Chapter 09

2225 Words
“Naayos mo na?” tanong ni Pacquito nang makabalik na ako ng kusina. Halos `di pa ako maka-move mula sa nasaksihan ko sa quarterdeck. Hinding hindi ako magkakamali sa nakita ko. I really saw how that Captain stared at me as I did my chores. `Di ko man siya napansin noong una, maaaring matagal na niya akong pinagmamasdan bago ko pa siya nahuli. Wala ba siyang ibang puwedeng pagkaabalahan noong mga sandaling iyon? Nagmamadali na si Pacquito nang maabutan ko rito. Nakalatag na sa hapag ang mga mangkok at isa-isa na niyang pinupunan ng sinigang. Nang sabihin ko sa kaniya na naayos ko na ang mga kubyertos sa mismong lugar ng pagpupulong ay saka niya ako inutusang dalhin na rin doon ang wine glass. Sa dami nito ay babalikan ko na lang ang alak na bumbo kung tawagin ng mga pirata. Gawa ito sa rum, tubig, asukal, nutmeg, at cinnamon. Iyon kasi ang nabasa ko sa ingredients nito. Pagkabalik ko sa main deck, naroon na ang ilang mga pirata na itim ang mga waistcoat. Lahat ay nakaitim na bandana at kaniya-kaniya ng usap. They don’t even look at me. Halatang iniiwasan ako at majority ay walang pakialam. Para lang akong hangin sa kanila habang isa-isa kong ipinupwesto ang wine glass. Nakaka-intimidate. But I should be thankful na hindi ako kinukutya. Mas nanaisin ko na ito kaysa sa maranasan muli kung ano ang mga naranasan ko sa puder ng mga salbaheng pirata. Mababa man ang tingin, at least hindi nila ako inaagrabyado. Nakasalubong ko si Pacquito nang maglakad na ako pabalik ng lower deck. Walang hirap niyang binitbit ang dalawang tray ng mangkok na may ulam, animo’y sanay na sanay na siyang ginagawa ito. Pagdating ko ng kusina, ngayon ko napansin na may nadagdag sa lababo bilang hugasin. Natutukso akong hugasan iyon pero mismong si Pacquito na kasi ang nagsabi na siya na ang bahala kaya huwag ko na pakialamanan. Akma ko na sanang kukunin ang dalawang bote ng alak pero may nagsalita sa aking likuran. Tumigil muna ako at lumingon dahil si Yaelo iyon. Diretso upo siya sa upuang katapat ng hapag at sinabihan ako na may pag-uusapan lang daw kami saglit. “Sigurado ka? Baka mahuli tayo ng kuya mo—” “No. I can justify this moment if he sees us. Si Kapitan Rael na kasi ang mismong nag-utos sa akin nito.” “O-okay…” nag-aalangan kong tugon sabay upo sa tapat niya. Inilabas niya ang dala niyang pocket notebook at ballpen, saka inilapag ito sa harap niya. “Bukas ng hapon, dadaong ang barko sa pantalan ng Isla Capgahan. Pero bilang salesman, ako lang ang allowed na lumabas para bumili ng mga kailangan.” Nagpanting ang pandinig ko roon. Kung si Pacquito pala ang taga-luto sa barkong ito, si Yaelo naman pala ang salesman. Siguro, sa ibang aspeto, siya rin ang ingat-yaman ng mga pirata. I wonder how they spend their funds at kung saan ito napupunta. “The captain told me about your needs so you can tell me. Ililista ko,” aniya at hinintay ang isasagot ko. Bigla ay napaisip ako saka inusisa nang mabuti kung ano ba talaga ang kailangan ko. Ganoon na lang ang pamumula ng pisngi ko nang maalala kung ano ang kauna-unahan kong ipabibili. “Ano sana… panty at bra. Mga underwears ba.” He just nodded, parang sanay sa