Chapter 07

2129 Words
Despite what he said, hindi ko pa rin binago ang mindset ko tungkol sa kanilang mga pirata. Masama pa rin sila. Hindi pa rin tama kung anong mga ginawa nila. They have killed a lot of lives so a good single statement won’t erase that. Gaano man kaguwapo ang wangis niya, still, they are evil-doers. Sinasabi ko ito dahil hindi ko pa rin matanggap na masyado pa akong magtatagal dito at matatagalan pa bago nila ako ibalik sa pamilya ko. But I have to be strong. I have to defend myself from all the pain that I have to face. To be a strong defendant is my remaining choice for all the offense I bound to encounter from these pirates. Diyos na lang at sarili ang kakampi ko maliban kay Yaelo na kahit paano’y naiiba sa mga piratang sumabutahe sa buhay ko. Naiilang man ay mag-isa na akong lumabas sa captain’s cabin. Dire-diretso kong tinahak ang daan hanggang sa makababa na muli ako ng lower deck. Itinuon ko ang atensyon ko upang matagpuan ang cabin na inilaan para sa akin. Sa ilang saglit ay nahanap ko naman dahil sa palatandaan ko ang nag-iisang pintuan na nakabukas. Pinulot ko ang sleeve shirt at knee-length trouser na iniwan ko sa kama kanina. Inayos ko ang pagkakatupi nito sa aking mga kamay, at ipinaibabaw ko ang itim na brief at puting bandana na ipinahiram sa akin ng kapitan. Para akong tanga nito sa gagawin ko. Sa tanang buhay ko kasi, ngayon pa lang ako makakasuot ng underwear na pagmamay-ari ng isang lalaki! Goodness. Bandana bilang substitute sa bra? I mean, kumportable naman sana sa akin kahit na hindi ako magsuot ng bra pero ginagawa ko lang iyon minsan kapag matutulog! Saka puro mga lalaki ang kasama ko rito. Hindi ko maaatim tiisin na bumakat iyong n-ipple ko sa may kanipisang sleeve shirt na magsisilbing underdress ko. Dala ang damit na aking pambihis, tinahak ko ang banyo na pangalawa sa dulo ng daanang ito. Pagkapasok ko roon, satisfied naman ako dahil nakahiwalay iyong bowl sa mismong shower area. May kurtina rin na siyang naghahati sa dalawang hanay. Kahit na ganoon, mas pinili kong i-lock ang pinto dahil iyon ang pinaka-safe na desisyon. Nanibago ako nang ihanda ko na ang lahat at sinimulan na ang pagdaloy ng tubig sa aking katawan. Nakaramdam ako ng refreshment mula sa mga nangyari. Biruing halos dalawang araw din akong hindi nakaligo, I am pretty sure na may naamoy na sa akin ang mga nakasalamuha ko. Idagdag pa ang mismong pinanggalingan ko na saksakan ng dugyot. Hindi ko maisip na minsan sa buhay ko ay makakatagpo ako ng ganoong klaseng mga tao. Amoy sampaguita ang sabon na siyang iba sa mga sabon na nakasanayan ko. Iyong deodorant ay hindi roll-on o deo-lotion, literal na tawas na sa kabutihang palad ay powderized naman. Nang makatapos na ako maligo at nakabihis na nang tuluyan, masasabi ko namang nagkasya sa bewang ko ang brief niya. Maluwag lang nang kaunti pero hinapit na rin ng garter nitong trouser. Samantala, halos masakal naman ng bandana ang dibdib ko. Noong una ay masyado akong nahirapang itali ang magkabilang dulo sa likod ko ngunit kalauna’y natutunan ko rin kung paano mas mapapadali. Para akong tanga sa outfit ko. May kalakihan ang kasuotan pero mas mainam na kaysa wala. Nang subukan kong amuyin ang perfume na available dito, halos mahilo ako sa amoy dahil napaka-masculine no’n. But I was left with no choice, kailangan ko magpisik nito upang mas tumagal pa ang pananatili ng bango ko. Bakit kasi pitong pares lang ng damit ko ang available? Nalilimitahan tuloy ang panahon ng pagpapalit ko. Pagkatapos kong ibalot sa twalya ang basa kong buhok, bumalik na ako sa aking cabin. Medyo nagulat ako nang may makasalubong akong bagong mukha na sa tingin ay trabahador dito sa lower deck. Doon ko natanto na maliban sa tatlong nakasalamuha ko ay may mga pirata pa akong hindi nakikita. Ilan kaya sila? Huminga ako nang malalim nang makabalik na ulit ako sa aking silid. Umupo ako sa kama saka isa-isang itinupi ang mga damit na inilaan para sa akin. Hindi ko naiwasang mag-aalala kung ano na ang susunod dahil `di hamak na isa lang naman akong katulong sa barkong ito. Mga pirata ang