[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] “What took you so long to come here? We don’t have much time to waste. We got to go now before it’s too late to save other soldiers there,” bungad agad sa akin ni Cade nang makita niya ako. Nasa b****a na sila ngayon ng military plane at nakasakay na. Ako na lang ang hinihintay nila bago tuluyang umalis. Nakasuot na ako ngayon ng uniporme ko. Tiningnan naman ako nina Gunner, Cannon at Cade. “Where’s your badge? Did you manage to get it?” tanong sa akin ni Cade. Ngumiti naman ako ng bahagya saka itinaas ang badge na hawak ko. “Yes!” sigaw nilang tatlo. Kita ko naman na masaya sila at nakitang nasa akin na muli ang badge ko. Ngunit hindi pa nila alam na panandalian lang ‘to. Hindi pa rin naman ako tuluyang naibalik sa ranggo ko. Tinakot ko lang din sila

