[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.] Bakit kaya ang tagal dumating ni Savannah dito sa parking lot? Marami ba siyang kinuha? Pero naalala ko na wala naman akong hinahabol na oras ngayon. Nawalan na ako ng responsibilidad dahil hindi naman na ako ang captain ng Team Bullet. “Oh, ayon na pala siya,” sambit ko sa sarili ko. Mabilis akong lumabas sa kotse ko para makita niya ako. Hinintay ko naman siya na makalapit sa akin. “Nakuha mo na ba ang kailangan mo?” tanong ko sa kaniya nang makalapit siya sa akin. Ngunit hindi ko naman inaasahan ang gagawin niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Hindi ko alam kung para saan ba ang yakap niya na ito sa akin. “Hey, what happened? Is there a problem?” tanong ko agad sa kaniya. “Ayoko nang lokohin pa ang sarili ko,” sagot naman niya. Ku