mga kasama ko at tinugurang demonyo sa karagatan. Pa'no kung may binabalak pala silang hindi maganda sa akin? Kung marunong lang talaga akong lumangoy, siguro, kanina pa ako naglakas-loob na tumalon upang makatakas. Kung natuto lang ako noong may panahon pa akong hasain ang sarili ko, sana hindi na ako namomroblema ngayon. Pero `di biro ang lokasyon kung saan naka-angkla pa ang barkong ito. Hindi biro dahil kahit saan pa ako tumingin, kahit pilitin kong makakita ng gatuldok na isla ay wala talaga akong makita. Taimtim ko na lang hiniling na sana ay bangungot lang ito, na sana ay nasa panaginip ako at kinabukasan ay gigising ako sa tabi ni Nanay. Miss na miss ko na sila. Miss na miss ko na ang dati kong buhay. Miss ko na si Yolia. Miss ko na ang lahat ng naiwan ko sa nakaraan… Sana… makakayanan ko. Gaano man kalupit ang ipapakita sa akin sa mga susunod na araw, umaasa ako na malalagpasan ko `di lang para sa kinabukasan ko— kundi para sa pagbawi na inaasam kong mangyari sa pamilya ko. ** “Saiah?” Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang marinig ang mahihinang katok sa pinto, pati na ang mahinahong boses na iyon. Ngumiti ako nang malawak kahit medyo nag-aalala para sa aming dalawa. “Pasok ka, Yaelo.” Saktong nakaupo na ako nang mabuksan niya ang pinto. Kung kanina ay simple lang ang outfit niya, ngayon ay suot-suot na niya ang doublet niya at itim na waistcoat. May bandana na rin sa buhok niya na para bang may pinaghahandaan. Pilit akong ngumiti nang makita ang matamis na ngiti niya. “Anong meron?” “Hindi ko pa pala nasasabi ito sa’yo. May meeting kasi mayamaya kaya kailangan ni Kuya ang tulong mo.” “Meeting?” “Oo, meeting ng mga trabahador at ni Kapitan. They’ll talk about the up coming quest in Palawan.” Napalunok ako roon. Medyo kabado dahil iba ang pagkakaunawa ko sa sinasabi niyang quest. Mangha-hijack kaya sila? Mangki-kidnap? O maghahanap na naman ng bagong bihag? Gusto ko sanang magtanong pa sa kaniya tungkol dito pero `di ko na natuloy dahil kinailangan na raw naming kumilos. “Please wear your bandana and doublet. Sa mga ganitong okasyon, kailangan natin maging pormal.” Tumango ako. “Sige. Paano pala ako makakatulong sa Kuya Pacquito mo?” Bahagya siyang nagulat. “Oh, you know his name…” “Tinanong ko ko kasi…” “Masungit `yon pagdating sa mga katulong kaya medyo nagulat lang ako. And to answer your question, ihahatid naman kita sa kaniya sa kusina.” Pagkasabi niya nito ay inabisuhan niya akong maghihintay lang daw siya sa labas habang nag-aayos ako. Dahil walang suklay, mismong mga daliri ko na lang ang ginamit ko upang pasadahan ang buhok ko. I then wore my doublet and gray waistcoat. Isinunod ko ang boots at ang bandana naman sa aking ulo. One more retouch to my hair and I’m done. Mabigat sa pakiramdam ang kasuotan pero makakasanayan ko rin naman. Nang lumabas na ako ay saka na naglakad patungo sa kusina si Yaelo. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa marating na namin iyon. Doon ay naabutan namin si Pacquito na mag-isang abala sa pagluluto. Maraming mga putahe ang nasa lamesa at medyo naawa ako dahil mag-isa lang niya itong ginagawa. “Hermano, ella está aquí.” (Bro, she's here.) Huminto sa ginagawa si Pacquito at marahang humarap sa amin. Kita ang pagsimangot ng kaniyang ekspresyon habang gaya namin na pormal na pangpirata ang suot. Iritado siya. Iyon ang nasisiguro ko. “Déjanos. Me haré cargo de ello,” tugon niya sabay lapag ng sandok sa lamesa. (Leave us. I'll take care of this.) Saglit akong tiningnan ni Yaelo bago siya lumabas ng kusina. Napalunok-lunok ako nang matantong kaming dalawa na lang ni Pacquito ang naiwan dito. Nang bumaling ako sa kaniya, diretso siyang nakatayo sa gilid ng lamesa at nakahalukipkip ang mga braso. Bakit ganito siya kung makatingin? Anong kasalanan ko? “What made you so long? Alas nuwebe nang iwan kita sa kwarto mo. Ngayon, ala una na at hindi pa kumakain ang kapitan!” Nanginig bigla ang labi ko sa takot. Galit na galit na siya at nanlilisik ang mga mata. Naroon pa ang halatang pagpapakalma niya sa sarili pero mukhang hindi na talaga niya mapigilan. “S-sorry. Akala ko kasi binigyan mo ako ng oras para magpahinga—” “Magpahinga? Anong kalokohan `yan? Nakalimutan mo yatang katulong ka dito at hindi prinsesa?” Napayuko ako dahil `di ko na siya nakayanang tingnan. Natatakot ako. Nangangamba. He’s too angry that I can’t help but worry. Paano kung isusumbong niya ako at isusuhestyon na ibalik sa mga salbaheng pirata? s**t. “B-babawi ako,” usal ko matapos ituon muli ang tingin sa kaniya. “Promise, babawi ako…” He rolled his eyes. Saka siya bumuga nang pagkalalim-lalim na hininga at pinulot muli ang sandok. “Mierda,” mahina niyang usal na sigurado akong spanish na naman kaya hindi ko maintindihan. “Hiwain mo `yang mga sangkap diyan sa lamesa para makabawi ka. Pasalamat ka dahil may pasensya pa ako.” Tumalikod siya at binigyang pansin ang nasa stove. Samantala, kinuha ko naman ang kutsilyo saka hiniwa ang sibuyas na hindi pa niya natapos. Napansin kong may kalakihan ang kusinang ito. Kumpleto ang mga gamit at hindi pinagkakaitan ng liwanag. May kalakihan ang lababo, partikular na itong lamesa. Maraming mga kubyertos at napansin ko ring mamahalin. May mga nakahanda ring canned goods, instant noodles, at kung ano-ano pang mga pagkain na maaaring lutuin at ihain. Iyon nga lang, dahil wala naman sa sistema nila ang paggamit ng kuryente, refrigerator ang napansin kong wala rito. Basta wala iyong mga appliance na ginagamitan ng power. Medyo nakakapanibago. “Anong kaya mong lutuin?” tanong ni Pacquito na ngayon ay tumutulong na sa akin upang maghiwa ng sangkap. Medyo naluluha-luha na ako sa sibuyas dahil sa dami ng mga piraso na kailangan kong daanan ng kutsilyo. Nahihiya akong umiling. “W-wala… h-hindi pa ako sanay magluto.” Binagsak niya bigla ang hawak na kutsilyo, dahilan kung bakit napahinto rin ako at tumingala sa kaniya. “Sigurado ka?” aniya nang namimilog ang mga mata. Natatakot man ay um-oo ako. Ano ba kasing magagawa ko? Mas mapapahamak lang ako kung magsisinungaling ako! “Ilang taon ka na nga?” “Ka-e-eighteen ko pa lang po—” “Mierda! Las niñas de tu edad ya deberían saber cocinar!” (s**t! Girls your age should know how to cook by now!) “P-po?” Matagal niya akong tiningnan bago siya makasagot. “Seryoso ka? Wala kang ibang alam na lutuin?” Malungkot akong tumango. “Eh ano lang alam mo? Kumain?” At lalo akong lumubog sa hiya. I have to blame myself for this. Mas nag-focus lang kasi ako sa pag-aaral noon at puro si Nanay lang ang gumawa ng pagluluto. Hindi naman ako sinuway tungkol doon dahil hangga’t maaari, ayaw nila akong pagawain ng gawaing bahay habang busy ako sa mga school works ko. Ngayong nawalay na ako sa kanila, doon ko mas nakita ang kahalagahan nito. Doon ko natanto kung gaano kalaki ang puwang na nalagpasan ko na sana ay mas natutunan ko habang bata ako. Nakakahiya. Hiyang hiya ako dahil lalo pang ipinamukha ng piratang ito. “Ano nang gagawin natin ngayon? Ibalik na lang kaya kita sa mga piratang nagdala sa`yo rito at palitan ka ng bago?” Bigla akong nagimbal nang marinig iyon. Sa takot ay mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso. “H-huwag po! Please. Maawa ka! Gagawin ko po ang lahat para matuto ng gawain dito. Gagawin ko po basta huwag mo lang ako ibalik sa kanila—” “You’re useless! Paano kita maaasahan dito kung simpleng pagluluto ay hindi mo kaya?” Umiling ako nang pagkariin-riin upang mas makita pa niya ang conviction ko. Kailangan ko siyang mapilit bago pa mahuli ang lahat. Hinding hindi ko gugustuhing maibalik sa mga salbaheng iyon dahil malupit ang magiging kapalit. Nakakatakot. Nakakabahala… Nanggilid na lang ang luha ko at mas hinigpit pa ang pagkakahawak ko sa braso niya. Akma na sana akong uusal muli upang magmakaawa ngunit `di na natuloy nang may magsalita sa pintuan. Kapwa kami natigilan ni Pacquito nang makitang si Kapitan Rael Viendijo iyon. “Qué tanto alboroto? Pacquito?” (What's the fuss? Pacquito?) Napabitaw ako at inilipat ang tingin kay Pacquito. Nang magtagpo muli ang aming mga mata, lalong nag-alburuto sa tahip ang abot-langit na kaba ko. God, please…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD