[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Nang makalapag na ang military plane namin ay agad na rin kaming bumaba. Sumaludo sa amin ang mga naka-abang na back-ups namin galing sa kabilang barracks. Sumaludo kami pabalik sa kanila. May labing-dalawang sundalo ang narito ngayon na sasamahan kaming apat upang sulungin ang barracks namin. Dahil napapalibutan sila sa labas ng mga US army. Sigurado ako na hindi nila inaasahan na ngayon ang dating namin dito. Sa pagkaka-alam ko ay hindi nila alam na mabilis ang biyahe ng mga military planes namin dahil mga high technology ang mga ito. Hindi katulad sa ibang military aircrafts na tatlo o apat na oras pa bago makarating sa ibang bansa. “Wala bang nakapalibot sa atin ngayon na mga US army?” tanong ko sa mga back-ups namin. Umiling ang pinakapinuno nila.