narinig. Hinintay ko ang follow-up question niya pero `di na tungkol sa unang item na sinabi ko! “Ano pa?” “Uh… hindi mo ba tatanungin kung ano ang mga sizes ko?” Nagulat ako nang umiling siya. “Hindi na. Tantyado ko na ang sizes mo.” Malutong akong napamura sa aking isip. Goodness! Hindi sa dismayado ako pero paano kung mali ang size na makukuha niya? Sino ang makikinabang no’n gayong ako lang naman ang mag-isang babae rito? Sa halip na i-voice out ito, mas pinili kong iwaksi na lang at ilipat naman sa ibang item. Sunod na pumasok sa isip ko ang pantulog, partikular na ang pajamas, short-sleeved polo, at cotton shirts. “Pagkain, baka may gusto ka?” “H-huh? `Di ba’t sobra-sobra na?” “Nope. Si Kapitan na mismo nagsabi na ilista ko raw lahat ng gusto mong ipabili. Nagulat nga ako noong una pero justifiable naman. Malaki-laki kasi ang pondo.” Bagaman sinabi niyang mataas ang kanilang pondo, hindi ko maiwasang isipin na parang may kakaiba nga sa Kapitan na iyon. Hindi lang itong si Yaelo ang nagulat, kundi pati na rin si Pacquito. Kung talaga nga naman kasing masungit iyon sa ibang bihag at tauhan, bakit yata ang bait at galante iyon sa akin? Anong meron? Magsasalita na ulit sana si Yaelo pero `di na nagawang ituloy nang makabalik na si Pacquito. Inilapag nito ang walang lamang tray sa lababo at nakasimangot na tumungo sa puwesto namin. “Bakit kayo nag-uusap? Qué tontería es esta?” (What nonsense is this?) Bumaling sa kaniya si Yaelo. Hindi makikitaan ng takot, bagkus ay kalmadong sumagot. “El capitán me indicó que averiguara las necesidades de Saiah. El barco está a punto de aterrizar en la isla Capgahan, hermano.” (The captain instructed me to find out Saiah's needs. The ship is about to land on Capgahan Island, brother.) Pacquito sighed. Umirap pa muna siya bago bumalik sa lababo upang simulan ang inisyal na hugasin. Napabaling muli ako kay Yaelo para sagutin ang sumunod nitong tanong sa’kin. “Ano pa, maliban sa underwears at apparel?” “Siguro toothbrush din at dental floss. Dagdag na rin ng deodorant na pambabae, then perfume. Pwede na kahit pinakamura.” Inilista niya ang mga sinabi ko. “Iyon lang?” I agreed. “Oo, iyon lang.” Pagkatapos nito ay tumayo na siya, nagpasalamat, at magkita na lang daw kami mayamaya. I smiled back kahit na nag-aalala sa magiging puna nitong si Pacquito. I’m sure na may mga tirada ito. Saka pa lang ako tumayo nang lumipas ang dalawang minuto. Lumapit ako sa pantry upang kunin sana ang alak pero nadulot na naman nang marinig na siyang magsalita. “Even from finances, may hati ka huh?” he said. Puro bula na ang kamay niya at nananatili pa rin sa mga hugasin ang tingin. “Wala pang isang araw pero may napapansin na ako, Saiah.” Kumunot ang noo ko. “Ano `yon?” He stopped then faced me. Nakataas ang isang kilay niya. “Alam kong imposible pero `pag nagkatotoo nga, ikaw na ang pinakamaswerteng bihag sa lahat ng naging bihag ng barkong `to.” “Anong ibig mong sabihin?” “Mukhang may gusto sa’yo ang kapitan. At hindi ako manhid para `di yon mapansin.” My lips parted. Mabilis akong umiling `di katagalan. “Malabo `yan. Sobra—” “Come on. Sa paraan pa lang kung paano ka niya tingnan, Saiah. Kakaiba na.” Hindi ako naging kumportable kaya kahit taliwas man sa akin na iwasan siya, tuluyan ko ng kinuha ang bote ng alak saka naglakad paakyat ng main deck. Baliw ba siya? Paano magkakagusto sa isang bihag at katulong ang mayamang kapitan na iyon? Saka hindi pa lumilipas ang bente kwatro oras mula nang mailipat ako rito. Ang dugyot ko rin at hindi pa ako ganoong kagandahan. Mababa rin ang tingin nila sa kagaya ko kaya walang dahilan. Maliban doon, sobrang nakakakilabot isipin na magkakagusto sa akin ang isang pirata. Gaano man kagwapo o kaganda ang hubog ng kaniyang katawan, mananatiling masama ang demonyo sa paningin ko. They’ve killed a lot, stole a lot, and ruined numerous lives and properties. Walang dahilan upang humanga sa kanila. Walang dahilan upang i-tolerate ang mga pinaggagagawa nila. Nakasimangot ako nang makaahon. Diretso kaagad ako sa main kung saan naroon na pala ang kapitan. Nagsisimula na ang kanilang pagpupulong; nag-uusap sa lenggwaheng espanyol. Ngunit nang makalapit na ako at mailapag na ang alak sa kanilang hapag, saktong paglingon sa akin ng kapitan, tumigil siya sa pagsasalita at tumitig sa akin. Shit. Mukhang naka-istorbo yata ako. “Oh, I’m very sorry for interrupting your meeting. I never meant to—” “No worries. Everything’s fine, señorita.” Muli akong nagmura nang palihim. And now he’s calling me senorita! Anong kahangalan iyan? Anong pumasok sa isip niya? Hindi man ako nakakaintindi ng spanish pero batid kong katawagan sa espesyal na babae ang senyorita. Nagsitaasan tuloy ang kilay ng mga piratang nakarinig. Animo’y hindi sang-ayon sa katawagang ipinataw sa akin ng kapitan. “T-thank you, c-captain,” nauutal kong sabi sabay alis nang nakayuko. Tuloy-tuloy ako hanggang sa `di ko namalayang nakalagpas na ako sa quarter deck. Medyo malayo na sa mismong daanan kung saan hahantong sana sa lower deck. Ngayon ay napadpad na ako sa kabilang dako nitong barko, sa parte kung saan walang katao-tao at wala ni anumang aparato. Hindi hamak na mas payapa rito. Pumuwesto ako sa dulo, partikular sa parteng makikita ko talaga iyong angkla ng barko kapag yuyuko ako. Tumayo ako nang tuwid at dinama ang banayad na simoy ng hangin. Pinakatitigan ko ang kulay bughaw na karagatan at ang linaw nitong halata sa sobrang lalim. Isang movie ang naalala ko sa ganitong klaseng posisyon. Partikular na sa puwesto kung saan ako nakatayo. Para akong bida sa Titanic. Para akong si Rose na gustong gusto na lumisan at tumalon sa barkong ito. I can’t help but compare myself to that character. Naalala ko na noong napanood ko `yon, partikular ang eksenang iyon, naisip ko na parehas kaming may ayaw sa pagsakay sa barkong sinasakyan namin. She wanted to jump and escape. Or save herself from someone she doesn’t want to marry. Pero ako? Kung gaya niya lang ako na may lakas ng loob tumalon sa karagatang ito? I would choose to jump and save myself from these pirates, no matter how dangerous and deadly it is. But remembering how my family needs me, pinanghihinaan na lang ako. Hindi ko sila kayang iwan nang basta-basta lang. Hindi ko kayang mamatay sa mundong ito nang wala pang napapatunayan. Para saan pa ang ilang taon kong pag-aaral