Chapter 10

2204 Words
Kinaumagahan, hindi pa man sumisikat ang araw, kinatok na ako ni Pacquito sa cabin. Halos `di ko magawang imulat ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. I do not use to wake this early. Wala mang orasan pero sa tantya ko ay nasa alas tres pa lang ng madaling araw. “Nasa pantalan na ang barko kaya kailangan na nating kumilos. Tulungan mo ako sa kusina,” aniya sabay alis sa pinto. Siya na rin pala ang nagsindi ng gasera upang lumiwanag ang buong silid. Umupo ako sa kama at inayos ang buhok ko. Pinulot ko ang itim na bandana saka ibinalot sa aking ulo. Rinig na rinig ko hanggang dito ang hampas ng mga alon sa labas. Bahagyang ring gumegewang ang sinasakyan kaya minsa’y na-a-out-of-balance. Sinuot ko rin ang doublet, ang waistcoat, at ang boots na siyang suot ko rin kahapon. Hindi man gaanong kumportable dahil sa luwag ng brief na suot ko, unti-unti ko na lang din nakasanayan dahil maghapon ko rin itong suot kahapon. Tahimik akong lumabas ng cabin nang masiguro kong okay na ang suot ko. May nakasasalubong pa akong trabahador at iilan lang talaga ang dumadapo ng tingin sa akin. Aligaga sila at nagmamadali. Animo’y sumusunod sa isang urgent na utos. “Anong gagawin, Pacquito?” tanong ko sa kaniya nang marating ko ang kusina. Nakatayo siya ngayon sa gilid ng lababo at may hawak na mug. Kagaya ko, hindi rin nagbago ang suot niya. I wonder kung anong oras itong naliligo. “Para sa’yo `yan,” aniya sabay turo sa tasang nag-iisa sa hapag. Umaasa lang kami sa liwanag na hatid ng dalawang gasera na kahit paano’y sapat naman upang makita ang kabuuan ng kusina. “Magkape ka muna.” “Oh? S-salamat…” Nahihiya man ay marahan akong tumungo roon at umupo. Pinulot ko ang tasa at tinikman ang kapeng laman nito. Hindi ko inaasahan ang pait na lalatay sa lalamunan ko nang matikman ko na ito. I mean, kulang sa asukal! “A-ang p-pait,” puna ko sabay lapag ng tasa. Agad ko siyang tiningnan nang masama. “Malamang, kape nga `di ba?” “Hindi ba pwedeng dagdagan ito ng asukal?” Umiling siya. “Lalo ka lang aantukin niyan kung dadagdagan pa ng tamis.” “Pero mas gumigising ang diwa ko kapag satisfied ako sa kino-consume ko.” He rolled his eyes, tila wala ring nagawa sa iginigiit ko. “Fine. Lagyan mo na.” I smiled a bit. Tumayo ako at lumapit sa pantry kung nasaan ang asukal. Isang kutsara ang sinalok ko at idinagdag sa kape. Pagkatakim ay doon pa lang ako naginhawaan. “Ang bitter mo magtimpla ng kape ah. Bitter ka ba sa buhay mo?” baling ko sa kaniya pagkabalik ko sa hapag. Sa puntong ito ay sinimsim niya muna ang kape niya bago ako sagutin. “Kung makatanong ka parang hindi pirata ang kausap mo ah?” I pouted. Ang aga-aga nagsusungit na naman. “Eh `di sorry…” “Tss. Huwag na huwag kang gaganyan sa harap ng kapitan. Imbes na magugustuhan ka n’on, baka ma-turn off lang at ipatapon ka pa.” Nagsalubong ang kilay ko. Ayan na naman siya. “Hindi nga sabi ako gusto no’n. Naririnig mo ba ang sarili mo?” “Matagal ko nang kasama `yon kaya kilalang kilala ko na, Saiah. The way he looks at you, treats you, and speaks to you… are things I’ve never seen before. Sayo lang `yon nagkaganyan. Sayo lang.” Umiling ako. “Ano mang paliwanag ang sambitin mo, malabong sabihin para mapatunayang totoo `yon.” “Eh `di huwag. Hindi naman kita pinipilit maniwala.” Nangilabot na naman ako. Sa iisiping bihag ako, alipin, at katulong dito, hinding hindi ko mauunawaan kung bakit magkakagusto nga sa akin ang kapitan. I mean, kung iyong trabahor nga ay parang mababa ang tingin sa akin, siya pa kaya na isang kapitan? Saka hindi ko iyon dapat ikatuwa. Hindi iyon dapat maging dahilan upang magdiwang. Sinong tao ang kikiligin kapag nagkagusto sa kaniya ang demonyo? Iniyuko ko na lang ang tingin ko at itinuon ang atensyon sa pagsimsim ng kape. Gayunpaman, pinapakiramdaman ko pa rin si Pacquito na ngayon ay nakasandal pa rin sa lababo at nasa akin nakatingin. He stayed silent as we hear the sound of crashing waves from afar. Kung lagi akong required na bumangon nang ganito kaaga, I don’t think I can do it consistently. Nang maubos ko na ang kape ay saka pa lang ako tumayo. Tiim-bagang kong tinahak ang lababo at hinugasan na agad ang tasa. Isinama ko na rin ang tasa ni Pacquito na halos kagagamit pa lang niya. “Anong gagawin natin?” baling ko sa kaniya nang matapos na ako. Nasa pantry naman siya ngayon nakapat at naghahanda na ng mga kubyertos na gagamitin. “Gagawa tayo ng alak.” Ikinakunot ng noo ko ang sagot niyang `yon. “Alak? Para saan?” “Tss, para sa mga kasamahan kong pirata, siyempre.” “Pero bakit ganito kaaga? Iinumin ba agad nila?” Bumaling siya sa akin nang namamangha ang tingin. “Tao ka ba talaga? Hindi basta-basta ang alak, Saiah. Iniimbak pa muna `yon bago i-serve. Mas matagal, mas masarap.” Nahiya ako bigla. Napasadahan naman namin iyon sa school noon pero bakit `di man lang sumagi sa isip ko ngayon? Jusko, Saiah… sabog na sabog ka na. Hindi muna ako umimik. Pinagmasdan ko muna kung anong ginagawa niya, partikular na sa kung ano ang mga ingredients na pinagkukukuha niya sa mini cabinet sa ibaba. Kumuha rin siya ng embudo, mataas na baso, at ilang aparato na hindi ako aware kung anong pangalan. Bagong bago sa akin ang mga kagamitan nila. Siguradong ilang araw pa muna ang bubunuin ko bago ko ma-master ang mga gawain dito. Huminto siya at lumingon sa akin. Ganoon na lang ang pagkamangha ko nang makitang `di na siya nakasimangot. Walang ibang emosyon kundi natural lang iyong ekspresyon. Hindi ko alam pero, para sa’kin, mas kahindik-hindik ang naging first impression ko sa kaniya kung ikukumpara sa ibang mga pirata. Prominente kasi ang pagkabigotilyo at sobrang mature tingnan. “Tara dito,” wika niya sabay tango nang isang beses. `Di hamak na mas malalim ang boses na iyon kung ikukumpara sa paraan ng pananalita niya sa akin kanina at nitong nakalipas. Nanibago ako nang kaunti dahil ngayon ko lang napansin na may side pala siyang ganito. Mas seryoso na siya at talagang focused sa ituturo sa akin. Lumapit ako at pumwesto sa tabi niya. Humalimuyak ang panlalaki niyang pabango na mas maaamoy pala sa malapitan. Ganitong ganito rin ang naamoy ko sa kaniya kahapon. Though nasa iisang barko lang kaming lahat, tila iba ang pabangong ginagamit niya