“Tara dito,” wika ng bigotilyo sabay lahad sa akin ng daan. Pagkatayo ko ay nagsimula na siyang maglakad patungong main deck upang ihatid daw ako sa magiging silid ko.
Hindi maipagkakaila na malaki ang pirate ship na ito. Kung hindi ako magkakamali, base sa mga naging previous class ko about history, matatawag na Galleon ang barkong ito. Mataas ang mga mast na siyang kumukontrol sa ihip ng hangin. May kataasan ang quarterdeck kung saan ko nakitang lumabas ang kapitan kanina. I wonder kung silang tatlo lang ba ang narito. Parang malabo kung kayang manduhin ng tatlong tao ang malaking barkong ito.
The shrouds are swinging. Medyo komplikado ang sistema ng tali at mga kadena. Nakakatakot lang talaga sa unang tingin pero mas maganda na ito kaysa sa pinaglumaang barko na pinagmulan ko kanina.
Prominente ang dilim ng paligid nang bumaba na ako sa lower deck. Hagdan na pala kaagad ang bubungad patungo sa compartment kung saan ako daldalhin. Hindi naman namutawi nang matagal ang dilim dahil sinindihan din ng bigotilyong ito ang gasera. Sunod-sunod ito hanggang sa makita ko nang tuluyan ang buong paligid.
Para akong nasa hotel. Maraming cabin subalit kita na kaagad ang hangganan. Kung hindi ako nagkakamali, iyon ay kusina dahil nababanaag ko na agad ang lababo. Bukas na bukas ang pinto nito at tila ba nakalimutang isarado.
“Walang kuryente?” tanong ko nang muli kaming magpatuloy sa paglalakad. Umiling ang bigotilyo nang nakatuon sa daanan ang pansin.
“Wala pa sa sistema namin ang paggamit ng kuryente.”
“Paano kayo nagluluto? Anong ginagamit niyo?”
“Ano pa ba, eh `di gasul.”
Gusto ko sanang ibigay ang puna sa kaniya tungkol sa barkong ito na pagkalaki-laki pero wala namang kuryente. Wala naman sana kami sa nakaraan. Asensado na ang sibilisasyon ng panahon ngayon pero bakit silang pirata ay tila pinag-iiwanan?
Sa takot na baka mainis siya sa akin ay pinili ko na lang manahimik. Sumunod na lang ako hanggang sa huminto kami sa isang cabin at siya na mismo ang nagbukas nito.
Bumungad ang liwanag na nagmumula sa labas dahil sa maliit na siwang ng maliit na bintana. Pero madilim pa rin kaya sinindihan niya ang gasera na matatagpuan sa gilid ng maliit na kama. Maliit ang buong silid. Parang bed spacer lang na pang-isahang tao. Matatagalan ko kaya ito?
Iminuwestra niya ang mga damit na nakapatong sa mismong kama. Pinakatitigan ko iyon at pinakinggan ang mga sinasabi niya.
“Itong mga isusuot mo. Pitong pares iyan para sa isang linggong palitan. Iisa lang ang istura niyan kaya huwag kang mapili. Paalala lang na huwag na huwag mong kakalimutang isuot ang bandana.”
Inisa-isa niya ang mga damit upang ipakita sa akin, hanggang sa mag-sink nang tuluyan na para bang kagaya lang din ito ng mga damit nila. I was expecting na simpleng t-shirt o bestida na pangkatulong ang isusuot ko pero bakit parang magmumukha rin akong pirata sa outfit na iyan?
May coat na kung tawagin daw ay doublet na siyang papatungan ng waistcoat. Pero bago ko raw iyon suotin, unahin ko raw muna ang sleeved shirt na puti ang kulay. Ipinakita niya rin kung paano ko susuotin ang bandana na hindi naman mahirap dahil nagawa ko na iyon sa dati kong mga panyo. May mga knee-length trousers din, silk stockings, at leather boots na araw-araw ko raw gagamitin. Kahit tinitingnan ko pa lang, pakiramdam ko ay ang init-init na nitong suotin. Seryoso bang ganito ang idadamit ko gayong sila ay mukhang ordinaryong tao lang naman sa outfit na mukhang kamisa de tsino? Anong kalokohan ito?
“Wala bang bestida or something na kumportable sa pakiramdam?” usisa ko pagkatapos niyang magpaliwanag. Umiling siya.
“Parte ka ng buhay-pirata kaya anong sinasabi mong bestida?”
“I mean, kahit pantulog.”
“Walang gano’n.”
“Paano? Matutulog ako nang suot `yang doublet? Mainit dito sa cabin—”
“Ang dami mong reklamo. Alam mo, dapat ka nga magpasalamat dahil ginawa kang katulong at assistant pa mismo ng kapitan. `Di hamak na mas masarap ang buhay mo kaysa sa ibang bihag na pinagpapasa-pasahan ng iba’t ibang mga pirata.”
Nangilabot ako nang marinig iyon. Doon ko mas natanto kung gaano ako kaswerte na sa ganitong gawain ako inilaan. Hindi sa tino-tolerate ko kung anong nangyayari sa akin dahil hindi ko talaga ito matatanggap. But looking into the wider picture, thinking how lucky I am compared to those unfortunates, at least hindi saksakan ng lala ang hirap na pagdadaanan ko.
“S-sige… p-pasensya na ulit.”
May hinagis siya sa akin. Isang towel.
“Maligo ka na. Nandoon lang gawi ang banyo, pangalawa sa dulo.”
Marahan akong tumango-tango. Akma na sana siyang aalis ngunit mabilis ko munang pinigilan.
“Teka, p-pwede ko bang malaman kung anong pangalan mo o kung anong itatawag ko sa’yo?”
Malamig siyang sumagot, “Pacquito.”
Nang lumabas na siya at maiwan akong mag-isa ay muli kong inilibot ang aking tingin sa buong silid nitong cabin. Bukod sa maliit na kama, may maliit din na cabinet na sinadya lang talaga upang lalagyan lang ng damit. Wala itong kalaman-laman ni kahit na anong bagay. Maliban dito, wala ng ibang mapapansin kundi ang maliit na bintana kung saan matipid na dumadaan ang natural na liwanag sa labas. Dahan-dahan akong lumapit doon saka sumilip. At kagaya ng mga nakita ko kanina noong nasa main deck pa ako, wala akong ibang makita kundi ang kawalan sa paligid.
Suminghap ako at nagpakawala nang malalim na hininga upang humugot ng lakas ng loob sa mga susunod na mangyayari. Seeing the situation right now, I don’t think it will be easy for me to work for the captain. Kung iyon ngang pakikipag-usap kay Yaelo at Pacquito ay ipinagbabawal, paano pa kaya sa mga susunod niyang patakaran? Pakiramdam ko ay dito talaga masusubok kung gaano ako kadisiplinadong tao. Iniisip ko pa lang ay tila ba dumadaan na ako sa butas ng karayom.
Pagkatapos ko magmuni-muni, umupo naman ako sa kama at inisa-isa ulit ang aking mga isusuot. Hindi bale, mukha lang mainit tingnan pero ang gaganda naman pala ng mga tela. Nang samyuin ko ay mababango pa. Sino kaya ang naglalaba rito?
Sa takot na baka sawayin ako sa sobrang tagal ay napagpasyahan ko na bitawan ang mga damit at pulutin ang twalya, ganoon din ang mga pares na aking isusuot. Pinili ko muna ang sleeve shirt at trouser saka iniwan ang—
Teka, bakit parang may kulang?
Kunot-noo kong ibinagsak ang mga hawak ko at humagilap ng underwear. Oh God, hindi puwede! Hindi puwedeng wala akong bra at panty dahil hindi ako magiging kumportable kapag hahayaan kong naka-expose lang sa mga damit na `to ang maseselan kong parte!
Napalunok ako at nagdesisyong lumabas nang walang dala. Good thing na hindi pinatay lahat ng mga gaserang nasa daanan dahil kung hindi, siguradong mangangapa ako kung saan ako tatahak ng daan!
“Pacquito?” medyo malakas kong tawag sa pangalan niya. Inilibot ko ang paningin ko dahil baka lumabas siya sa isa sa mga saradong cabin na nandito. “Pacquito? Nasaan ka? May itatanong lang sana ako.”
Ilang segundo ang lumipas pero walang nagpakita. Walang bumukas na cabin kaya sa inip ay hindi na ako nag-alangan upang umakyat ng hadgan at tumungo sa main deck. Importanteng importante ang matter na `to kaya kailangan kong kumausap sa kahit na sinong makakasalubong ko. Si Yaelo man o hindi, bahala na.
Nang makalabas na ako mula sa lower deck ay parang langit na sumalubong ang liwanag. Bumungad ang mas banayad na simoy ng hangin. Hinagilap ko ng tingin ang buong paligid pero wala akong nakita ni sino rito sa main deck. God. Kung kailan ko sila kailangan makausap ay bakit hindi magpapakita? Paano ako makakaligo nito nang walang pamalit na underwear? Wala naman sanang dryer dito upang mabilis na patuyuin itong bra’t panty na sinusuot ko ngayon.
“Who are you looking for?”
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang marinig ang boses na iyon. Nagimbal din ako at natakot dahil boses iyon ng kapitan!
Mahina akong umusal ng mura. Could I tell him my concern? Hindi ba nakakahiya iyon?
Unti-unti akong bumaling sa kaniya. Sa pagkakataong ito, kinailangan ko pang tumingala upang matagpuan ko ang mga mata niya. Wala itong ipinagkaiba sa kanina kong nakita. Malamig pa rin iyon at nababalot ng misteryo.
“U-uh… Captain.”
He craned his neck a bit, as if waiting for my upcoming words. Habang tumatagal ang tingin ko sa kaniya, mas pagwapo siya nang mas pagwapo. Nababaliw na nga yata ako. Alam kong mali pero bakit unti-unting lumalambot ang loob ko? Bakit ba kasi ibang iba siya sa mga lalaking natagpuan ko?
“I have a c-concern...”
“Concern?”
“Uhm… Pacquito already gave me my clothing but he failed to provide underwear like bra and panty.”
“Then?”
Halos malaglag ang panga ko sa kaniyang reaksyon. Iyong totoo, hindi ba siya aware sa kung ano talagang sinusuot ng mga babae? Simpleng bra at panty lang naman. Wala ba sa bokabularyo niya `yon? My God!
“Uh… then that’s my concern. I need u-nderwears.”
“Like bra and… panty?”
I nodded gracefully. “Yes.”
“Come. Let’s go to my cabin.”
Pagkatalikod niya ay para akong tangang halos matanggalan ng mata. Anong ganap ng panty at bra sa cabin niya? Huwag niyang sabihing siya ang gumagamit n’on!
Sinundan ko ang hakbang niya patungo sa quarterdeck kung saan matatagpuan ang captain’s cabin. Dumaan pa muna kami sa isang palapag at humakbang sa panibagong hagdan bago namin marating ang silid na tinutukoy niya. Sa puntong ito, nang buksan niya ang pinto at makapasok kami, hindi ko napigilang mamangha sa ganda ng aking nakikita. Kung anong iniliit ng kwarto ko ay siyang inilaki ng kaniya. King-sized pa ang kama niya. Malalaki pa ang bintana. Hindi na kailangan pang magsindi ng gasera dahil sapat na ang natural na liwanag.
Hindi na niya isinara ang pinto. Tuloy-tuloy pa rin hanggang sa marating ang closet nito. Walang pag-aalinlangan niya itong binuksan kaya bumungad ang laman nitong saksakan sa dami ng kasuotan. Grabe. Sa itsura pa lang ay halatang yayamanin na.
Pumuwesto ako nang dalawang hakbang ang layo sa kaniya. Nasa gawing kaliwa lang niya ako at pinagmamasdan siyang naghahanap ng underwear na hinihingi ko. Seryoso bang may bra at panty siya sa closet niya? Paano kung pinaglololoko lang niya ako?
Halos kalahating minuto ang lumipas bago siya may mapulot sa gawing ibaba ng closet. Kunot-noo kong tiningnan nang ipakita niya ito sa akin at nagtaka dahil hindi naman iyon panty.
“This one can be an alternative,” malamig niyang sabi saka inabot sa akin. Pagkakuha ko nito ay halos magsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Utang na loob, brief niya ito ah? Malaki iyon at talagang may allowance pa para sa… umbok.
Holy s**t. Hindi ako makapaniwala!
“A-are you serious? This is your belonging. I don’t think I have the right to use what you’re using—”
“And who says not?” aniya sabay baling ulit sa closet na para bang may hinahanap ulit. “Puede poseer lo que tengo, señora.” (You can own what I have, lady.)
Ano daw? Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.
“What do you mean, captain? I’m sorry, I can’t understand Spanish.”
He shook his head. “Nothing.”
Iwinaksi ko na lang iyon at hinintay ang susunod niyang ipapakita. Tangan-tangan ko pa rin ang malaki niyang brief na ewan ko kung magkakasya ba sa'kin. Ang laki talaga, promise. Pakiramdam ko nga ay magmumukha itong shorts sa akin.
“Here,” muli niyang wika. This time, gray naman ang brief na iniabot niya sa’kin. Sunod ay kulay puting bandana na `di hamak mas malaki kaysa sa mga bandana na ipinakita sa akin kanina ni Pacquito. “You can use my bandana as a substitute to your bra.”
Napalunok-lunok ako. Seryoso ba talagang nangyayari ito? Matutuwa pa sana ako kung totoo ngang mayroon siyang bra at panty na stock. Pero ang bandana at malaking brief na pagmamay-ari pa niya? Sinong tangang gagawa nito?
“Thank you, captain. I think this is enough.”
“I’ll try to communicate with my salesman later to buy you the apparels you want. For now, just use what I recommend. I hope it fits you.”
Pagkasabi niya nito ay saka na niya isinara ang closet. Pagtapos ay hinintay ko ang susunod niyang gagawin pero huminto lang siya at yumuko sa akin. Dahil dito ay nagtitigan kami sa isa’t isa. Wala pang balikat niya ang tangkad ko kaya para akong tumitingala sa higante.
Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. Kung kanina ay gulat na gulat ako sa mga nangyayari, hindi ko inasahan na mas magugulat ako ngayon sa mga susunod kong maririnig.
“Just tell me if you have a problem, I’ll provide you anything.”