The wind outside is howling. Siguro kung bagong salta pa lang ako sa barkong ito, paniguradong matatakot na ako. Pero sa dinami-dami ng oras na halos ganito na ang paligid na nasaksihan ko, kay kamatayan na lang ako natatakot— kay Kapitan.
Our fingers are intertwining for almost two hours. Ilang wineglass na rin ng rum ang naiinom niya pero pucha, hindi talaga tinatablan. Hindi pa ako makahanap ng tiyempo upang maihulog ang sleeping pills dahil hindi niya maalis-alis ang tingin sa akin. Bukod sa natatakot ako na mahuli niya, mas nag-aalala ako sa magiging epekto nito sa akin at sa mga susunod na araw.
“The moon is beautiful, isn’t it?” he asked as he stared at the open window. Kitang kita mula roon ang hugis-saging na buwan at ang liwanag ay `di naman prominente. He sounds so normal. Hindi tunog-lasing. Parang hindi nakainom.
“Y-yeah… it’s so… beautiful,” awkward kong sagot. Nang mapansin kong nakatitig na siya nang husto roon, patay-malisya kong kinapa ang sleeping pills sa bulsa ko. Ngunit ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang wala na akong makapa. Sa pagkataranta ko’y ipinasok ko na sa aking bulsa ang kamay at hinanap ang pills— wala talaga!
Ini-akbay ni Kapitan ang isang braso niya sa akin, dahilan kung bakit mas napadikit na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano pa ako ngayon makakatakas gayong wala na sa bulsa ko ang sandata ko. Pa’no ba `yon nawala?
“You know what, Sai? I really like you,” he whispers in a deep voice as he stares at the moon. Sa puntong iyon, may kung ano sa loob ko ang kumalma. Saglit kong nakalimutan ang paghahanap sa nawawalang pills at marahang napatingin sa kaniya.
“A-are you serious?”
“I’m damn serious.” Bumaling siya sa akin. “And I think I’m falling in love…”
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Paulit-ulit akong nagmura nang palihim dahil parang sasabog na ako mula sa aking mga narinig. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito nang personal sa kaniya! For f**k’s sake, wala pa akong isang buwan sa mala-impyernong barko niya!
“I don’t think you’re falling in love. M-maybe… it’s just lust,” sambit ko.
Nakita ko kung paano siya natigilan, dahilan kung bakit mabilis akong nagsisi. s**t, kung nakinig lang ako kay Pacquito tungkol dito, sana `di na ako parang timang ngayon na animo’y ngayon lang nagkaroon ng malay. Bakit ba `di ako naniwala? Bakit kinailangan ko pang marinig sa kapitan ang lahat bago ako maniwala?
Malinaw pa sa malinaw na isa siyang pirata habang ako ay isang hamak lang na bihag. Isang bihag na pinagkaitan ng kalayaan at `di alam kung kailan pa ulit makakawala mula sa kustodiya nila. Hindi ba kailanman pumasok sa isip niya na napakalayo ng estado ko mula sa kaniya? I get that he likes me but… he’s a decorated captain from Mexico!
“Maybe I wanted to have s*x but trust me,” he muttered. “If you want me to prove that I love you, I won’t force you to have s*x with me. I’ll wait.”
What the actual hell?
Marahan niyang iniangat ang aking kamay. Saka niya iyon inilapit sa labi niya at masuyong hinalikan. In this very moment, I suddenly felt as if I am a princess, a queen, or whatsoever that comes into royalty. Wala akong alam kung bakit nagkakaganito siya o baka naman naging epekto na ito ng alak sa kaniya?
I took a deep breath as he darted his eyes at me. Para siyang takot na mawala ako dahil halos `di na siya kumukurap. Mapungay na ang balintataw niya at halatang halata ang sinseridad.
“May I ask you why you like me, Rael?”
“I don’t like you. I love you.”
“B-but… but why? Of all the girls out there, why me?”
Gusto ko sanang i-point out sa kaniya na isa akong bihag na assistant at katulong habang siya naman ay tinitingalang kapitan. Pero baka ma-offend. Ang daming posibilidad na baka bigla na lang niya akong itaboy palayo dahil `di ko pa naman kabisado kung paano siya mag-react sa mga bagay-bagay.
“I don’t even know how to answer that,” he replied. “All I know is that… I don’t care. I don’t care about where you came from, what you are, and who you are. After all, we can forget the past and just be my wife.”
“You’re drunk.”
Tumawa siya. “No, I’m not. And I’ll prove to you tomorrow.”
“How?”
“I’ll declare to everybody that starting today, God wills you.”
Dieu-Le-Veut.
Iyan kaagad ang pumasok sa isip ko.
Holy f**k. Holy s**t. What the hell!
“May I go to the bathroom?” I asked. Niluwagan naman niya ang pagkakahawak sa akin at inalis ang pagkaka-akbay. “I’ll be back. Just lay on your bed and I’ll be back.”
“Can I kiss you before you leave?”
Huminga ako nang malalim at pumikit. “S-sure…”
And there he goes. Hinalikan niya ako nang labi sa labi. May katagalan iyon at hindi pa siguro matatapos kung hindi pa ako lalayo.
Pagkatayo ko ay marahan siyang humiga sa kama nang `di naaalis ang tingin sa akin. Pilit akong nagpasilay ng ngiti saka tumalikod upang humarap sa pintuan. Ngayong naglalakad ako palabas, para akong tangang tinanggalan ng kaluluwa. Panay ang hawi ko sa aking buhok dahil sa haplos ng nagpaparamdam na hangin.
Doon nag-sink-in sa akin ang lahat nang makalabas ako nang tuluyan sa cabin. Pagkasara na pagkasara ko ng pinto, napasapo ako sa aking noo habang naglalakad. Ang damdamin ng kapitan para sa akin ay `di kailanman magiging dahilan upang maging masaya. He’s a pirate captain! A pirate!
Muli kong kinapkap ang bulsa ko habang humahakbang paibaba sa hagdan. Natanto ko na butas pala ito kaya naiwaglit ko ang pills. Tang-ina talaga. Bakit ngayon ko lang napansin? Paano kung may nakapulot no’n at hinahanap kung sino ang may-ari?
Nang makababa ako sa main deck, naroon pa rin ang mga piratang nagkukwentuhan sa hapunan. Naroon din si Pacquito na ngayo’y nakikisalo sa kanila, nakikipagkwentuhan. Should I interrupt them? This is a serious matter that I have to tell him. I need him now!
Nilakasan ko ang loob ko. Lakas-loob akong humakbang patungo sa kanila nang walang ipinapakitang emosyon. They are all noisy and lively until I came into the picture. Nagsitahimik silang lahat at napatingin sa akin. Namilog naman ang mga mata ni Pacquito na mabilis kong nakilala dahil sa pagiging bigotilyo.
The silence crept like an angel went down on this dining table. s**t. Bakit kailangang manahimik?
“Pacquito…” wika ko. “Usap tayo.”
Pacquito then raised his hands. Sabay-sabay na lumingon sa kaniya ang mga pirata saka mag-isang tumayo. “Regresaré, amigos. Solo la ayudaré.” (I'll be back, friends. I'll just assist her.)
“No hay problema, Pacquito,” ani isang pirata na nakahawak pa sa kutsara. “Ese es tu trabajo. Estaremos esperando.” (No problem, Pacquito. That's your job. We'll be waiting.)
He smiled forcefully then went to me. Hinila ko siya patungo sa bungad ng lower deck at pabulong na nagsalita.
“Kailangan ko `tong sabihin sa’yo ngayon.”
“Bakit? Anong nangyari?” tanong niya.
“A-ang pills…” nanginginig kong sabi. “Nawawala…”
“What the—”
“Oo, Pacquito. Kasalanan ko. Alam ko na `yon. Pero `di na natin `yon kailangan dahil mismong si Kapitan na ang nagsabi na `di raw kami magse-sex.”
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako, “Hindi naman daw s*x ang habol niya dahil… dahil mahal daw niya ako.”
He froze. Bahagya mang madilim sa parte na ito dahil may kalayuan ang gasera, kitang kita ko kung paano tumaas ang kaniyang kilay. For sure, nagulat siya. Natural dahil kahit ako ay nagulat.
“So tinawag mo ako para lang sabihin sa’kin na naiwala mo ang sleeping pills? O para sabihin sa’kin na mahal ka ng kapitan kaya walang mangyayari?”
“Pacquito—”
“Putang ina, Saiah.”
“Pacquito, please…”
“Tanga ka ba? Binibilog ka lang niya!” paasik niyang bulong. Napapikit ako nang mariin. “Malibog ang taong `yon. Bata ka pa kaya alam niya ang kahinaan mo.”
“Hindi na ako bata.” Dumilat ako.
“Kung hindi ka isip-bata, hindi mo sana sasabihin sa’kin na `di mo na kailangan ng pills dahil lang sinabi niya sa’yo na hindi na siya sa’yo makikipag-s*x!”
Yumuko ako dahil ayaw kong ipakita sa kaniya na nanggigilid na ang aking luha. Hindi ako nasasaktan dahil sa kaniya at sa mga sinasabi niya. Dahil maniwala man ako roon o hindi, nasa akin ang mali. Bakit nga ba ako maniniwala sa kapitan ng mga kriminal? Seriously Saiah? What’s wrong with you?
“Makinig ka sa’kin. Kilala ko ang taong iyon. He’s good at everything but he’s a bad liar. He asks you to sleep with him, right? Bukas paggising mo, siguradong nakahubad ka na.”
“Oo na. Tama ka,” ang nasabi ko na lang. “Ang tanga ko para maniwala sa mga sinabi niya.”
Nagtagis ang kaniyang bagang. I even saw how he clenched his fists in anger. He’s so mad that I could barely hear how his breath piped like wind and I saw how his jaw tightened. He’s mad. Deeply mad.
“M-may pills ka pa ba? Puwede nating gamitin iyon para patulugin siya.”
“Isa na lang ang naiwan ko sa cabin. Kung mawawala mo pa `yon, mahirap nang gawan ng paraan,” kalmado na niyang tugon ngunit sa kaloob-looban, hindi pa rin niya maitatago kung paano ko nahahalata ang pagpipigil niya. “Tara.”
Sumunod ako sa kaniya pababa sa lower deck. Nakasalubong pa namin si Yaelo na paakyat sa main at halatang nagtataka kung bakit magkasama kami ng kuya niya. As much as I want to tell him about our plans, ayaw ko ring suwayin si Pacquito sa mga nais nitong mangyari. Yaelo is too innocent to be involved with me. Ayaw kong mawalan siya ng trabaho nang dahil lang sa interaksyon sa akin.
Habang tahimik na naglalakad sa pasilyo ng lower deck na ito, ngayon ko natanto kung bakit iniutos ng kapitan na huwag akong kausapin ng iba pang mga pirata maliban kay Pacquito. Is he threatened? Ayaw ba niya akong ma-develop sa iba dahil gusto niya’y sa kaniya lang ako magkagusto? Ibig sabihin, gusto na niya talaga ako kahit noong unang salta ko pa lang rito? O sadyang ganito lang talaga ang patakaran nila?
Nang marating namin ang loob ng cabin ni Pacquito, napansin ko agad kung gaano kagulo ang kaniyang kwarto. Wala lang sana para sa’kin pero nabo-bother ako.
Tumungo siya sa kabinet at binuksan iyon. Habang hinahanap niya roon ang sleeping pills, itinuon ko naman ang atensyon ko sa mga bagay na nakapatong sa magulo niyang kama. Mga kasuotan niya iyon; partikular na ang doublet, waistcoat, sleeves, at bandana. Ngunit isang bagay ang umagaw sa atensyon ko dahil rumeplika sa package nito ang liwanag. Kumuha ako ng isa at binasa ang label nito.
Lubricant?
“f**k! Huwag mo ngang pakialaman `yan!” bulalas niya at inagaw sa akin ang sachet. Inihagis niya iyon sa kung saan sabay abot sa akin ng iisang pill. “Last na `yang pill kaya huwag mo na iwala.”
Nasa palad ko na ang pill pero `di mawala-wala sa isip ko ang nahawakan ko kanina. Natulala ako sa kaniya habang siya ay nakasimangot. Halatang iritado.
“What?”
“Bakit ka may lubricant? Kanino mo ginagamit?”
“s**t Saiah. Pinagtripan lang ako ng kapatid ko kaya niya ako binilhan no’n.”
“Trip ka niya kaya ka niya binilhan?”
“Oo, trip niya kaya lintik sa’kin `yon. Tara na. Bumalik na tayo sa taas— oh fuck.”
Nakita ko sa kama niya ang hindi pa nabubuksang box ng condom kaya mabilis niyang kinuha `yon saka tinago sa kabinet. Pagtapos no’n ay dali-dali niya akong tinulak palabas ng cabin. Namilog na lang ang mga mata ko.
“Para saan `yon? Bakit may gano’n ka?”
“Tigilan mo na nga `yang katatanong mo,” sagot niya. Pagkasara niya ng pinto ay nagsimula na kaming maglakad sa pasilyo.
“Simple lang ang tanong ko. Hindi ako naniniwalang trip iyon bilhin ng kapatid mo.”
“Please, Saiah. Enough.”
“Sa ayaw mo o sa hindi, sagutin mo ako.”
Huminto ako kaya huminto rin siya. Sa inis ay ginulo niya ang kaniyang buhok at dali-daling bumalik sa akin.
“Fine. Huwag na huwag mong sasabihin sa kapitan na sinabi ko sa’yo `to, maliwanag?”
I nodded. Tumingin muna siya sa paligid bago magpatuloy sa pagsasalita.
“Pagdaong ng barkong `to pabalik sa Palawan, may mga prostitutes na isasampa rito. At bawal kaming tumanggi dahil utos ito ng kapitan— regalo iyon ng kapitan,” bulong niya sa napakahinang boses na siyang dahilan kung bakit umawang sa gulat ang labi ko.