kung sa huli ay lulunurin ko lang ang sarili ko sa dagat? Para saan pa ang pagpupuyat at pagpapakahirap ko gumising nang maaga at mag-review para lang makapasa? Para saan pa ang pinaghirapan ni Nanay para lang mapag-aral ako? Kung hindi lang ako naging makasarili, sana hindi na kami nagdudusa ngayon. Kung hindi ko lang isina-alang alang ang kagusutuhan kong makapunta sa Isla Agunaya, sana ay kasama ko sila ngayon. Nakakapangsisi. Nakapanghihinayang. Pumikit ako at inilawak ang pagdipa ng magkabilang braso. Dinama ko ang banayad na hangin at humugot ng malalim na paghinga. Nasa kalagitnaan ako ng ganitong posisyon ngunit bigla na lang may humila sa akin. Sa sobrang lakas ay kapwa kami nadapa at nagpagulong-gulong sa sahig na gawa sa kahoy. “Tang ina. Anong gagawin mo? Magpapakamatay?” Si Pacquito. Dumilat ako at marahang bumangon. Hinilot-hilot ko pa ang sentido ko sa pag-asa na mawala ang sakit mula sa pagkakauntog ko. Mabilis din siyang tumayo at pagalit akong iniharap sa kaniya. “Ano Saiah? Tatakas ka? Huh? Ano?” “Anong tatakas? Nagpapahangin lang ako—” “Nagpapahangin? May nagpapahangin bang ganoon nakadipa at kaunti na lang ay mahuhulog na? Katapat lang ng huhulugan mo ang matalim na angkla ng barkong `to. Tigok ang aabutin mo kung tinuloy mo `yang balak mo!” Umiling ako at sumimangot. “Hindi nga sabi ako tatalon. Hindi ako duwag para magpakamatay, Pacquito.” “Kahit na!” “Ewan ko sa’yo.” Tumalikod ako saka humakbang pabalik sa dulo. Ngunit imbes na magawa ko iyon, hinuli niya ang palapulsuhan ko at marahas akong iniharap sa kaniya. “Hindi. Ka. Pupunta. Doon.” “Pero—” “Kung intensyon mong magpahangin, pwes, manatili ka rito sa tabi ko.” Nagtaka ako roon. Dito? Sa mismong gitna na may kalayuan sa bawat gilid ng barkong ito? Hindi ko trip pero sa huli, kagustuhan pa rin niya ang masusunod. “Kung intensyon kong magpakamatay, eh `di sana kanina pa ako nakatalon. Saka hindi ko `yon kailanman gagawin, may mga pangarap ako.” Binitawan niya na ang pagkakahawak sa akin kaya kahit paano’y nakahinga rin ako nang maluwag. His eyes are still filled with anger. Nakasalubong ang kilay at animo’y manununtok sa ano mang pagkakataon. “Hindi ko masisiguro kung nagsasabi ka ng totoo dahil magaling manlinlang ang gaya mo.” “Manlinlang?” “Alam mo ang ibig kong sabihin,” aniya. “Alam ko ang salitang iyon pero `di ko maintindihan kung bakit mapanlinlang ang gaya ko. Anong basehan mo? Pacquito?” “Tss. At bakit ko sa`yo sasabihin? Hindi tayo close.” Namilog ang mga mata ko. Wow ha. “Hindi tayo close pero kung makahawak ka sa’kin kala mo pagmamay-ari mo ako…” “Eh anong gusto mong gawin ko?” Natawa ako nang mahina. “Ginagaya mo lang si Jack eh.” “Jack? Sino `yon?” pagtataka niya. “Wala,” tugon ko nang pigil naman ngayon ang tawa. Wala naman kasing sense kung ipapaliwanag ko iyon nang partikular sa kaniya. Mas mauunawaan niya lang kung sino ang tinutukoy ko kung napanood na niya ang Titanic. Somehow, nakakabaliw isipin. Nangingilabot din pero sana… sana hindi siya ang Jack sa mala-Titanic na kwentong parte ng imahinasyon ko noon. Because I hate pirates… and I would forever hate them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD