Chapter 21

2235 Words
“f**k!” mura niya nang malutong. Pinawi ko ang nagbabadyang luha saka nagsimula sa pagkain. Hindi siya makapaniwala. `Di ko man tanungin ay mahahalata na sa ekspresyon niya. Sa bagay, sino ba naman kasi ang hindi magugulat doon. Walang wala ako sa sarili ko kanina ngunit kung makaasta ako ngayo’y akala mong binigyan ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay. “Pwede ba? Huwag mo na huwag mo akong tatawaging ganyan—” “Anong masama, kuya?” sabay tawa. Napahilamos naman siya sa sarili at ginulo pa ang buhok. “Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Hindi bagay. H-hindi ako s-sanay.” “Pwes, masanay ka na. Saka, ayaw mo ba no’n? Ina-acknowledge ko na ang ginagawa mo para lang… para lang maligtas ako.” He rolled his eyes. “Batang bata ka pa nga. Tingin mo hahayaan kong mangyari `yon?” “Eh teka nga,” wika ko. Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kutsara habang nakatuon nang seryoso ang mga mata sa kaniya. “Coincidence lang ba na tinawag mo siya kanina o sinadya mo para walang mangyari?” Nag-isip siya. Ilang segundo din ang pinalagpas bago tumugon. “Wala akong alam kung anong nangyayari na loob ng kwartong `yon kaya puwede ba? Tigil-tigilan mo `yang ilusyon mo na niligtas kita?” Bahagya naman akong nalungkot doon. “So hindi talaga intentional ang pagligtas mo sa’kin doon?” Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumayo lang at tumungo sa lababo upang hugasan ang kaniyang pinagkainan. Ngumuso na lamang ako at pinagtuunan na lang ng pansin ang pagkain. If it’s just a coincidence, ang mahalaga’y naging dahilan siya upang `di matuloy ang nangyari kanina. Ang kaso, kahit na napigilan man, mismong si Kapitan Rael na ang nagsabi na mamayang gabi raw ulit kami magkikita. With that, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Should I tell this to Pacquito? Paano kung wala naman pala talaga siyang pakialam? But remembering how he restricted me to avoid seeing the nakedness of the captain, I think naroon pa rin ang pakialam niya. At wala rin naman sigurong mawawala kung sasabihin ko sa kaniya ang mga posibilidad. Siguro ay may magagawa siya upang matakasan ko iyon. Ilang subo lang ang ginawa ko sa nakahain. Huli na rin nang mapansin kong nakasandal lang siya sa lababo at nakatingin sa akin nang malamig. I drank my water and cleared my throat. Siniguro ko rin na walang ibang narito sa kusina kundi kami lang. “May sasabihin ako tungkol sa mangyayari mamaya.” “I know,” he replied. Saglit iyong ikinabilog ng mga mata ko habang kalmadong nakaupo. “And that’s what I’m thinking.” “Alam mo?” “Dahil narinig ko. Hindi ako bingi para `di marinig ang sinabi no’n sa’yo kanina.” Umiwas siya ng tingin sabay bulong nang pagkahina-hina. “Hinalikan ka pa nga sa harapan ko.” “Ano?” “Wala.” Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin. “Ubusin mo na `yang kinakain mo.” “Pero busog na ako.” “Sigurado ka?” Again, I pouted. “Oo.” “Akin na,” aniya sabay hakbang patungo sa akin. “Kung ayaw mo, ako ang uubos.” This time, hindi ko na magawang itago pa ang pagkawindang ko. Mabilis niyang kinuha ang plato pagkaupo na pagkaupo niya sa aking tapat. The silence crept in when he began eating my leftovers. Wala siyang kaarte-arte kahit mismong kutsara’t tinidor ko ang kaniyang ginagamit. “What?” bulalas niya nang nakasimangot. Ngumunguya siya at nakataas ang kilay. “Talagang… kinakain mo `yan?” He swallowed and replied, “Kanino ko ipakakain kung hindi ko kakainin? Itatapon? Sayang naman `tong niluto ko.” I hissed. “I mean, siyempre ginamit ko na `yang mga kubyertos. May laway ko na `yan.” “Oh tapos?” Nawalan ako bigla ng sasabihin. Goodness, Saiah! “Uh… eh… b-baka lang naman sensitive ka.” Hindi na siya sumagot. Tuloy-tuloy lang niyang inubos ang kinakain hanggang sa masimot na niya kahit iyong kahuli-hulihang butil ng kanin. Pagkainom niya ay inilapag niya sa sink ang pinagkainan. Bumalik siyang muli sa kinauupuan nang `di mawala-wala ang pagiging seryoso ng mga mata. “Look, Saiah. I know you struggle a lot and I did something to stop you from that… rape. Pero huwag mo akong tawaging kuya. It just… it just sucks. I hate it.” “Bakit?” He closed his eyes tightly, then opened with a forced serenity. “Call me Pacquito. That would be better,” kalmado niyang wika. Kung iyon ang prefer niya, wala akong magagawa. “Sige.” Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. He’s about to tell something serious and I could really sense that. “Now, sabihin mo sa’kin kung ano ang totoong nangyari kanina. `Yong totoo,” he commanded. I allowed myself to think for a minute, then I responded. “Kanina, tinanong niya kung nakipag-s*x na raw ba ako.” “s**t…” “Uhm… tapos, noong sinabi kong hindi, doon na nagsimula.” “Hindi ka nanlaban?” he asked. Umiling ako. “Ikaw na mismo ang nagsabi na kailangan kong mag-ingat sa mga gaya niya. He’s a murderer. Paano kung patayin na lang niya ako kung `di ko gagawin ang gusto niya?” “At least you tell him you’re not ready—” “Ganoon ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon ko? He already lost himself. Galit na galit pa noong kumatok ka sa pintuan niya.” Namutawi ang katahimikan. Itinipa niya ang kaniyang mga daliri sa hapag nang nakayuko at tila malalim ang iniisip. Sa puntong ito, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. As much as I want to escape what is bound to happen later in the middle of the night, I don’t want to be murdered. Mula sa pagkakayuko, ibinalik niya ang pagkakatama ng mga mata sa akin. Hindi gaya kanina, ramdam ko na ang tense niya. Ramdam ko na gustong gusto niya akong tulungan. “You don’t want his kiss, right?” I nodded. “I don’t want to have my first s*x with him, either.” “May naisip akong plano para walang mangyari mamaya. Pero `di ko masisiguro kung epektibo.” Bigla akong nabuhayan sa sinabi niya. Oh my God. “Sige, sige. Ano `yon?” He took a deep breath. “May sleeping pills ako. Puwede mong gamitin `yon mamaya. Kumbinsihin mo siyang uminom. Sabayan mo.” I nodded with a smile. Buti na lang! “Sure. Kaso, paano kung magising siya kinaumagahan? Anong sasabihin ko sa kaniya kung magtanong?” “Iyon din ang iniisip ko. Pero madali lang naman dahil ilang baso din ng alak ang iinumin niya. Sabihin mo lang na may nangyari sa inyo noong gabing iyon kahit na wala naman. Just make it sure na nakahubad kayong parehas para kapani-paniwala. Nasa labas lang ako ng cabin para umantabay sakali mang malibugan siya sa’yo sa umagang `yon.” Sa parteng iyon ako bigla kinabahan. Ngunit sa kabila no’n, magandang plano iyon lalo’t aakalain talaga ng kapitan na may nangyari sa amin. Kailangan ko lang talaga maki-cooperate. Kailangan kong galingan dahil malaking bagay ang mawawala sa akin kung papalya kami rito. Nang sumapit ang gabi, si Pacquito na ang nag-insist na maghanda ng hapunan para sa mga pirata. Nanatili ako sa aking kwarto upang isa-isahin ang mga binili ni Yaelo para sa akin at para na rin mausisa kung ano ang puwede kong suotin sa mga susunod na oras. Kahit paano’y `di naman nagkamali si Yaelo sa mga products na gusto ko. May iilang underwear lang na sinobra sa laki pero magagawan ko pa naman ng paraan. Naligo ako sa bathroom pagkatapos ng isang pirata. I then put my sleeves and doublet, `yong attire talaga na pangpirata. Ang pinagkaiba lang sa mga nakaraan kong suot ay `di na ako umaasa sa underwear ng kapitan. Somehow, nakahinga-hinga naman ako nang maluwag. Habang nagsusuot ng bandana, biglang may kumatok sa pinto. Nang buksan ko iyon, para akong binunutan ng tinik. Si Pacquito lang pala. Amoy-ulam na siya dahil sa mga niluluto niya kanina. Pawisan na rin ang kaniyang noo. Mababakas ang pagkabasa ng kaniyang dibdib dahil sa pagod. Naawa ako bigla. “Ito ang sleeping pills,” bulong niya pagtapos ilabas ang tatlong tablet sa bulsa niya. Kinuha ko iyon at mabilis na itinago sa akin. “Nasa kwarto na ang kapitan ngayon, nagpapahinga at naghihintay sa’yo. Wineglass lang at rum ang dalhin mo. Mahina lang ang tolerance no’n kaya huwag kang kabahan,” nagmamadali niyang dagdag. “Bale ilang glass ang iinumin niya bago ko ilaglag ang pills?” “Three, at least.” “Sige.” “Uminom ka rin, ah? Pero huwag sosobra. Seduct him if you want but don’t forget that pills before he urges to have sex.” “Salamat…” Magkasama kaming naglakad patungong kusina. This time, pure rum na ang alak para raw mas malakas ang tama at isang bote ang binitbit ko kasama ang dalawang wine glass. Kinailangan na rin ni Pacquito na mag-serve sa mga naghahapunang pirata kaya ako na lang ang mag-isang aakyat sa quarterdeck. I had no choice but only hope na sana maging matagumpay ang plano. At sana, sana ay tumalab ang pills bago pa man may mangyari. Habang nagkakasiyahan sa hapunan ang mga piratang nasa main deck, halos `di ko makita ang daan dahil sa dilim. Hindi sumapat ang liwanag ng ilang mga gaserang nakasabit dahil mahihina na ang mga apoy nito. Muntik pa nga akong matalisod dahil sa barrel na nakaharang sa daan. Buti na lang at sa ilang mga hakbang ay narating ko rin ang captain’s cabin. Huminga ako nang malalim nang makapuwesto na sa tapat ng saradong pintuan. I silently prayed to also gain strength for what’s going to happen. Nang maihanda ko na ang sarili ko ay hindi na ako nag-atubili pang itulak ang pinto. Iilang gasera lang ang mga nakabukas at partikular na roon sa parteng malapit sa bedside table, open window, at shelves. Nakita ko agad ang kapitan. Sunod-sunod akong napalunok nang makitang wala na siyang pang-itaas. Nakaupo lang siya sa gilid ng kama nang nakaharap rito sa pinto. Nang magtama ang aming mata, pangingilabot kaagad ang namayani sa sistema ko. “Buenas noches mi señora,” he greeted with a smile plastered. (Good evening, my lady) “Buenas noches, Rael,” I greeted back as if I don’t feel nervous. Ngunit sa kaloob-looba’y abot-abot na ang tahip ng dibdib ko. Kabang kaba na ako dahil halata sa postura niya’t tono kung anong ninanais niyang maganap sa gabing ito. Humakbang ako at tumungo sa bedside table. Inilapag ko roon ang isang bote ng rum pati na rin ang dalawang wine glass. When I looked at him, I saw how his eyes darted at my hips. May nais na siyang gawin pero halatang pinipigilan pa ang sarili. God, Pacquito. Baka pumalpak ang plano… He tapped the portion beside him, senyales na nais niya akong umupo sa tabi niya. I cannot deny that even amidst the darkness, his charisma is taunting like hell. “How are you?” he asked in a deep, deep voice. Hinagilap niya ang isa kong kamay at pinagsalikop iyon sa kaniya. “I… I’m fine.” “Did you miss me?” Umawang ang labi ko roon. What the hell is wrong with him? Hindi naman niya ako girlfriend para tanungin niya ako niyan ah? And why do he sounds so sincere? Hindi ako sumagot kahit na aware ako na naghihintay siya. Sa halip ay iminuwestra ko ang bote ng alak na dala ko upang maipakita sa kaniya. “Uhm… do you want to drink?” He hummed. Mas humigpit ang pagkakasalikop ng aming mga palad. “I’ll only drink with you.” “So it’s a yes then?” He smiled. “For you.” Pinilit kong ngumiti. Gusto ko sanang kalasin ang mahigpit naming mga daliri pero parang wala siyang balak na gawin iyon. I don’t know what’s running in his mind pero kung makaka-offend sa kaniya ang pagkalas, huwag na lang. Gamit ang isang kamay, inabot ko ang bote dahil sobrang lapit lang naman namin sa bedside table. Madali kong binuksan ang takip nito saka nagsalin sa dalawang wine glass. Inabot ko ang isa sa kaniya, samantalang ang isa sa akin. “So this is rum.” He noticed. “You're into rums huh?” I chuckled. “Yes, Rael.” Nagulat ako nang inumin niya nang isang lagukan lang ang alak. Oh my God. Do I have to do the same? No. Hindi ko naman siya kailangang gayahin. I have to take my time lalo’t hindi naman ako palainom. I need to brace myself dahil baka ako pa itong malasing. My God! “I like your taste. Though it’s a bit strong,” he commented. Kahit naghahalo ang amoy ng alak, hindi ko pa rin maiwasang punahin kung gaano siya kabango. He smells musky and foreign. However, despite this, hindi pa rin dapat ako maakit. Hindi ako umimik. Ngumiti lang ako habang hawak ang wine glass at ang isang kamay namin ay nanatili pa rin sa pagkakasalikop. Ngayon ko napag-isip-isip na hindi magiging madali ang takbo ng gabing ito. Knowing that this captain is really into me, baka oras pa ang aabutin bago ko tuluyang maihalo sa alak niya ang sleeping pills.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD