I can’t even blink properly as I walk back to the captain’s cabin. Patuloy na umaalingangaw sa isipan ko ang mga sinabi ni Pacquito at `di ko alam kung matitiis ko bang palagpasin iyon. Hindi pa ako nakakita ng prostitutes sa personal dahil kadalasa’y napapanood ko lang sa telebisyon, minsa’y nababasa. But now, thinking that they will be here for the service that Rael bounds to offer the pirates, may kung ano sa loob ko ang naiinis kay Pacquito.
Kung regalo nga iyon ng kapitan para sa kanila, bakit `di niya tanggihan? I mean, sabihin mang mandatory iyon, puwede naman niyang sabihin na hindi siya interesado upang tanggapin `yon lalo’t `di naman sa lahat ng pagkakataon ay tinatawag ng laman. Hindi ko alam dahil `di naman ako lalaki pero posible namang kayanin kung ayaw talaga, `di ba?
I am so really pissed. Naghahalo na lang ang inis at gulat ko ngunit kailangan ko munang iwaksi iyon. May kailangan pa akong tapusin ngayon. I need to shake this off `til I get the right time to think about it again.
“W-where have you b-been?” garalgal na salubong sa akin ni Kapitan. Nakahiga pa rin siya sa kama nang madatnan ko at nakapikit na ang mga mata. Umupo ako sa gilid niya at pinakatitigan siya. Epekto na kaya ito ng alak? Bakit parang `di siya makabangon at makadilat nang maayos?
“Bathroom, Rael,” I responded clearly. Mula sa aandap-andap na liwanag ng gasera, naaninagan ko ang maliit niyang ngiti na halata nang pinipilit. Surely, hindi ko na kailangan `tong kahuli-hulihang sleeping pill na hiningi ko kay Pacquito.
I parted my hair as the cold wind entered the cabin.
“Are you sleepy?” I asked.
“I am…”
“You can sleep now,” kalmado kong wika. Saglit akong umiwas ng tingin upang hagilapin ang kumot ngunit `di ko na nagawa dahil bigla na lang niya akong hinila nang mahina pahiga sa tabi niya.
Sa totoo lang, may lakas pa naman ako upang tumanggi. Kung gugustuhin ko, mayroon akong pagkakataon upang umalis na sa tabi niya dahil wala namang kawala ang lasing na gaya niya. But I don’t want him to remember this night wherein I did something he’ll never forgive. He’s a f*****g murderer at patunay nito na maaaring wala siyang kayang palagpasin kinabukasan.
Kaya kahit ayaw ko, ako na mismo ang nagkusa upang humiga sa kaniyang tabi. He then stretched his one arm as my pillow while the other arm wrapped my waist. Ang laki niya, seryoso. Amoy na amoy ko ang naghahalong alak at pabango sa kaniyang dibdib habang ang hininga niya’y pabalik-balik sa tuktok ng aking ulo.
“C-can we stay like this `til morning?” he asked in a manly tone. I nodded upon his chest. “I want to hear you…”
“Yes, R-rael…”
“Thank you… we can sleep now.”
Napalunok ako at kunwaring pumikit. Naging ganoon kami sa loob ng ilang minuto, hanggang sa marinig ko na lang ang mahihina niyang hilik.
Pacquito is wrong. Hindi ko ginamit ang kahuli-hulihang pill niya ngunit `di rin naman nag-insist si Rael na makipagtalik sa akin. He’s wrong for telling that this man is so horny and he won’t let this night pass without me, moaning. I know it’s scary. They are pirate and they are all scary. Pero bakit minsa’y pinagdududahan ko na lang ang sarili ko? Bakit sa halip na mapuno ako ng takot, galit, at poot, bakit pinipili ko minsang magtiwala? Is it because it’s the only remaining choice or because I’m deceived by how they act?
I could hear the sound of his heart, the very beat that already heard the cries of all he murdered. Kung mabuti siyang tao at may pakialam siya sa akin, bakit pinagdadamot niya ako sa pamilya ko? Bakit `di na lang niya ako hayaan at palayain kung mahal talaga niya ako?
Posible nga bang mabuo ang pagmamahal kahit `di pa lumilipas ng isang buwan?
Paano kung isa lang ito sa mga bitag niya upang magawa ang gusto niya sa akin? Kung s*x nga ang habol niya, bakit `di na lang sa mga bayarang isinasampa nila rito sa barko?
As I close my eyes and feel his warm embrace, I slowly crawled my hand in my pocket to secure the last sleeping pill. Nang matantong naroon pa `yon dahil nailagay ko sa bulsang hindi butas, napahinga ako nang maluwag. Maybe, magagamit ko pa ito sa ibang pagkakataon. Hindi man ngayong nalasing siya dahil sa rum na dinala ko, baka bukas o sa mga susunod na araw.
**
The pirates are shouting outside. Iyon ang dahilan kung bakit naimulat ko na lang nang marahan ang mga mata ko, hanggang sa matanto kong nakatulog pala ako rito sa kama ng kapitan. Naningkit ang mga mata ko mula sa nakasisilaw na liwanag sa labas. Nang mahimasmasan, literal akong napayakap sa aking sarili upang masiguro na hindi ako nakahubo’t hubad. Napabuntonghininga na lamang ako nang matantong kumpleto pa rin ang pananamit ko.
Bumangon ako’t umupo upang pasadahan nang mabuti ang paligid. Pilit kong hinanap kung nasaan ang kapitan ngunit wala akong nakita ni anino niya. Bahagya pang umiinog ang barko dahil siguro nagsisimula na ulit silang maglayag. Baka ito na `yong pagbalik nila sa Palawan para sa mga prostitutes na ireregalo kuno para sa mga pirata.
As I sit like a mermaid in this king-sized bed, I fix my hair and my bandana. Pinasadahan ko rin ng haplos ang medyo nalukot kong sleeves saka kinusot panandalian ang mga mata. Bahagya akong nanibago dahil noong nakaraang araw, kung gisingin ako ni Pacquito ay halos alas tres pa lang ng umaga. But now that the sun is already up, halos once in a blue moon ko lang yata maranasang tanghaliin ng gising nang hindi na ini-interrupt.
Bumaba ako ng kama saka tinupi ang kumot. Inayos ko rin ang pagkakahalanhan ng mga unan, saka pinasadahan ang bed sheet. Nakita ko rin sa sahig ang sleeves at waistcoat ni Kapitan. Ito siguro `yong mga hinubad niya kagabi bago ako pumasok rito.
Mabango pa iyon nang amuyin ko, senyales na baka balak pa niya itong suotin. But since marami naman siyang reserba sa closet, I guess kailangan na nitong isama sa mga lalabhan. Nagtaka tuloy ako bigla kung si Pacquito pa ba ang maglalaba nito o ako na?
Nevertheless, kailangan ko na bumaba at magpakita sa kaniya.
Paglabas ko ng cabin dala ang mga tinuping pinaghubaran ni Kapitan, biglang sumalubong sa daan ang isang pirata na may suot pang black pirate hat. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa direksyon ng hagdan kahit medyo kinakabahan pero nagulat na lang ako nang huminto ito sa aking harapan at yumuko.
“Buenos días mi dama,” bati nito kung saan dalawang salita lang aking naunawaan. Ano kaya ang ibig sabihin ng mi dama?
Ginaya ko siya, yumuko rin ako saka bumati pabalik. “Buenos dias.”
Pagkaangat ko ng tingin, nakita ko ang bahagyang pamimilog ng mga mata niya. Para bang nagulat pa siya na binati ko siya pabalik dahil `di iyon tipikal na ekspresyon niya kanina. He looks so foreign in his beard, pointed nose, mexican eyes, and tan skin. Hindi na ako magdududa kung mexicano rin siya kagaya nina Pacquito.
Akma na sana akong magsasalita upang subukang gumitin `yong mga itinuro sa akin ni Pacquito. But he left, suddenly. Tuloy-tuloy siyang naglakad, na siya ko ring sinundan ng tingin hanggang sa lumiko na siya patungo sa dead end ng cabin. Napakibit-balikat na lang ako saka nagpatuloy na rin sa paglalakad.
Akala ko ay iyon na ang una’t huling beses na babatiin ako nang ganoon ng isang pirata. Akala ko ay iiwas sa akin ang iba niyang mga kasamahan. However, just as I stepped onto the floor of main deck, all the pirates who saw me bowed their head and said all the same thing. Tulala ako at literal na walang masabi.
What’s wrong with them? Bakit `di na nila ako iniiwasan gaya ng dati?
“Tira de las cuerdas! El viento se hace fuerte!” malakas na sigaw ni Kapitan mula sa tuktok ng quarterdeck. Mabilis na nagsikilos ang mga inuutusan niya saka hinila iyong mga lubid na nakakabit sa top mast ng barko.
Lumakas ang hangin, dahilan kung bakit mas bumilis ang takbo ng barko. Everyone is now doing their job while here I am, silently watching upon how the shores fade in transition. Palayo na kami nang palayo sa pantalan na tinambayan nitong barko kahapon. Nagiging prominente na rin ang pagiging bughaw ng dagat na nilalayagan namin habang sakto lang ang sikat at init ng araw.
