Ginigising ko pa ang sarili ko mula sa nangyari. Kung `di pa naglakas-loob na kumatok si Pacquito para umabiso sa kapitan, baka naganap na ang matagal kong kinatatakutan.
Lumabas ang kapitan sa silid na ito nang `di pa nakakabit ang butones ng sleeves. Ganoon din si Pacquito na ilang segundo rin yatang nakatitig sa akin at pilit na itinatago ang galit. Whatever it is, ano man ang tumatakbo sa isip niya ay wala akong pakialam. Ang alam ko ay malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. Utang na loob ko ang pagkakataong ito dahil niligtas niya ako.
Sinamantala ko na ang pagkakataong mag-isa lang rito sa kwarto. Bumangon ako at bumaba sa kama upang maisuot nang maayos ang kasuotan ko. I then fixed my hair. Bahagya lang namang naalis sa pagkakatali ang bandana kaya `di rin nagtagal ang atensyon ko roon.
Nalalasahan ko pa ang labi ni Kapitan Rael. I could not deny that it tastes Mexican Soup but there’s still a taste of mint. Nag-aalburuto pa rin ang sistema ko sa kaba, takot, at pagkabigla. In this age na halos kaka-eighteen ko pa lang, hindi ko inasahan na may makahahalik kaagad sa akin at ang masaklap, kamuntikan pang may maganap sa kauna-unahan. How did I manage that? Paano ko nahayaang mangyari iyon? With him staring down there with lips and fingers intertwined, I wonder if all happened without Pacquito’s interruption.
Bumubugso ang kabog ng puso ko ngayong naayos ko na ang sarili ko. Tumungo ako sa bedside table upang kunin ang tray ng kaniyang utensils, saka tumayo `di kalayuan sa pintuan. I then silently prayed na sana hayaan niya akong makalabas sa silid na ito at nang makahinga-hinga naman. I need to unwind for my sanity. Iiyak kung kinakailangan.
Dinig na dinig mula sa labas ang palitan ng diskusyon nina Pacquito at Kapitan Rael. Kalmado lang si Pacquito samantalang ang kapitan ay mababakasan ng galit sa tono. I can’t help but recall how his tone changed the moment he saw my n-akedness. For the lack of a better term, para siyang libog na li-bog na hindi na kakayanin pang makontrol ng kahit na sino. I had no choice but let him satisfy himself unless someone came out of the picture and hinder what was going to happen.
Mula sa pagkakayuko sa tangan kong tray, mabilis kong nai-angat ang mukha ko nang bumukas nang malakas ang pinto. Nakasimangot ang kapitan pero kaagad ding nawala nang magtama ang aming mga mata. Halatang pinipigilan kahit na galit. Ewan ko kung ayaw lang ba talaga niyang makita ko siyang nagkakaganito.
“I have an urgent meeting to attend, senyorita.” He sighed. Naglakad siya patungo sa akin saka yumuko upang nakawan ako ng halik sa pisngi. “Let’s continue later… in the middle of the night.”
Napalunok ako hanggang sa `di ko namalayang nagsisimula na naman sa panginginig ang mga daliri ko. He forced a lopsided grin and went to his closet for some accessories. I took it as a hint— na maaari na akong lumabas ng cabin niya at magpakita na lang ulit sa kaniya mamayang gabi para ituloy ang `di niya natapos kanina.
Without a saying a word, nagsimula akong maglakad nang mabagal upang lumabas. Patulo na sana ang luha ko nang makalagpas na ng pintuan ngunit nang bumungad sa aking pagliko ang matikas na pangangatawan ni Pacquito, napapikit na lamang ako nang mariin at humugot nang pagkalalim-lalim.
Hindi ko alam kung sa paanong paraan pa ako makahahanap ng kapal ng mukha upang makatingin nang maayos sa kaniya. Pagkatapos ng nasaksihan niya, `di ko na alam kung bakit hindi ako mahihiya.
Sinubukan kong mag-overtake sa kaniya habang dala ko ang tray pero gumilid din siya upang harangan pa ako. Isang subok pa ang ginawa ko para makalagpas ngunit pinigilan na naman niya ako. Sa sidhi ng pagnanais ko ay wala akong nagawa kundi mapatingin nang mata sa mata sa kaniya. At `di gaya kanina, mas nanlalamig na ito at tila wala ng bahid ng galit.
“Let me leave, please. Palapagpasin mo na ako bago pa tayo makita ng kapitan—”
“Ng boyfriend mo?” putol niya na ikinakunot ng noo ko. Suminghal ako at patuyang sumagot.
“Puwede ba Pacquito? Huwag ngayon.”
“Kakikita ko lang sa inyo. Huwag mo sabihing namalik-mata lang ako.”
“So ano sa’yo kung nagse-s*x kami? Ano sa’yo?”
Natahimik siya. Akala ko ay dahil sa sinabi ko pero dahil pala nasa likod ko na ang kapitan, nagmamadali sa lakad.
At talagang di pa nahiya ang malibog na kapitan. Harap-harapan pa talaga niya akong hinalikan sa pisngi saka lumagpas sa amin nang walang sabi-sabi.
“What the f**k?” bulong ni Pacquito at napa-cross arms. Kami na lang ulit dalawa ang narito sa quarterdeck dahil nakababa na sa hagdan ang kapitan. “And now you’re letting him kiss you?”
I bit my lip to help not burst in tears. Pero putang inang luhang `yan. Ginawa ko na ang lahat-lahat para mamaya na sana umiyak pero bakit ganito? Bakit napahikbi na lang ako?
Tumalikod ako kay Pacquito at naglakad patungo sa dulo ng quarterdeck. Tuloy-tuloy ang agos ng luha ko. Hindi mapigil-pigil habang dala ang pag-asa na sana makahanap ako ng daan patungo sa lower deck. Paano ba kasi maging matatag sa ganitong sitwasyon gayong ramdam kong helpless ako? I can’t even scream and yell for someone’s name dahil nakapailalim sa kapangyarihan ng mga pirata itong kinalulugaran ko.
Malapit na lang ay mauubos na ako. Ramdam ko na.
“Tang ina naman, nasaan ba ang daan?” padabog kong turan habang naluluha. Dead end na ng quarterdeck ang kaharap ko ngayon kaya kung gusto kong makabalik sa lower deck, ang tanging daan ay iyon pang hinaharangan ni Pacquito.
“Hindi mo sana mararating `to kung hindi mo ako iniiwasan—”
Pinutol ko ang linya ni Pacquito mula sa aking likuran. Humarap ako sa kaniya at buong gigil siyang sinagot. “Ano ba kasing gusto mong mangyari ha? Na ipamukhang talo ako sa deal natin? Na wala na akong pag-asang makawala sa barko ninyo? Oo na! Tanggap ko na!”
“Hinaan mo nga ang boses mo!” pabulong niyang asik. “Hindi sa lahat ng oras madadaan mo sa sigaw `yang galit mo. Nakakalimutan mo yata kung saan ka tumatapak ngayon?”
I wiped my tears, dahilan kung bakit isang kamay ko na lang ang nakahawak sa may kabigatang tray. Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ako kay Pacquito nang siya na ang magkusang kunin iyon mula sa akin.
“What happened, huh?”
“Bulag ka yata. Nakita mo naman siguro akong hubo’t hubad, `di ba?” garalgal kong sagot. Umigting ang kaniyang panga at umiwas ng tingin sa akin.
“May… may nangyari sa inyo?”
“Muntik na.”
“Fuck.”
“Eh ano ngayon sa’yo kung muntik na, ha? Ano kung hinalikan niya ako, hinipuan, nilantak—”
“Enough, Saiah. Don’t let me imagine what he did.”
Pinalis kong muli ang panibagong luha na akma sa pagbagsak. s**t. Bakit parang ang hina-hina ko na ngayong kaharap ko ang lalaking ito?
“Kung ayaw mong sabihin ko sa’yo, bakit mo pa tinatanong kung anong mga nangyari? Para saan pa?” bulalas ko.
He paused and stared at me. Saglit na nawala ang panlalamig sa ekspresyon niya at sandaling napintahan ng pag-aalala. Naalala ko tuloy iyong sinabi niya na nakababatang kapatid daw ang tingin niya sa akin. Hindi ko lang alam kung ganoon pa rin ba ang tingin niya gayong harap-harapan nang ipinapakita sa kaniya ng kapitan ang paghalik nito sa akin.
He uttered, “Gusto ko lang malaman kung… kung pinilit ka ba niya o ginusto mo.”
“Sa tingin mo ginusto ko `yon? Pagtapos ng lahat ng mga sinabi ko sa’yo tungkol sa mga kinakamuhi ko sa mga piratang tulad niyo?”
Another wave of tears burst out like lava. Putang ina talaga. Ang sarap dukutin ng mga matang ito.
“Nang halikan niya ako, walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang kaligtasan ko, ang pangarap ko para kay Nanay, at ang pangarap ko. Nang hipuan niya ako, iisa lang ang hiniling ko— na sana bumilis ang oras para matapos na ito.”
“Saiah…”
“I know what you’re thinking. Pero sana sumagi sa isip mo na mas mahal ko ang Nanay ko kaysa sa sarili ko.”
Inagaw kong muli ang tray sa kaniya. Hinayaan niya na rin akong lumagpas hanggang sa tuluyan ko nang tahakin ang daan pababa sa lower deck. Right now, wala akong ibang nais kundi ang mapag-isa. At kung may gusto man akong marinig sa kahit na sino; walang iba kundi katahimikan.
**
SUMAPIT ang gabi nang wala akong ibang ginagawa kundi magpahinga rito sa aking silid. Naghihintay na lang ako na tawagin ng kapitan para sa nais niyang mangyari. Nakaupo lang ako rito sa gilid ng kama at nakatulala sa madilim na bintana.
Nakasindi ang gasera. Hindi ko suot ang waist coat ko dahil maalinsangan. Sa ilang oras na wala akong ginagawa, I wonder if Pacquito needs my help. Pero ano ba kasing mukha ang maipapakita ko? Nahihiya na ako.
Rumagasa ang kaba sa dibdib ko nang may kumatok sa pinto. Humugot ako ng hingang malalim at akma na sanang pupunta roon upang pagbuksan. I was expecting Captain Rael or someone who’ll tell me to go upstairs. Ngunit nang bumungad si Pacquito na walang ka-emo-emosyon sa mukha, kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag.
“Kumain ka na,” malamig niyang sabi, hindi patanong.
“Busog ako,” pagsisinungaling ko dahil ang totoo’y kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom.
“Inuutusan kitang kumain kahit busog ka.”
“Pero si Kapitan. Baka hanapin na niya ako.”
“Saka mo na isipin `yon, kumain ka muna.”
“Paano kung—”
Hindi ko na iyon naipagpatuloy pa nang mag-cross arms siya. Napahawi na lang ako sa buhok ko saka naglakad palabas; patungong kusina.
Sa totoo lang, nahimasmasan na ako. Hindi pa rin naman ako naka-get over sa nangyari kanina pero kahit paano’y `di na gaanong mabigat ang loob ko. I just had to accept the fact that s-exual abuse is one of my fate in the hands of a pirate. Na kahit magsumigaw man ako, mananatiling pinal ang nais nilang mangyari.
Somehow, ang makitang concern si Pacquito ay nakagagaan ng loob. Ang malamang may pakialam siya sa mga nasaksihan kanina ay parang pagbunot na ng malalim na tinik sa lalamunan. Dahil kung wala siyang paki sa akin, baka hinayaan niya akong nangingisay sa gutom sa aking kwarto. Kung wala siyang pakialam, baka t-in-olerate pa niya ang ginawa ni Kapitan Rael sa akin.
Para siyang kuya ko.
And I have to thank him for letting me feel that.
Nang marating ko ang kusina, muntik pa akong mabuwal dahil sa pag-inog ng barko. Nakaka-adjust na ako sa bahagyang hilo dahil mas steady ito kumpara sa actual na paglalayag. Walang sabi-sabi akong umupo sa bakanteng upuan habang siya nama’y umupo sa aking tapat. Nakahanda na sa hapag ang aming makakain at halos manakam ako dahil isa ang sinigang sa mga gusto kong kainin sa oras na ito.
He started eating with that noisy clang of metal fork and spoon. Tinitigan ko siya sa maamong ekspresyon, hanggang sa mapansin niya akong nakamasid lang sa kaniya.
“Ano pang ginagawa mo? Kainin mo na `yan,” utos niya na para bang kuya ko. I suddenly felt jealous of Yaelo. Kaya siguro lumaki iyong mabait dahil sa naging impact din nitong kuya niya. Ano kayang feeling no’n?
Nanatili akong tahimik at walang ginagawa habang siya ay nagpatuloy sa pagsubo. But when he noticed me once again staring at him, muli siyang tumigil at inubos ang nginunguya.
“May dumi ba sa mukha ko?” tanong niya sabay usisa sa pisngi, noo, at mukha niya. Kumuha pa siya ng panyo sa bulsa saka pinunasan ang labi. “Bakit ka nakatitig sa akin?”
Hindi ko napigilang ngumiti. Kung kanina’y `di ko mapigilang umiyak nang kaharap siya, ngayon nama’y hindi ko makontrol ang `di maunawaang tuwa. May mental disorder na ba ako kaya ako nagkakaganito? Or am I just too overwhelmed between the worst and the best thing that ever happened to me in this pirate ship?
Pacquito got a vibe of a strict pirate, a strict mentor, but a strict brother. Noong una, `di ako naniniwalang may kabutihang nananahan sa kaniya ngunit nang masaksihan ko ang saglit na pag-aalala niya kanina, nilagpasan ko man ngunit nagawa ko pa ring ma-appreciate at balikan.
I’m so grateful that I had him here. And I thank God for letting Pacquito perceive me as his sister.
“Thank you, kuya…” naluluha kong wika nang pinipigil pa ang ngiti. Namilog ang bibig niya ngunit `di ko na iyon inalintana pa. “Thank you… thank you sa concern mo.”