5

1019 Words
LUIZ’s POV Halos maubos namin ang handa ni Kuya Marlon. Iba pa rin talaga ang kumain nang may kasama. Napahawak ako sa tiyan ko at marahang hinagod ito. “Nabusog ba kayo?” tanong ni Kuya Marlon sa amin. “Busog na busog, Kuya.” “Siguro, gutom na gutom ka kanina. Kaya marami kang nakain dahil sa gutom at hindi dahil sa nasarapan ka.” Bahagya siyang tumawa at tiningnan ang kapatid niyang si Jessica. “Masarap po ang luto ni Jessica,” sagot ni Flora. “Tama po si Kuya Marlon. Baka gutom lang po kayo,” nahihiyang sambit ni Jessica. “Masarap. Sa totoo lang, ang pansit mo ang pinakamasarap na natikman ko.” Walang pag-aalinlangan na papuri ko. “Salamat po, Kuya Luiz.” Tumango naman ako. “Gusto po ba ninyo ng kape? Pampatunaw ng kinain. O tsaa po?” alok niya. “Kape na lang ako para hindi ako antukin. Pagkatapos po namin magkape, magpapaalam na rin po kami ni Flora. Ihahatid ko pa siya sa kanila.” Tumingin ako kay Kuya Marlon. May mga gagawin pa ako mamaya pag-uwi ko. May klase pa bukas kaya ihahanda ko ang aking mga gagamitin. Pagkaubos ng kape, nagpaalam na kami ni Flora. “Kuya, dadalawin na lang ulit kita. Palakas ka.” Hindi ko na hinabaan dahil baka kung saan pa mauwi ang usapan namin. “Aalis na po kami,” paalam din ni Flora. “Jessica, ihatid mo sila sa labas. Uuwi na raw sila.” Tawag ni Kuya Marlon sa kapatid. “Okay na kami, Kuya. Kaya na namin.” “Kuya Luiz, pina-ready po ito ni Kuya para sa inyo. Para hindi na po kayo magluto bukas ng umaga. Pang-almusal daw po.” May iniaabot sa akin na isang supot si Jessica. “Ma’am Flora, ito naman po ang para sa inyo. Cake po. Hindi po kayo kumain kanina.” “Thank you, Jessica. Nag-abala ka pa. Umiiwas talaga ako sa matamis, alam mo na.” Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni Flora kahit alam kong ang tinutukoy niya ang kaniyang katawan. “Kay Luiz ko na lang din ito ibigay.” Dagdag pa niya. “Salamat, Jessica. Huwag mo na kami ihatid sa labas. Isarado mo na lang itong pinto at si Kuya Marlon na lang ang asikasuhin mo. Salamat sa mga pabalot.” Iyon lang at nagkatinginan kaming dalawa. Tumango naman siya at muling nagsalita. “Ingat po kayo. Salamat po at binisita ninyo si Kuya. Sobrang saya niya po.” “Walang anuman iyon. Sige na, isara mo na ito.” Tukoy ko sa pintuan. Ako na ang nagsara ng gate na kaya naman dahil naipapasok ang kamay. Sarado na ang bahay. Bintana na lamang ang bukas, at pagtingin ko ay nakita kong nakasilip pa si Jessica. Sarado ang bintana ng sasakyan at tinted ito, hindi naman niya ako makikita. “Maaga ba ang pasok mo bukas?” basag sa katahimikan ni Flora. “Hindi naman ganoon kaaga, pero pumapasok ako nang maaga.” Sagot ko sa kaniya. “Bakit mo naman naitanong?” Nagkibit-balikat siya. “Gusto lang sana kitang yayain munang lumabas. Let’s have some drinks,” saad niya. Umiling ako. Nakita naman niya siguro. Nagsalita pa rin ako para malinaw. “Marami pa akong gagawin. Mag-che-check pa ako ng mga papel ng mga estudyante ko.” Alam ko naman kung bakit niya akong gustong mag-inom. “I miss you, Luiz,” mahina niyang sambit sabay hawak sa hita ko. Mabilis kong inalis ang kamay niyang nasa hita ko. “Busy ako, Flora. Importante lang ang araw na ito para kay Kuya Marlon kaya dumaan ako. Pero kung walang okasyon, kanina pa ako umuwi para magpahinga. Ihahatid na kita sa inyo.” Hindi ko na siya nilingon. Nakahalata na naman siya. Walang mangyayari sa aming dalawa kung hindi ako nakainom. Malakas ang pangontrol ko sa aking katawan kapag nasa tamang isipan ako. Kahit pumapayag siyang may mangyari sa amin, wala pa rin naman kaming relasyon. Kung magpapaligaw naman siya sa iba, ayos lang sa akin. Dahil wala akong plano na magkaroon ng seryosong relasyon. “Dito na tayo,” wika ko sa kaniya pagtapat namin sa malaking gate nila. May kaya ang pamilya niya. Malayong-malayo sa kung ano ako. Alam kong galit siya dahil hindi ako pumayag sa gusto niya. Iyon naman ang totoo. Kung libre ako, bakit hindi? Pero wala rin ang katawan ko sa mood. Tumingin pa siya sa akin bago tuluyang lumabas. Wala siyang sinabi at ganoon din ako. Pagkababa niya ng kotse, agad na rin akong umalis. Wala akong obligasyon kay Flora. Nasa sa kaniya na iyon kung kakausapin pa niya ako o lalayuan niya ako. Ang iniisip ko ngayon ay ang kalagayan ni Kuya Marlon. Himala na lamang ang tanging magpapagaling sa kaniya. Nakakalungkot lang dahil sa dinami-dami ng tao, bakit siya pa? Bakit hindi pa ang mga taong mala-demonyo ang pag-uugali tulad ni Regidor. Ang taong tumulong sa akin, siya pa ang bilang na lamang ang araw sa mundo. Samantalang ang mga taong masasama ay patuloy na nagsasaya. Napakuyom na naman ang kamao ko. Naalala ko na naman ang taong hindi ko dapat bigyan ng oras. Nakarating na ako sa inuupahan kong apartment. Kinuha ko ang gamit ko sa likod na upuan. Nandito rin ang pinadala ni Jessica. Hindi ko matandaang sinabihan siya ni Kuya Marlon na ipagbalot ako. Hindi naman ako lumayo kay Kuya Marlon. At wala ring pagkakataon na may ibinulong si Kuya sa kaniya. “Bakit ko ba iniisip iyon? Ang mahalaga, may pang-almusal na ako. Iinitin ko na lang ito sa umaga. Pati ang cake ay sa umaga ko na rin kakainin.” Sabi ko sa aking sarili. Okay naman dito sa apartment na tinutuluyan ko. May sariling parking at gate. May privacy pa rin naman ako rito. Hindi ko lang alam kung nakikita nila kapag may kasama akong babae. Minsan lang naman iyon, kapag naka-inom ako. At madalas, sa kotse lang kami. Pero si Briannah, pilit kong iniiwasan. Mahirap na maalis ako sa trabaho. Masyado siyang demanding, at hindi ko kayang ibigay ang gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD