Chapter 11

2251 Words
Iyak lang ako nang iyak sa isang gilid habang siya ay kanina pa kumikilos upang maghanda ng umagahan. Hinahayaan niya lang ako ngumawa at damhin kung ano ang iniiyak ko. Mag-isa lang siyang kumikilos nang hindi na ako sinuway pa’t sinabihan ng kung ano-ano.   Ayaw ko mang aminin sa sarili ko, pakiramdam ko’y naunawaan ako ni Pacquito. Ngunit sa kabila nito, hindi ko masasabi kung iyon lang dahil nakasisiguro akong nairita siya sa sinabi ko. Mismong sa akin na nanggaling kung gaano kasama ang tingin ko sa mga gaya niya. At mariin pa ang tanggi ko sa kalinisan ng reputasyon nila. Bakit, iyon naman talaga ang totoo `di ba? Mismong mata ko na ang nakakita kung gaano sila kalupit sa kapwa nila tao. Hindi pa nakuntento dahil patuloy pa rin nilang ginagawa ito.   Nang mahimasmasan ako, pinatuyo ko lang ang mga mata ko at sinigurong wala ng bakas ng luha bago ako humarap sa kaniya. The moment I looked at him, I saw how his eyes managed to meet my gaze. I could see his worry. Pero kaagad din niyang iniwas ang tingin sa akin. Itinutok niya ang kaniyang mga mata sa kawaling pinagpiprituhan niya ng isda.   “Ano, tapos ka na umiyak?” he asked coldly. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatayo rito sa sulok, na ilang hakbang lang sa bintana at pinto. “Kung `di ka pa tapos, may isang oras ka pa umiyak. Sulitin mo na hangga’t nasa labas pa ang mga pirata.”   And now, he’s confirming that he tolerates this. Magmumukha lang din naman akong tanga kung iiyak pa ulit ako pero parang wala lang epekto sa kaniya.   “Tutulong ako,” tugon ko sa monotonong boses.   “Oh? `Di ba’t nasasaktan ka? Umiyak ka muna.”   “Hindi na ako naiiyak, Pacquito.”   “Tss.. siguraduhin mo lang.”   “Umiyak man ako, wala ring epekto sa`yo kaya anong sense?”   “Kung ‘kwenta’ ang tinatanong mo, pwes malaking tulong sa`yo ang pag-iyak na `yan. Mas gugustuhin ko iyon kaysa makatrabaho kang wala sa ayos ang atensyon.”   I cleared my throat. “Ano ba, hahayaan mo ba akong tumulong o hindi?”   “Obligasyon mo `to kaya huwag mo `yang ikonsidera bilang pagtulong. Naririnig mo ba ang sarili mo?”   Nanliit ako bigla. Aminadong na-down but I have to face this. Kung iiyak lang din ulit ako, magmumukha akong mahina. Magmumukha akong tanga’t bata at isa iyon sa mga ayaw kong isipin niya.   Sa totoo lang, pinalaki akong matapang. Pinalaki ako nina Lola at Nanay nang tinuturuan kung paano lumaban sa mental na paraan. Hindi ko malilimutan iyong payo nila na mas masakit ang dating ng isang bagay kung hindi dinadaan sa pisikal. Makakapaghiganti raw ako nang higit kung idadaan ko sa pananalita, tingin, at hindi pagkibo.   Ngayong hindi na nila ako nakikita habang pinahiharapan ako sa katawan ng karagatan, mas nakita ko ang kahalagahan ng mga itinuro nila sa akin. Mas natanto ko kung gaano kahalaga iyong mga payo na sana, mas sineryoso ko noong sinasabi nila’t pinapaalala.   “Baka iiyak ka na naman. Ang hina mo,” rinig ko na namang puna ni Pacquito habang nagpiprito. Sa inis ko ay hindi ko na napigilang humakbang at lumapit sa kaniya. Ipinuwesto ko ang sarili ko sa gilid niya saka tuloy-tuloy na nagsalita.   “Hindi ako mahina, Pacquito. Sadyang masakit ka lang magsalita!”   “Oh really?” patuya niyang sabi sabay baliktad sa piniprito niyang isda. Nakita kong malalaki iyon at lagpas lima ang bilang. “Kahit gaano man ako kasakit magsalita, kung talagang malakas ka, hindi ka iiyak.”   “Ang babaw naman ng sukatan mo. Bakit, ni minsan ba sa buhay mo hindi ka naiyak?”   Umiling siya na hindi ko pinaniwalaan.   “Imposible… ikaw na ang nagsabing umiyak ako para mawala ang bagabag at bigat sa loob ko. Alam mo ang feeling kaya nagawa mo na—”   “You talk to me as if you’re my close friend.”   “Eh anong gusto mo?”   “Hindi ka ba natatakot? Puwede akong gumawa ng paraan para sirain ka rito.”   “Eh `di gawin mo! Puro ka lang salitang pirata ka.”   “Tss. Por que alam mong may gusto sa`yo ang kapitan, lakas ng loob mo.”   I parted my lips in awe. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya titigil sa pagsabi na may gusto sa akin ang kapitan. Hinding hindi iyon kailanman mangyayari. Sa estado pa lang at klase ng pagtingin nila sa akin, mas malabo pa iyon sa maruming imahe ng tubig.   “Praning ka. Kahit na may gusto nga talaga sa akin ang kapitan, hinding hindi ko iyon papatulan—”   “At bakit hindi? He’s Rael Viendijo... He’s one of the most competent and decorated captains hailed in Caribbean. Hindi basta-basta ang yaman na mayroon siya. Kaya niyang buhayin kahit buong Pilipinas pa.”   “Not in your wildest dreams,” I answered. “Diyos man ang turing niyo sa kaniya, demonyo pa rin ang tingin ko sa mga pirata.”   “Ilang beses mo na bang sinasabi `yan? Nakakarindi. Paulit-ulit—”   “Hindi ba’t ikaw ang paulit-ulit? Panay ka banggit na may gusto ang kapitang iyon sa akin kahit hindi mo pa naman nakukumpirma.”   Mula sa kaniyang niluluto, marahan niyang inilingon ang direksyon niya sa akin. Patuya ang kaniyang tingin at animo’y nanghahamon.   “Paano kung mapatunayan kong totoo? Hmm?”   Umismid ako. “Kahit na hamunin mo ako, imposible ang sinasabi mo, Pacquito.”   “Pero pa’no kung tama ako?”   Hindi ako nakasagot. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Ano bang nais niyang mangyari?   “Ewan ko sa’yo—”   “Let’s have a deal then. Kung mapapatunayan kong totoo na may gusto siya sa`yo, mananatili ka rito at magtatagal bilang alipin. Pero kung wala siyang gusto at ikaw ang lalabas na tama, ako ang gagawa ng paraan para maibalik ka sa pamilya mo. Oh ano, deal?”   In this very moment, literal akong nabuhayan ng dugo kasabay ang pag-ahon ng pag-asa na makakauwi na ako. God! This is it! Kung papayag ako sa deal na ito, sa wakas ay makakauwi na rin ako!   “Deal! Of course. Iyan lang ba?” mayabang at pigil ang ngiti kong sabi. Binalik muli niya ang pansin sa piniprito saka hinango sa isang plato.   “You seemed confident kahit na alam mong ikaw ang talo,” he uttered. Sinagot ko agad iyon.   “Confident ako dahil suntok sa buwan ang hinala mo. Talaga bang buo ang tiwala mo na may gusto sa’kin ang kapitang iyon?”   “I told you already. Huwag kang unli.”   I rolled my eyes. Ang sungit talaga.   “Oh ito, ikaw naman ang magprito nitong natitira para naman matuto ka,” aniya sabay abot sa akin ng plato ng isda na hindi pa naluluto. Nahiwa na iyon at nabudburan ng asin.   “Pero `di ako—”   “Matuto o magprito? Ano, mamili ka.”   “Pacquito naman…” dismayado kong bulong nang walang nagawa pagkatapos kunin ang plato. Nagsimulang mag-alburuto ang puso ko sa kaba nang marinig ang pagpitik ng mantika sa kawali. “Uh… anong una kong gagawin?”   Wala gana siyang sumagot. “Hawakan mo ang isda at ilaglag diyan sa mainit na mantika. Mag-ingat ka lang dahil baka matalsikan ka.”   “Paano kung matalsikan ako?”   “Kaya nga mag-ingat `di ba? Anong klaseng tanong ba `yan?”   “O-okay… basta huwag kang aalis sa tabi ko.”   “Oo, gagabayan kita. `Di ako aalis,” he answered. Sa puntong ito ay suminghap muna ako bago hawakan nang buo ang isang isda, saka inilaglag sa mantika.   “Aaa! Oh my God! Pacquito!” sunod-sunod kong sigaw nang malakas. Sinong hindi magugulat gayong nagwala sa ingay ang mantika? Natalsikan pa ako kaya `di ko napigilang umatras. Ganoon din ang ginawa niya at ngayo’y tila hindi makapaniwala sa naging reaksyon ko.   “What the… paanong `di ka tatalsikan eh hinagis mo?”   “Anong hinagis? Maayos ang pagkakalagay ko!”   “Tss. Tinatanggi mo pa kasi. Ayusin mo nga. Ilagay mo na ang isa dali.”   Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Gusto ko na talagang magpalamon sa lupa dahil sa takot na dinudulot nito sa akin. Hindi man kasi ako sinasaktan, pakiramdam ko ay tino-torture na ako sa pagpipritong ito. Nagiging mandirigma ako nang wala sa oras. Daig ko pa ang may hawak ng shield at espada.   Siya ang unang bumalik sa maingay na kawali kaya sumunod na ako. Nanginginig kong kinuha ang isa pang hilaw na isda saka ambang ilalaglag sa mantika. But then, hinuli ni Pacquito ang aking kamay at inagaw sa akin ang isda. Ipinakita niya kung paano ko dapat iyon gawin, dahilan kung bakit hindi iyon tumalsik `di gaya ng nangyari kanina.   “Ikaw naman. Gayahin mo lang ang ginawa ko at huwag mag-panic. Natural lang kasi matalsikan.”   I took a deep breath. Pagkapulot ko ng isa’t sabay lipat sa kawali, ganoon na lang ang tuwa ko dahil naging kalmado ang lahat. Walang talsik ng mainit na mantika. Walang paglala ng ingay. Para akong bata na natutong humakbang at maglakad!   “Oh my God! Nagawa ko!”   “See? Madali lang. Isunod mo na `yang natitira at baliktarin na ang nauna.”   Excited kong sinunod ang mga sinabi niya. Walang kahirap-hirap ko iyong na-execute nang sumisinghap sa bawat success na nagagawa. I can’t help but be proud of myself dahil kahit sabihing maliit na achievement lang ito, ang achievement ay mananatili pa ring achievement!   “A-anong susunod?”   “Hintay lang tayo ng five minutes bago mo baliktarin `yang natitira. Lagi mo ring tandaan na dapat ganyan lang kahina ang apoy. Kung hindi, sunog ang aabutin mo riyan…”   “I see. Anong ituturo mo sa`kin pagtapos naman nito?”   Matagal bago siya nakasagot. Animo’y pinag-aaralan ako.   “Mukha yatang determinado kang matuto? Hmm?”   “Malamang…”   “Magpapakitang gilas ka lang yata kay Kapitan `pag natuto ka na—”   “Pwede ba Pacquito, tama na `yang pagpupumilit mo na totoo ang hinala mong may gusto ang kapitan sa’kin. Kahit hari pa ninyo ang magkagusto, hinding hindi ako papatol sa isang pirata.”   Para siyang asong natigilan. Akma na sana sa pagtahol pero tila ba nanghina. Ewan ko kung nagmalik-mata ako dahil medyo madilim pero parang ganoon nga ang naging response niya.   “Sigurado ka?” mas seryoso niyang tanong. “Kahit kailan ay hindi?”   “Paulit-ulit na lang tayo. Bakit hindi mo na lang sabihin kung anong susunod mong ituturo sa akin?”   Nagkibit-balikat siya. “Fine.” Huminto siya upang bumaling saglit sa bintana. Tumingin din ako roon at napansing medyo nagliliwanag na sa labas. “Pero wala ng oras para turuan ka. Babagal lang tayo lalo’t sasapit na ang oras ng almusal.”   “Anong gagawin ko?”   “Panoorin mo na lang ako.”   “Manood lang?”   “Kulang tayo sa oras. Pagagalitan lang tayo pareho kung mauudlot ang almusal nila.”   Wala akong nagawa roon. Maarte pa naman ako `pag tinuturuan.   Sa mga sumunod na minuto, hinayaan niyang ako ang magbaliktad ng mga isda. Ako na rin ang humango at naglipat nito sa panibagong plato. Pagtapos nito, inutusan niya akong hugasan ang kawali para sa susunod niyang lulutuin. Aniya, Chilaquiles daw ang pangalan ng recipe. Isa raw itong Mexican dish na sikat kainin bilang umagahan.   Pagkatapos kong hugasan nang mabuti ang kawali, umupo ako sa kabisera at pinagmasdan siyang maghanda ng ingredients. Naglabas siya ng cheese mula sa mini cabinet saka naghiwa ng cilantro, red onion, at avocado. Mabilis siyang kumilos kaya `di ko masundan. Para siyang professional chef na alam ang bawat gagawin.   “Teka, tortillas `yan ah?” puna ko nang makita ang pack ng junk food. Ibinuhos niya iyon sa kawaling pinainitan na ng mantika.   He nodded without looking at me. “Ito ang `di dapat mawala.”   “Pwedeng bang humingi?”   “Nito?” tanong niya sabay lingon. Pagkatango ko ay hinagis niya ang isang pack na may kalakihan. Agad akong nagpasalamat dahil ilang araw na rin mula nang makakain ako ng junk food.   Para akong nanonood ng sine sa mga sumunod na takbo habang ngumangata ng tortillas. I watched how he fried the tortillas in the pan, and how he sprinkled a little salt on it. Afterwards, he focused on heating the red orange salsa. He then turned over the pieces of tortilla and added the remaining ingredients until they are all well coated with red sauce. Kahit medyo nagmamadali, maning mani niya lang ang pagluluto nang hindi pinagpapawisan. Hiyang hiya ako dahil ako pa itong babae pero ako rin itong walang kaalam-alam sa kusina.   “Alam mo, kahit pirata ka, masasabi kong swerte ang asawa mo,” sabi ko pagkatapos malulon ang junk foods na aking nginunguya. Naghihintay siyang maluto ang putahe nang hawak ang sandok at nakaharap sa akin.   He raised his brows.   “You mean, ang magiging asawa ko?” Naka-emphasize ang salitang ‘magiging’ kaya binago ko ang term ko.   “Ang girlfriend mo.”   He shook his head. “Wala akong girlfriend.”   “Sus, sinong pinaglololoko mo?”   Tamad niya akong tiningnan at sinagot sa monotonong boses. “Maniwala ka na lang. Dami pang dada.”   Umawang ang labi ko dahil sa pagkakataong ito ay tinalikuran niya ako. Sa halip na makipagtalo pa ay nag-focus na lang siya sa pagluluto ng Chilaquiles samantalang ako ay tahimik lang na nakatitig sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD