it, ramdam mo ring gusto ka niya.”
Suminghap ako at umiwas ng tingin sa kaniya. I can’t believe this. Parang kailan lang noong inilipat ako rito pero nawawalan na ako ng kumpyansa sa pinanghahawakan ko. If Captain Rael really likes me and he’ll pursue for our marriage, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hahayaan kong mangyari iyon. Marriage is a special thing— a sacred ceremony that only happens once in a lifetime. Sa halip na magiging paraiso iyon sa akin, magiging bangungot lang iyon kahit sabihin pang decorated surname ang Viendijo.
Tang ina.
“Wala ka ng oras para magdrama. Ilang minuto na lang ay alas tres na,” anas ni Pacquito. Huminga ako nang pagkalalim-lalim bago ibalik muli ang tingin sa kaniya.
“Hindi totoong may gusto siya sa akin. Mark my word.”
Wala siyang tugon. Itinulak lang niya ang tray patungo sa akin hanggang sa marating na nito ang dulo ng lamesa. I hate this feeling. Paano kung lamunin ako nito `pag naroon na ako sa harap ng kapitan? I should brace myself with caution, class, and calmness. I’ll be his assistant and I’m doing this because it’s for my survival.
“Sige. Balitaan mo na lang ako mamaya,” maikli niyang sabi sabay harap sa gilid. Dahan-dahan siyang naglakad palabas, patungo sa kaniyang cabin.
Now, I am left with no choice. Walang naiwan kundi itong tray na ihahatid ko sa kapitan. Hanggang saan kaya aabot ang pagiging kalmado ko? Mapipilit ko kaya?
**
NAPALUNOK ako nang huminto na ako sa harap ng pintuan nitong captain’s cabin. Dala ang namamayaning kaba, para akong sinisilaban. Wala pa mang nangyayari ay abot-abot na ang kabog sa aking dibdib.
Marahan kong itinulak ang pinto dala ang pag-asa na magiging maayos din ang lahat. Hindi ko na pipilitin pang ngumiti dahil batid kong lalo lang magiging awkward.
Nang mabuksan na ang pinto, sumilip ako sa loob. Ganoon pa rin naman ang kwarto, walang nagbago. Makikita pa rin kung gaano kalaki ang closet niya at ilang mga kagamitan dito. Ang bago lang sa paningin ko ay `yong mga naka-display na treasures. May skulls doon at shells, may treasure chest at mermaid pearls. Iilan lang siguro iyon sa mga napulot nila. Gaano kaya iyan kahalaga sa kaniya bilang kapitan?
But what almost stumbled me is his mere image. Hindi ko napigilan ang pamimilog ng mga mata habang hawak ang tray dahil nakaupo na siya ngayon sa kama niya at naghihintay sa akin. Wala ring kalaman-laman ang bedside table niya. Bukas na bukas ang malalaking bintana kaya para ring nilalamon ng liwanag ang silid niya.
“G-good afternoon, Captain. Here’s your soup,” bati ko sabay hakbang nang marahan patungo sa kaniya. I can’t help but stare at his white sleeves and see how his hair dishevelled. Walang bandana sa ulo niya. Simpleng simple lang ang pananamit niya at mahahalatang bagong gising.
Ngumiti siya, dahilan kung bakit mas na-emphasize ang kaguwapuhan niya. He got this breathtaking and jaw-dropping charisma possessing an olive skin tone, mesmerizing almond eyes, high-arched brows, and full lips. Imagine, kung hindi lang baliko ang buhay niya bilang isang pirata, baka nagkagusto na ako sa kaniya. Pero hindi eh. Ungusan man niya ng kagwapuhan ang mga hollywood actors na kinahuhumalingan ko, hinding hindi ako magmamahal ng isang pirata.
“Buenas tardes, senyorita,” aniya sa malalim na boses. He managed to let his smile display, as if he was pleased to see me.
God. Naging murderer ba talaga ito? Siya ang perfect definition ng tinutukoy sa kasabihang ‘Looks are deceiving’!
Tuloy-tuloy akong naglakad patungo sa bedside table. Nang marating ko iyon, ipinatong ko roon ang tray at siniguradong `di ako makalilikha ng tunog. Sa sobrang tahimik nga ay parang maririnig na niya ang dagundong ng kaba ko. Is it really happening? Bakit ba ang bait-bait niya sa akin?
“Can you hand my soup already? I’m hungry,” he said. Tumango naman ako saka mabilis na sinunod ang utos niya. Kinuha ko ang bowl at maingat na inabot sa kaniya. “Just sit there.” He patted the side of his bed. “Let’s talk as I eat.”
The way he uttered those words, I felt his authority. Though hindi iyon malala gaya ng ginagamit niya sa tuwing kaharap niya ang ibang pirata sa barkong ito, ramdam ko ang kaniyang pag-iingat para `di ako mabigla o magulat… o matakot.
Tungkol saan kaya ang pag-uusapan namin?
Nang maabot na sa kaniya ang bowl ng soup, marahan akong umupo sa gilid ng kama. Hindi ito kalayuan sa kaniya dahil mas malapit siya sa side na ito kumpara sa kabila. Gustuhin ko mang umiwas sa kaniya ng tingin, batid kong `di ko iyon kailangang gawin dahil baka ma-offend siya. Pinanghahawakan ko na rin kasi ang bilin sa akin ni Pacquito na mag-ingat daw ako.
He sipped his soup. Maririnig dahil wala ng ibang tunog maliban sa sipol ng hangin at sa hampas ng mahihinang alon sa `di kalayuan. Hinintay kong huminto siya at lumingon sa akin hanggang sa mangyari na nga. He faced me with a normal look, tamang ekspresyon lang sa gaya niyang komportable sa kinalulugaran.
“Did Yaelo gave you your possessions?”
I replied, “Yes, captain.”
“How was it? Are you satisfied?”
I nodded.
“Well, I told him to buy the best quality. I hope you liked it.”
Sa totoo lang, hindi ko pa nabubuksan lahat ng pinamili ni Yaelo para sa akin. Pero base sa mga brands na nakita ko kanina, malaki ang posibilidad na mamahalin `yong mga na-purchase niya. Hindi lang ako sigurado kung may kasama ba roong casual dress na hindi pangpirata pero sana ay mayroon nga. Ayaw ko kasing mag-settle sa doublet at sleeve. Bukod sa hindi pa ako nasasanay, `di rin ako komportable.
“I like everything you bought for me so… I owe you for it, captain.”
Namayani ang katahimikan sa mga sumunod na minuto. This time, nagawa kong umiwas ng tingin sa kaniya at inilibot ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Kumikinang sa ginto ang ilan sa mg naka-display sa shelf at `di ko mabanaag dahil may kalayuan. Sa ibang shelves ay may mga treasure chest na nakasara, baka doon niya nilalagay lahat ng mga yamang nakakamkam niya.
I looked at him. Nahuli kong nakatitig siya sa akin kaya medyo nagulat pa ako.
Ano ba talaga ang sadya niya sa akin?
“Can you get me one shirt sleeves to wear? I’ll just change.”
Tumayo ako bilang pagsunod. Hindi na ako nagtanong kung saan iyon makikita dahil nakita ko na noon kung saan naka-hanger ang kaniyang kasuotan.
Tahimik akong naglakad hanggang sa marating ko na ang saradong closet. Binuksan ko ito at muling bumungad ang sandamakmak na kasuotang `di ko alam kung kaya ba niyang subukan lahat sa isang buwan. One word that could desribe his things is elegance. Dito pa lang, sigurado ako na higit pa sa iniisip ko ang yaman na mayroon siya.
“s**t, ang dami, alin kaya dito ang kukunin ko para sa kaniya?” mahina kong bulong sa sarili habang namimili ng shirt sleeve. Puro puti lang naman iyon pero bakit natataranta ako?
Kumuha ako ng isa sabay sara ng closet. Pagkatapos ay tumalikod ako upang humarap sa direksyon na kinaroroonan ng kapitan. Just as I faced his king-sized bed, my eyes widened and my mouth opened for a silent gasp. Saglit lang akong tumalikod pero naka-topless na siya!
Natigalgal ako nang literal. Nanginig na ang mga daliri ko, pati na rin ang labi ko. I have to bite it to hide but if he sees me with this kind of reaction, damn, baka kung ano ang isipin niya. Sino ba naman kasing matino ang maghuhubad nang basta-basta nang `di man lang nagbibigay ng cue? Lalamunin ako sa kahihiyan sakali mang `di ko makontrol ang sarili ko!
“Here, captain,” abot ko sa kaniya ng sleeve shirt. Naibalik na niya sa tray ang bowl ng soup na hindi naman niya naubos.
Umiling siya na ikinagulat ko.
“Can you button this for me? I can’t move my arms yet. I feel so weary—”
“Ano?” pagputol ko sa sinasabi niya dahil nawindang talaga ako. Ngunit nang matanto ko `yon, kaagad din akong humingi ng tawad. “I’m sorry c-captain. I was just… upset.”
Nawala ang sigla sa mukha niya, dahilan kung bakit mas nataranta ako.
“You don’t want to button these sleeves for me?”
“No captain. I’ll do it for you. Don’t worry,” mabilis kong sabi sabay hubad nang walang kahirap-hirap sa aking boots. Wala sa sarili akong umakyat ng kaniyang kama saka pumuwesto kaharap ang muscular niyang dibdib.
Hindi ako makapaniwala. Kung panaginip lang ito, p’wes ayaw ko nang maulit pa!
He both stretched his hands the moment I sat in front of him. Hindi na ako nagsalita pa at wala ng reklamdo dahil naisin ko man o hindi, ang choice ko lang ay isuot itong pang-itaas sa kaniya.