kung ikukumpara sa ginagamit ni Yaelo. “Uh, anong gagawin?” “Una, iisa-isahin ko muna `tong mga sangkap. Hindi dapat mawawala `tong rum, sugar cubes, cinnamon, at nutmeg.” Naalala ko ang mga ingredients na `yan sa Bumboo na inihatid ko sa hapag ng pagpupulong kahapon. So kung `di ako nagkakamali, lahat ng alak na mayroon dito ay si Pacquito ang may gawa? Kumuha siya ng kubyertos, partikular na ang maliit na banga kung saan niya inisa-isa ang mga sangkap. Mariin niyang ipinaalala sa akin kung gaano karami ang mga ilalagay ko at kung ano ang mga dapat isaalang-alang. Pilit ko na lang tinatandaan sa tuwing sasambit siya ng instruction. “Tradisyon namin `tong mga pirata. Malaki ang gampanin nito lalo na sa mahahalagang okasyon. Pero may isa kang dapat na tandaan sa tuwing ititimpla mo `to. Iwaksi mo lahat ng bagabag sa puso mo. Maging kalmado ka, seryoso, at pawiin kung ano man ang dinadala mo sa kaloob-looban mo.” I nodded like a child. Muli akong namangha ngunit nagtaka kung anong kinalaman ng emosyon sa paggawa ng alak. I mean, anong magiging problema kung sakto naman ang pagkakatimpla ng mga sangkap? Anong magiging epekto kung kunwari’y hindi naging kalmado pero sakto naman ang pagkakagawa? Hindi ko na ito naitanong sa kaniya. Sa halip ay nanahimik ako at pinag-aralan ang sumunod niyang ginawa. Pumikit siya saka huminga nang malalim. Ilang minuto niya itong ginawa hanggang sa imulat niya ang mga mata at takpan na ang banga kung saan niya itinimpla ang alak. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na nakayanan pang tiisin ang kuryosidad ko. “Anong ginawa mo, bakit ka pumikit nang matagal bago mo takpan `yan?” Bago niya sagutin ang tanong ko, binuksan niya nang malawak ang cabinet. Saka niya binuhat ang banga upang ipasok iyon doon. “Parte iyon ng pirate tradition, Saiah. Bago takpan ang banga, uusal muna ng dasal.” “Huh? Nagdadasal pala kayo?” Sumimangot siya at tumayo nang maayos. Itinuwid niya ang kaniyang tindig nang nakaharap sa akin, dahilan kung bakit mas napatingala ako. Goodness. Napakatangkad naman nito. Hanggang leeg lang ako. “Anong tingin mo sa’min, demonyo?” Now, he sounds offended. Niyakap na lang ako bigla ng takot. s**t, bakit ko ba kasi natanong iyon? “S-sorry. Hindi gano’n ang tingin ko sa inyo, Pacquito,” pagsisinungaling ko. Kung gagatungan ko lang kasi ang lihim na galit ko sa kanila, baka isumbong pa niya ako sa kapitan at ibalik ng tuluyan sa mga salbahe. Ang hirap naman maging parte ng sitwasyong ito. Tipong kahit na ayaw ko sa kanila, mapipilitan akong pumanig at magkunwaring pabor na pabor sa mga gawain nila. “You asked me with that question. Ibig lang sabihin, iniisip mong hindi kami marunog magdasal.” Suminghap ako at lihim na kinuyom ang isang kamao. Sana hindi niya nakikita’t napapansin kung gaano ako kariin magpigil ngayon. Pinipilit kong itago habang hindi pa ako napupuno. Pinili kong manahimik. Kung magsasalita lang ako, baka lalo lang lalala ang sitwasyon. He continued, “Gaya mo, may Diyos din kaming pinaniniwalaan kaya sana, huwag maging malala ang tingin mo—” “Okay,” pagputol ko sa sinasabi niya. Eh ano ba kasing sense? Ano pang silbi kung kasinungalingan lang naman ang mga isusunod niya? I’ve seen a lot. Kung may naniniwala man sa kanila sa totoong Diyos, si Yaelo lang iyon at wala ng iba. Their actions simply don’t reflect. Taliwas na taliwas sa ipinag-uutos ang kanilang gawain. Mga magnanakaw. Mamamatay tao. Mga kriminal na halatang `di marunong magsisi sa mga kasalanang pinaggagagawa. Duda nga rin ako na may konsensya sila. Duda ako na magagawa pa nilang magbagong buhay at mabuhay nang disente. “Nababasa ko ang galit sa mga mata mo, Saiah. Huwag kang sinungaling.” Oh, hindi lang sila mamamatay tao at magnanakaw. Natural din palang manloloko’t sinungaling. “H-hindi ah—” “Just tell what you feel. Anong tingin mo sa’min?” I don’t get his logic. Anong saysay kung bakit ipinagpipilitan niyang pag-usapan `to? “Kung sasabihin ko, palalayasin mo lang ako.” He rolled his eyes. “See. May kinikimkim ka. Hindi ka maaaring gumawa ng alak.” “Fine!” sigaw ko sabay talikod sa kaniya. This time ay hindi ko na nagawa pang kontrolin ang emosyon ko. Napuno na lang ako habang nanumbalik sa isip lahat ng mga paghihirap na aking dinanas. Kung hindi dahil sa mga gaya niyang pirata, eh `di sana payapa akong nabubuhay ngayon. Kung `di dahil sa mga katarantaduhan nila, sana ay masaya ako sa piling ng pamilya ko! `Tang ina lang. Matapos lahat ng iyon ay umaasa silang hindi masama ang tingin ko sa kanila? Ang tatapang naman ng mga apog nila? Nakaka-isang hakbang pa lang ako ay nahuli na niya ang palapulsuhan ko. Pinilit kong magpumiglas pero sa lakas niya ay hindi ko nagawang kumawala. “Hindi ka aalis sa tabi ko hangga’t `di mo `yan iniiyak. Anong problema mo, hmm?” “Bitiwan mo ako Pacquito. Katulong niyo ako rito kaya dapat mandiri ka—” “Pirata man ako pero katulong din ang turing sa`kin dito. `Di mo ba nakikita?” “So ano? Anong point mo? Katulong ka man at utusan gaya ko, hindi pa rin mabubura ang katotohanang pirata ka at demonyo kayo sa karagatan!” Pagkasigaw ko nito, kusang nagsitulo ang mga luha ko. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking pulso hanggang sa mabitawan na niya ako. Hindi ko alam. Bumigat na lang bigla at `di na nakayanan ng puso ko. “Alam mo ba kung gaano kahirap sa’kin `to? Inagaw niyo ako sa pamilya ko. Inilayo niyo ako sa lugar kung saan ako dapat ngayon. Tapos ano? Aasa kang maganda ang reputasyon niyo?” “Saiah… you can cry and tell what you want. But please, hinaan mo ang boses mo—” “Tang ina niyo. Namumuro na kayo… Kung gusto niyo gumanda ang imahe niyo, ibalik niyo na ako sa amin…” Pumikit ako at pinalis ang basang mga mata. At kasabay ng pagpikit, binaha ako ng masasayang ala-ala na siya kong nabuo noong nasa puder pa ako ng aking pamilya. Paano ko mapipigilan `to gayong mas nasanay akong lumaban nang kasama sila? Hindi ko maitatanggi na isa ito sa pinakamahihirap dahil higit pa ako sa binagsakan ng langit. Sobrang hirap. Sobrang sakit. Nay, miss na miss ko na kayo… Gustong gusto ko na umuwi. Hanggang kailan ba ako magiging bihag dito? Kailan ba ako ibabalik ng mga piratang ito sa inyo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD