[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Natahimik sila nang marinig ang isinigaw ko. Nanggigigil na ako ngayon dahil napapanood ko ang krisis na nagaganap ngayon sa Morocco at nadamay pa ang mga tauhan ko. Tahimik ang bansa na ‘yon sa mga nagdaan na ilang taon. Kaya naman alam ko na walang mangyayaring masama sa mga tauhan ko na naroon. Pero hindi ko akalain na ganoon pa ang mangyayari sa kanila ngayon. Mukhang hindi rin nila inaasahan kaya hindi sila nakapaghanda. “Give me a report on what happened to Morocco,” utos kong muli. Hindi na siya nakapalag pa at ibinigay sa akin ang isang malaking tablet. Tiningnan ko naman ‘yon. “‘Yan ang nakuha naming balita mula sa mga sundalo natin na nakadestino sa Morocco. May mga illegal drug pushers and drug users na kumakalat doon ngayon. Matagal na silan

