Chapter 12

2211 Words
“Pakidala ng mga wine glass,” nagmamadaling utos ni Pacquito. Kailangan na namin bilisan sa pagkilos dahil tuluyan nang maliwanag sa labas. Hindi pa naman sumisikat ang araw. Saktong maliwanag lang para sa oras na alas sais. Tumungo ako sa pantry kung saan nakalagay ang tinutukoy niya. Halinhinan ang mga puwesto ng dadalhin namin doon at tingin ko, itong tray ng mga wine glass ang isa sa mga pinakamagagaan. “Saan? Sa quarter o sa main deck?” “Saan pa? Eh `di sa main kung saan sila kumakain.” “O-okay…” “Dalian mo dahil kanina pa naghihintay ang mga `yon.” Maingat kong binitbit ang tray at naglakad palabas ng kusina. Naiwan naman siya doon para ihanda iyong appetizer. Para siyang praning na hindi mapakali. Animo’y natatakot mapagalitan. Somehow, kahit naroon ang galit, nagawa ko ring maramdaman ang goal niya kung bakit kinailangan niyang magseryoso sa trabahong ito. He’s not just doing this for himself, for his own sake, and for his very need. Hindi man niya sabihin, nakikinita kong family-oriented siya. Tipong gagawin ang lahat para lang makakuha ng magandang sweldo at maipadala sa kung saan man naiwan ang umaasa sa kaniya. Ano kaya siyang klaseng tao kung `di niya sineseryoso itong pagiging pirata? Mabuti kaya siya? Mabait? I mean, walang mag-aakala kung ganoon nga talaga siya. Sino ba namang mag-aakala na may ibabait ang isang masungit at istrikto na gaya niya? Pagkalabas ng lower deck, laking ginhawa ko dahil nagawa kong dalhin itong tray ng mga wine glass nang `di aanga-anga. Dumiretso ako sa mismong main deck kung saan nakaupo na ang lahat ng mga pirata at naghihintay ng makakain. They are talking loudly to each other. Para lang akong multo o hangin na hindi nila napansin dahil patuloy lang sila sa kung ano mang usapan nila sa spanish. Bukod doon, napansin ko rin na wala sa kabisera ang kapitan. Nang subukan kong tuminala sa quarter deck, wala rin akong nakita. At this point, hindi ko naiwasang makaramdam ng gaan ng loob dahil nasa pantalan na kami ngayon ng kung ano mang islang ito. Hindi kalayuan itong mismong pinaglulutangan ng barko sa dalampasigan na walang katao-tao. Kanina noong una kong kita nito, sumagi sa isip ko ang lihim na tumalon, ang tumakas, o tumawag ng pulis. But then, alam kong wala ring saysay kung gagawin ko iyon. Kung makatakas ako at makapagsumbong, the risk of danger will be higher. Kahit sabihing nasa puder na ako ng pamilya ko, these pirates will do their best to hunt me and kill my whole family. Kaya anong magagawa ko? Wala ng ibang paraan kundi ang magpaalipin dito at hayaang matapos ang ipinapagawa sa akin dito. Kung makakaalis man ako rito, dapat ay `yong sigurado na wala silang tinatanim na sama ng loob sa akin. Ayaw kong may madamay. Mas gugustuhin kong ako ang maghirap kaysa idamay pa nila ang inosente at labas dito. Pagkababa ko sa lower deck partikular na sa kusina, sakto ang balik ko dahil natapos na ni Pacquito ang appetizer. Nakabalandra na sa lamesa ang mga tray ng pagkain na dadalhin doon ngunit kita ko sa ekspresyon niya ang matinding pagod. Bahagya ring pawisan ang kaniyang noo kahit malamig naman ang temperatura ng paligid. “Kaya mo pa?” mahinahon kong tanong. He nodded. “Kaya pa. Tulungan mo na lang akong magdala nito doon para matapos na.” “S-sige. Ako na rito sa pritong isda at appetizer.” Hinayaan niya akong kunin iyon. Muli akong lumabas ng kusina at iniwan siyang naghuhugas ng mga kamay sa lababo. Tiyak na susunod din siya dahil mismong trays ng Chilaquiles ang dadalhin niya. Hihintayin ko na lang siya doon sa itaas para alamin kung anong sunod naming gagawin. Pagbalik ko sa main, wala talagang pakialam ang mga pirata sa presensya ko. Seryoso lang silang nagkukwentuhan at animo’y walang nais palampasin na detalye sa bawat isa. Pito silang lahat sa pagkakabilang ko at sakto sa walong tao ang mga kubyertos na nakabalandra. Nasaan kaya ang kapitan? Nang maihain ko na ang dala ko, saka naman sumulpot sa likod ko si Pacquito. Pumuwesto ako sa gilid at pinanood kung paano nakipag-interact ang mga pirata sa kaniya. He is responding in spanish language at nakikipagtawanan din ang mga ito sa kaniya. But he’s serious. Kahit nakangiti ang mga ito ay stoic pa rin ang ekspresyon niya. Pagkatapos niyang ibalandra doon ang Chilaquiles, bumaling naman siya ngayon sa akin at naglakad palapit. Napalunok ako dahil mas sumeryoso siya ngayon. Mabigat ang aura. Parang galit kung tingnan. He stopped in front of me. Sa tangkad niya ay talagang napatingala ako. “B-bakit?” “Sinabi sa’kin ng mga piratang `yon ang bilin sa kanila ni Kapitan. Puntahan mo raw siya sa cabin niya sa quarter’s deck para sabihang handa na ang pagkain.” “N-ngayon na?” “Oo.” “O-okay—” “Pero `di kita hahayaang pumunta ro’n nang mag-isa. Sasamahan kita.” Hindi ako umangal doon. Sa pagsimula ng aming lakad ay pinili kong manahimik at parang batang kikimi-kime. Ewan ko pero sobrang intimidating ng ganito niyang side. Hindi naman siya ganito kanina. Bakit parang ang bigat na niya sa pakiramdam? Paghakbang namin sa hagdan ay `di ko napigilang magtanong. “Bakit sa’yo sinabi ng mga pirata ang bilin sa kanila? Bakit `di sa’kin?” He hissed, “Bakit, nakakaintindi ka ba ng espanyol?” Ngumuso ako. “Sabi ko nga…” “Purong mexican ang mga taong `yon. Sabihin man nating `di na baguhan sa paglalayag at sistema, `di sila gaya ko na mas sanay sa tagalog.” “Dapat tinuruan mo…” “Para ano?” “Para maintindihan nila ako... at mga pilipinong gaya ko.” Umiling siya. “Huwag na. Baka magkasala pa `yong mga `yon.” Gustuhin ko mang tumawa ay pinigilan ko dahil sa lala ng pagseseryoso niya. Magkasala? Ilang beses ko na bang pinaulit-ulit kanina na mga kriminal sila? God! Malinis talaga ang tingin nila sa mga sarili. Kailan kaya sila magigising sa katotohanan? “Bakit kailangan mo akong samahan? Nakarating na ako rito—” “Wala sa habilin na dapat ikaw lang ang mag-isang susundo sa kaniya. Gusto mo bang ikaw lang huh?” “Hindi sa gano’n. Naisip ko kasing pagod ka na at mas mainam kung magpahinga ka lang doon.” “I’ll do what I want. Wala kang ibang gagawin kundi susunod sa gusto ko.” Lihim akong bumulong habang sumasabay ng hakbang sa kaniya. “Tss, manipulative.” Huminto siya, dahilan kung bakit napahinto rin ako. Muli akong tumingala sa kaniya nang marahan niyang ibinaling ang tingin sa akin. “Anong sabi mo?” “H-ha? Wala ah—” “May sinabi ka… at narinig ko.” I sighed. “Kung narinig mo pala, eh bakit ipapaulit mo pa?” “So tama nga ang narinig kong manipulative ako? What do you want, then?” Umawang ang labi ko. Hindi ko siya maunawaan. Ngayong natanto niya mula sa akin na manipulative ang paraan ng pagkakasabi sa linya niya, bakit pa siya nagtatanong kung anong gusto ko? Bakit pa niya itatanong kung in the first place, hindi rin naman mangyayari? Parang tanga lang. “Mamaya na natin `yan pag-usapan. Akala ko ba susunduin natin ang kapitan?” “Tsk.” He rolled his eyes and continued to walk. Halatang iritado mula sa mga inasta ko. Ewan ko kung bakit parang ang lakas na lang ng loob kong magtaray at magpakita ng sama ng ugali sa kaniya. Kung sa ibang pirata ay takot na takot ako at parang tutang inaamo, sa kaniya ay parang… parang wala lang. Siyempre, may mga times na `di ko maiwasang mangamba dahil sumusobra. But he does nothing about it. Tila ba pinalalampas na lang. Unless kung maubusan ng pasensya, kaya dapat hinay-hinay lang. Nang marating na namin ang tapat ng saradong captain’s cabin, siya mismo ang tumapat sa pintuan samantalang ako ay nasa gilid niya lang. Masyado ang pagtingala ko na halos mangawit na talaga ako. Hindi ko ma-gets, kung siya na pala ang mag-insist na magsabi sa kapitan tungkol sa almusal, then ano pa ang silbi ko rito? “Ikaw ang magpapakita sa kapitan?” bulong ko sa kaniya kaya lumingon siya at yumuko sa akin. “Akala ko ba ako ang—” “Ako ang kakatok, ikaw ang magpapakita, mahirap ba intindihin?” “Ngayon mo lang sinabi `yan.” “Kahit na,” agap niya. “Napaka-isip bata naman. Eh `di sana ikaw na lang ang pumunta rito.” “Wow.” He crossed his arms and turned his full body in my direction. Napakurap-kurap ako lalo’t mas nagmukha akong langgam sa katangkaran niya. “Sinabi kong sasamahan kita pero `di ko sinabing hahayan kitang mag-isa sa cabin na `to—” “Pero ang sabi sa`yo ng mga pirata, ako lang—” “Tell me, bakit gusto mong ikaw na lang ang sumundo? Patay na patay ka na kay Kapitan? Hmm?” I literally dropped my jaw upon hearing that. He’s unbelievable… “Nagtalo na tayo tungkol dito, `di ba? Ayaw ko sa mga gaya niyang pirata. Mas gugustuhin ko pang ikasal sa pulubi’t mabantot kaysa—” “Then why are you acting like this? Bakit parang excited ka?” “Mukha ba akong excited sa lagay kong `to?” “Hindi ba? Huh?” “Pacquito… tantanan mo nga ako sa ganiyan.” “Remember where you stand, Saiah. Nasa pirate ship ka.” “So? Di ba’t alipin ka lang din naman dito? Pirata ka man pero alipin ka rin tulad ko.” “M-ierda,” paasik niyang bulong. Inirapan ko siya’t tinarayan lang doon kahit `di ko naman maintindihan kung ano ang kaniyang sinabi. Ano kayang kahulugan no’n sa spanish? Narinig ko na rin kasi iyon sa mga usapan nila noon. “M-ierda m-ierda... m-ierda mo mukha mo.” “Do you even know what it means? Be careful on what you’re saying. Huwag na huwag mo `yang sasabihin sa harap ng kapitan kung ayaw mo mapaslang nang wala sa oras.” At doon na ako natigilan. Siguro mura iyon. Pero grabe naman. Alam ko kung gaano sila kademonyo pero sa simpleng salita na iyon, malaki na ang posibilidad na makapaslang sila? What the heck? Gumilid siya, pumuwesto nang hindi mismo nakatapat sa pinto. Then, I took it as a sign na ako mismo ang tatapat sa pinto para kumatok at pumasok. Kinakabahan man ako sa posibleng mangyari pero bahala na. “Kakatok na ako,” monotono kong sambit kay Pacquito na tamad na tamad kung makatingin sa akin. Naka-cross arms pa rin siya at seryoso ang mga mata. Hindi siya sumagot kaya kumatok na ako nang tatlong beses. “Adelante,” baritonong tugon ng kapitan mula sa loob. Lumingon kaagad ako kay Pacquito nang nakakunot-noo. “Anong ibig sabihin no’n?” “Pumasok ka raw.” “Oh? Okay.” Hindi na ako nagdalawang isip pa. Sinubukan kong pihitin ang door knob pero `di ko mapihit. Ano mang ikot ang gawin ko rito, para bang sira at hindi magawang buksan nang maayos. “Pacquito, ikaw nga. Ang hirap pihitin.” “Tss. Sabi ko sa’yo eh. Tabi.” Gumilid ako gaya ng utos niya. Nang siya naman ang pumihit no’n, namangha agad ako dahil walang kahirap-hirap niya iyong nabuksan. Akma na sana akong maglalakad papasok ng bukas na pinto pero nang nakasilip siya roon sa loob, bigla niya akong itinulak at isinara nang marahas ang pinto. Nagulat ako bigla sa ginawa niya. Sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin ay muntik na akong matumba! “Tang ina, huwag ka munang papasok,” naiinis niyang sabi sa akin nang napapalunok-lunok. Literal na umaalon ang kaniyang lalagukan. “Ano? Bakit hindi eh pinapapasok na ako?” “Lokong kapitan `yon, nagbibihis pa siya sa tapat ng closet niya, hubo’t hubad. Gusto mo bang makita?” I parted my lips. Oh… kaya pala. Kung ako ang makakakita no’n, siguradong lalabas din agad ako at mapapasara ng pinto. “Walang`ya…” mura pa niya sabay hilamos ng mukha. “Eh ba’t ka galit?” “`Di ako galit.” “Galit ka.” “Sabi ngang hindi.” “Pero kitang kita na—” “Ako’y huwag mo ngang inisin, pwede ba? Masyado ka pang bata para makakita ng ahas.” “Eh `di galit ka nga.” Again, he rolled his eyes. Ang gulo rin talaga ng taong ito eh. Dine-deny pa pero halata naman. He groaned. “May babae akong kapatid kaya naiintindihan ko ang sarili ko.” Natigilan ako. Sa pagkakataong ito ay naitikom ko ang labi ko. Looking at his expression now, particularly at his eyes welled by wrath, I can now a see brother figure in him. Shit. He’s still a pirate! Bakit ako mamamangha? Nang marinig ang sumunod niyang sinabi, doon ako lalo nawalan ng salita upang masambit. Lalo akong natulala. “Kaya ano sa tingin mo ang mararamdaman ng kuya mo kung malalaman niyang… nararanasan mo `to, huh? Dahil kung ako ang kuya mo, `di bale nang mahirapan ka sa mga tinuturo kong gawaing bahay, huwag lang makasaksi ng imoralidad sa s*x, Saiah.” Huminto siya at suminghap. “Alam mo `yan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD