[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Matapos kong sabihin ‘yon sa kaniya nang madiin at may kasamang galit ay agad ko na siyang pinaputukan sa kaniyang ulo. Wala akong pakialam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko o hindi. Ang mahalaga naman ay nasabi ko ‘yon sa kaniya sa huling sandali niya sa mundong ito. Tumayo naman ako saka nilingon ang mga tauhan ko. “Hindi pa rito natatapos ang dapat nilang maranasan. Kunin ninyo ang lahat ng mga katawan nila saka ninyo itapon sa dagat. Hayaan niyong lumutang ang mga walang buhay na katawan nila at makita ng kanilang iba pang mga kasamahan,” utos ko naman sa mga tauhan ko. Mukhang nagulat sila sa gusto ko na mangyari. Pero sobra na ang galit na nararamdaman ko ngayon. Lalo na at hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa mga tauhan ko na dapat a

