[MAJOR CADE SAWYER’S P.O.V] “Major Sawyer! This is an emergency. We got a news from the US barracks. They are now under attack!” Halos mabingi ako sa sigaw ni Sergeant Major Gunner Mace, ang isa sa kasamahan namin sa team bullet. Hindi ko akalain na sigaw ang aabutin ko pagkasagot ko ng tawag niya. Hindi man lang niya ako sinabihan na ihanda ang tainga ko sa sigaw niya. Pero mukhang emergency nga ang nangyayari kaya ganoon na lang ang pagbabalita niya sa akin. Kung kailan naman nasa bakasyon kami ay saka pa ito mangyayari sa US barracks. Marami kasi kaming mga military bases hindi lang dito sa aming bansa, kung ‘di pati na rin sa iba’t-iba pang mga bansa. Ang aming pangulo ay gustong magbigay ng tulong sa iba’t-ibang mga bansa. Nang sa ganoon din ay hindi nila kami magagawang kalabanin

