Chapter 45

2398 Words

Napatakip ako sa aking mukha at nagsimulang lumuha nang lumuha. Hindi ko natiis mahawa sa kaniya dahil damang dama ko kung gaano ito kahirap sa kaniya. Mahal na mahal niya si Felia ngunit nagparaya kay Pacquito para lang maitakas ako nito. Gaano kahirap iyon sa parte niya gayong hahayaan niya lang iyon makulong para lang sa aking kapakanan? Tinulungan ko siyang tumayo pero hinawi niya ako. Sa lakas nito ay napalayo ako nang kaunti at muntik pang mabuwal. “Ang hirap lang tanggapin, Saiah…” pighati niya. “Alam mo `yong pursigido na akong ibalik ka kay Kapitan para lang pakawalan na niya si Felia? Gustong gusto na kitang kunin pero mahal ka ni Kuya.” “S-sorry… h-hindi ko alam na napag-usapan niyo na pala ito.” “Kahit na hindi mo alam, sana nanatili ka na lang kung saan man kayo nagtatago.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD