[THE BACK STORY OF MAJOR CADE SAWYER.] Nang mamatay ang mga magulang na kinilala ko ay hindi ako pumasok sa eskwelahan. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapatuloy sa buhay ko ngayong wala na sila. Sobrang sakit para sa akin lalo na at pinanood ko lang na mamatay sila. Ni wala akong naitulong para lamang mailigtas sila. Masiyado akong mangmang at pinangunahan ng takot. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko sa buhay ko ngayon. Miski ang tumawag ng pulis ay hindi ko nagawa. Naisip ko na hindi agad mapapasok ng mga pulis ang malaking bahay na ‘yon ni Colonel Diaz. Lalo na at mayaman siya. Marami siyang mga kapit dahil magagawa niyang magamit ang kapangyarihan na mayroon siya dahil may kataasan ang kaniyang pamumuhay sa bansang ‘to. Naisip ko rin na baka patayin niya ako, kung sakal
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