Tumalikod ako at umangat ng tingin upang hanapin si Kapital Rael. Saktong pagkita ko sa kaniya, napayuko siya sa akin at nagpakita ng matamis na ngiti. He’s now formal in his dark blue waistcoat and bandana, doublet, and sleeves. Nakatayo lang siya roon at nag-uutos habang abala sa pagmamando ang mga pirata. For sure, hindi kasama sina Pacquito at Yaelo sa mga kumikilos upang ilayag ang sasakyang pandagat na ito dahil iba naman ang kanilang gawain.
“Good morning, my love!” malakas na sigaw ni Rael mula sa itaas. Napansin ko bigla ang dalawang pirata sa kaniyang tabi na napahinto sa ginagawang pagmando sa steering wheel. Nakikiusyoso sila, animo’y ngayon lang nila ito narinig mula sa kanilang kapitan.
Rael raised his broad arm. Sumaludo pa siya sa akin at kumindat.
God. Hindi na siya lasing at sigurado ako roon! Ibig sabihin, seryosong seryoso pala siya sa mga sinabi niya kagabi?
What the heck?
Ngumiwi ako at inayos ang pagkakahawak sa dalang damit. “G-good morning, Rael!”
Nang masabi ko iyon, kaagad na nagsitingnan sa isa’t isa ang dalawang piratang nakikiusyoso sa kaniyang tabi. Unti-unti namang naglaho ang mga ngiti ni Rael, sabay baling sa kaniyang mga katabi sa helm area sa quarterdeck.
Shit, may mali ba akong nasabi?
`Di bale na. Baka kailangan lang talaga niyang magseryoso para sa paglalayag ng barkong `to patungong Palawan.
Naglakad na ako patungong kusina upang hanapin si Pacquito. Nakasalubong ko pa sa bulwagan si Yaelo na halatang nagmamadali dahil tumatakbo ngunit saglit na huminto para bumati at yumuko. I was about to ask him kung para saan `yang biglang pagyuko’t pagbati nila sa akin. Nito lang nagdaan ay pinipilit pa akong iwasan pero bakit parang iba na ngayon?
Anong nangyayari?
Pagdating ko ng kusina, mabilis kong sinara ang pinto. Ginhawa ang namayagpag sa akin nang maabutan kong nagluluto si Pacquito, suot ang itim na apron at itim na bandana.
Maglalakad na sana ako palapit sa kaniya. Tatanungin ko na sana siya upang malinawan ako sa kung ano ang mga nangyayari ngunit humarap siya nang malamig ang tingin sa akin at seryoso ang mga mata.
Kung tangan ko ang pinaghubaran ni Kapitan Rael, hawak-hawak naman niya ngayon ang sandok na ginagamit niya sa pagluluto.
“You expect me to bow my head?” panimula niya. “If you want me to do it, I’ll do it.”
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Anong sinasabi mo?”
Sarkastiko siyang ngumiti. Tumutunog pa sa kaniyang likuran ang kumukulong sabaw.
“Nagmamaang-maangan ka.”
“I told you Pacquito! Hindi ko alam kung anong nangyayari!”
Lumipat ang focus ng kaniyang mga mata sa hawak kong kasuotan. God, ano na naman bang pumapasok sa isip niya?
“You’re now a queen of this pirate ship, hindi mo pa ba `yon alam?”
“Malabo `yan—”
“He declared it already,” putol niya sa aking sinasabi. He hissed and turned his back at me. “And that’s official.”
Napailing-iling ako at napabitaw sa mga hawak kong damit. Napasandal ako sa dingding at tulalang tumitig sa likod ni Pacquito.
I whispered, “No way…”
“Yes, it is,” he said coldly. Abala man sa niluluto niya ngayon ngunit kung sumagot ay nasa akin pa rin ang atensyon.
“Paano na ako makakaalis nito? Paano na ako makakalaya kung itatali niya ako sa kaniya?”
“Problema mo na `yan.”
“Pacquito naman!”
“And don’t you dare yell at me, woman!” Hinagis niya ang hawak na sandok pagkasigaw nito. Sa muli niyang pagharap sa akin, nakita ko na ngayon kung gaano kabagsik ang galit sa kaniyang mga mata. Nanginig ako bigla sa takot. I’ve seen a lot from him but this one is too worse.
Galit na galit siya.
“Why are you blaming me, huh? If you don’t love him, then tell him! Huwag mo na akong idamay.”
“Hindi kita sinisisi—”
“Then why are you here? I’m not your mentor anymore. Hindi ka na utusan at hindi ka na rin bihag.” He took a deep air and sighed like a tired man. He then whispered, “Bumalik ka na ro’n sa kaniya bago pa tayo mahuling nag-uusap.”