EPISODE TWO
Dumiretso si Nicolai sa kanyang kaibigang si Andrew matapos ang usapan nilang iyon ng kanyang pamilya.Hindi maaaring mangyari ang gusto ng mga ito sa kanya.Hindi siya gagaya sa kanyang ama at ina na ikinulong ang sarili sa relasyong hindi naman nila ginusto.
"What brought you here bro?"Maang na tanong ni Andrew ng makita siya .
"Is there something wrong at mukhang pinagsakluban ka ng mundo."Natatawang saad nito.Isa si Andrew sa matalik niyang kaibigan back in London.Doon sila nagkapalagayan ng loob.Mula kindergarten ay duon na siya pinag-aral ng janyang ama,kahit nung mga panahong iyon ay gusto pa niya ng aruga ng kanyang ina.Look how terror his dad is.Muli na namang nasidlan ng galit ang kanina pa niya nagpupuyos na dibdib.
"Eh kase,my grandpa and my dad gusto nilang magkaanak ako bg lalaking gahawin nilang tagapagmana.My father wants a grandson.Iyan pa ang isinalubong sakin pagbalik ko galing London."Kalmadong sabi niya.
"Ano?"Natatawang sabi ni Andrew sa kanya."You mean mag aasawa ka na?"
Tango lang ang itinugon nya dito,sabay tumungo sa minibar ng kaibigan at kumuha ng alak doon.
"Okay,,i think tama naman sila."
"I thought papanig ka sakin."Sagot niya sa kaibigan.
"Nagmamatured ka na kasi,so kapag ikaw ang pinaghandle nila ng kumpanya,baka sa sobrang busy mo,makalimutan mo na mag asawa."Tumatawang sabi nito.
"Thanks for your help dude."Sarkastikong sabi niya sa kaibigan na lalo namang ikipinatawa nito.
Sabagay may point nga naman.Ayaw lang niya unawain at nag umapaw sa kanya ang galit na nuon pa niya kinikimkim sa kanyang dibdib para sa ama.
Bella's residence:
Nagtataka si Bella kung bakit tila ba hindi nagkikibuan ang kanyang mga magulang.Siguro'y nagkatampuhan lang,pero kakaiba iyon sa lahat dahil ilang araw ng ganito ang kanyang ama't ina.Dati nama'y pagkakagising pa lang niya ay ang masiglang bati na ng kanyang ama ang sumasalubong sa kanya habang ang ina naman niya ay nakangiti.Naiiba ang araw na iyon.Papasok na siya ng araw na iyon.Isa siyang college student sa isang kolehiyo malapit sa kanila.Malapit na siyang magtapos at sa wakas ay makakatulong na rin siya sa kanyang mga magulang.Dalawa silang magkapatid na babae na nasa highschool.Idol na idol siya nito kung kaya't gagawin niya ang lahat para sa mga ito.Ganoon niya kamahal ang kanyang pamilya.Malaki ang pangarap niya para sa mga ito,ang maiahon ang mga ito sa hirap at maranasan man lang ang kaginhawaan dahil hindi na din pabata ang kanyang mga magulang.
"Ma oka'y lang ba kayo ni papa?"Nagtatakang tanong niya sa ina na noo'y naghahanda ng mga plato sa mesa.
Napatigil ito ng bahagya at nagpatuloy sa ginagawa.
"Bakit mo naman naitanong."Tipid nitong sagot
"Napapansin ko lang parang hindi kayo nagpapansinan ni papa."
"Wala lang naman anak,bilisan mo na at mahuhuli ka na,asan ba ang kapatid mo"
Anito bago tinawag ang dalagita nyang kapatid.
Hindi na niya ito kinulit pa dahil mukha namang ayaw ng ina mapag-usapan ang kung anumang nangyayari sa mga ito.Hihintayin na lamang niyang ang mga ito mismo ang magsabi sa kanya ng nangyayari.
"Morning ma,morning ate."Sabi nito bago sila hinalikan sa pisngi.
Sesermonan sana nya ang kanyang kapatid dahil sa ginagabi ito ng uwi pero parang natunaw lahat ng inis nya dahil sa lambing nito.Totoo namang napakasweet nito.Nang matapos kumain ay bahagya itong lumapit sa kanya.
"Ate may sasabihin ako sayo mamaya."Bulong nito sa kanya.Nagtataka namang sinundan nya ito ng tingin at humanda na rin pagpasok.Puro kalokohan na naman siguro nag laman ng utak nito.Pero baka may alam ito sa nangyayari.
At the school:
"Okay class wala muna tayong lesson ngayon,vacant time nyo ngayon,may inaasikaso lang kaming mahalaga okay?"Saad ng kanilang professor.
Hiyawan naman ang kanyang mga kaklase.Nagkibit-balikat na lang siya.Okay lang at least makakapagreview sya sa susunod na exam nila.
"Princess Bella Bernardo,andyan na ang prince charming mo."Natatawa nyang tiningnan si Summer,ang kanyang matalik na kaibigan.Akala nya ay si Paolo ang sinasabi nito,si Paolo ay ang kanyang masugid na manliligaw.Sa totoo lang madaming nagpapalipad hangin sa kanya,kaya lang ay di nya pinapansin dahil priority nya ang makatapos at ang kanyang pamilya,tsaka na ang kanyang lovelife pag stable na lahat .Hindi nya lang mahindian si Paolo kasi bukod din sa bestfriend nya ito ay very close silang tatlo.
Ipinagpatuloy nya ang pagbabasa.Kunwari ay wala siyang naririnig.Hindi naman nagpatinag si Summer at patuloy siyang kinulit nito.
"Huy ano na,bahala ka sandali lang yan dito."
Dahil doon ay napakunot ang kanyang noo.
"Sandali?Teka sino bang tinutukoy mo?"
"Sino pa eh di yun."Anito bago inginuso ang lalaking pababa sa magarang sasakyan patungo sa kanilang eskwelahan.
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata,hindi maaari,ito ay si...
Naputol ang paglalakbay ng kanyang diwa ng makarinig sya ng mga tilian.
Paano ba naman eh sobrang gwapo ng dumating.Sa suot nitong longsleeve white ay lalong tumingkad at lumakas ang appeal nito.Ang kanilang classroom ay madadaanan bago pumunta sa dean.Dahil letter B sya kung kayat malapit sya sa may pinto.
"Oh my gosh ayan na syaaaaa,si Nicolai,ang pogggiiii."Tilian ang maririnig sa loob at labas ng kanilang classroom.Paano bang hindi ito makikilala,bukod sa super yaman nito ay sobrang guwapo pa nito.Nakikita nya lang ito sa magazine dahil nasa abroad ito.Doon ito nag iistay,dahil doon din nman ito pinanganak.
Sino ba namang hindi maiinlove sa lalaking ito.Kahit yata bato ang puso,pag nakita ito'y lalambot .
Kahit ang mga guro'y sagad ang kilig.Pero hindi nya pinapahalata,tanging si summer lang ang may alam niyon.Makakasingit pa ba siya eh halos lahat ng mga babae sa kanilang school eh siksikan na at halos magsiluwa ang mga mata at hindi magkaintindihan sa pagpapacute.Pero kahit naman siya,kundangan nga lamang at pigil na pigil niya ang kanyang sarili kahit gustong-gusto na niyang sumilip at masilayan man lang ang kanyang ibig.Napabuntong-hininga na lamang siya sa naisip habang iiling-iling.
Naririnig pa rin nya ang tilian sa labas.Kahit namn siguro nakakakilig eh Maria Clara pa rin dapat tayo.Baka lumaki pa ang ulo ng Nicolai na iyon dahil sa mga ginagawa ng mga babaeng ito. Nasa ganoon siyang pag iisip ng makaramdam siya ng sakit ng tiyan.Dala marahil ng kung ano-anong kinain nila kanina nung recess.Nagmamadaling tinunton nya ang cr,ngunit may kung anong nabunggo siya,alam niyang tao iyon.Kung bakit naman kasi may nakaharang pa sa ganuong sitwasyon niya.