Chapter 44

2408 Words

Nang imulat ko ang aking mga mata, abala siya sa pagbubukas ng kung anong plastic sa paanan ko. Humihikab akong bumangon saka inagaw ang seasoning ng cup noodles na halatang hirap siyang buksan. “Ito oh, ganito lang,” wika ko sabay muwestra kung paano ito punitin nang maayos. Umawang naman ang bibig niya at napatango sa nasaksihan. Pagkapunit ay saka ko na ito inabot sa kaniya upang ibudbod sa cup na nakalapag sa lamesitang inilapit niya sa kama. Saka ko napansin na may mga grocery items sa tukador, senyales na umalis siya kanina habang tulog ako upang bilhin ang mga ito. Kinusot ko muna ang aking mga mata bago magtanong. “Bakit hindi mo ako hinintay magising bago ka bumili niyan?” Sumagot siya nang hinahalo ang seasonings sa umuusok na cup noodles. “Masarap ang tulog mo, iistorbohin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD