[CAPTAIN HAMZA CAMERON’S P.O.V.]
“What the f**k are you talking about, dude?” bulong sa akin ni Cade. Ramdam ko nang nawiwirduhan na siya sa akin ngayon. Nakatingin pa rin ako sa babaeng doktor na nasa harapan namin. Wala lamang itong emosyon na nakatingin sa amin.
Nahihiya naman siyang nilingon ni Cade. “I’m sorry about him, Doctor. I guess even his brain has damages,” sambit nito sa kaniya. Inalis ko naman ang hawak sa akin ni Cade at kusa nang lumapit sa doktora.
“I’m hurt. Nanghihina na ako, Doc. I need your assistance,” pag-akto ko sa harapan niya. Umakto pa ako na nanghihina para mag-alala siya sa akin. Ngunit hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla ay itinaas niya ang isang kamay niya saka sumenyas. Hindi ko na nilingon kung sino ang tinawag niya.
“Get him a bed and bring him to the operating room. Mister, your injury is getting worst. Your current situation right now is not a joke,” pangaral niya sa akin. Hindi niya alam na ang isang sundalo ay hindi na nasasaktan sa mga ganitong uri ng sugat. Sanay na kami na magkaroon ng ganito at mawalan ng maraming dugo. Hindi na bago sa amin ang ganitong sitwasyon. Kaya ang iba ay idinadaan na lang sa biro kaysa isipin ang sakit. Mas malala pa ang mga natamo ko noon na sugat kaysa rito. Simpleng saksak lang naman ito sa akin ng kalaban.
“Alam ko na ang iniisip mo. But you’re a patient here, dude. Hindi naman ito tulad ng clinic natin sa barracks,” bulong muli sa akin ni Cade. Mukhang nakita niya sa ekspresyon ng mukha ko na ganoon na nga ang iniisip ko. Kilalang-kilala na niya talaga ako.
Hindi na ako sumagot pa sa doktora at umupo na lang ako sa kama na dinala sa akin ng inutusan niya. Tinaasan pa niya ako ng kilay dahil hindi ako humiga. “Lay on the bed, Sir,” utos niya. Mukhang nagtitimpi na siya sa akin. Isa na ba ako sa mga pasyente niya na matigas ang ulo? Hindi ako sanay na ginagawa akong mahina ng ibang tao. Mabuti na lang at isa siyang anghel sa paningin ko kaya susundin ko siya.
Dahan-dahan akong humiga sa hospital bed. Namataan ko pa si Cade na natatawa na sa akin ngayon. Iniisip na siguro niya na wala akong magawa ngayon kung ‘di ang sumunod sa inuutos sa akin. Nasanay pa man din ako na laging nagbibigay ng utos. Ni walang nakakapag-utos sa akin. Kung sabagay ay ginagawa lang din naman ng doktora na ito ang kaniyang trabaho. Naiintindihan ko naman siya lalo na at ako naman ang inaasikaso niya ngayon.
Mabilis nila akong dinala sa operating room. Nararamdaman ko na ang sakit na nagmumula sa sugat ko pero hindi ko pa rin iniinda. Wala lang reaksyon ang mukha ko habang nakatingin sa ilaw sa harap ko. Hindi na nila ako binihisan pa. Nakita ko na nag-ayos ng damit si doktora. May mga sinuot siya na tamang damit bago pumasok dito. “Give him some anesthesia first,” utos niya.
Tinurukan naman ako ng anesthesia. Hindi naman ako mapapatulog nito. Nakakaramdam lang ako ng antok pero hindi makakatulog. Sa barracks ay hindi uso ang anesthesia. Kapag tinatahi ang sugat namin ay mabilisan lang pero kailangan mo talagang tiisin ang sobrang sakit. Kailangan nilang bilisan ang paggamot sa bawat sundalo na nasugatan, lalo na at marami-rami kami. Hindi nila kaya na pagsabay-sabayin na gamutin ang lahat lalo na at iilan lamang ang mga army doctors na naroon. Kaya kailangan lang nila na gawin ay magamot ng ayos ang lahat sa mabilis na paraan.
Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Saka pumasok ang doktora sa loob ng operating room. Pumunta siya sa harapan ko at tinignan ako. Napakunot ang noo niya nang makita na nakamulat pa rin ako.
“Did you already gave him an anesthesia?” tanong niya sa nurse na inutusan niya kanina.
“Yes, Doctor Desmond.”
Desmond? So that’s her surname, huh. I can’t wait her surname to be changed by my surname. Oh damn, what am I thinking? Ganito na ba ang epekto kapag wala pang babae na nagugustuhan sa buong buhay? Lalo na at wala pa rin akong nagiging ka-relasyon.
“Then why is he still awake?” nagtataka na tanong niyang muli.
“The anesthesia can’t make me fall asleep. Pero hindi ko na nararamdaman ang sugat ko,” sagot ko sa kaniya.
“But how? Not every normal person can’t fall asleep after taking an anesthesia.”
Hindi ko masabi na isa akong sundalo. Ayokong ilabas ang identity ko sa publiko. Lalo na at ganito ang sitwasyon ko ngayon. Magtataka sila kung bakit napunta ako rito.
“It just happens. Can you start the operation now?” sambit ko.
Hindi na siya umimik pa at sinimulan nang gamutin ang sugat ko. Ginupit niya ang shirt na suot ko at tumambad ang sugat ko sa kaniya. “It might got worse if you didn’t get to the hospital at time. You can get infection from this. What happened?” tanong niya sa akin. Sinisimulan na niyang kalikutin ang sugat ko. Pinapatigil muna ang pagdugo nito.
“It just happened,” maiksing sagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nasaksak ako habang nasa gyera at ipinagtatanggol ang bansa namin.
“Sa itsura mo, mukha kang basagulero. I guess, nakuha mo ang sugat na ito dahil may kaaway ka. Mukha rin naman kayong napaaway ng kasama mo kanina,” sagot niya.
Bahagya naman akong natawa dahil doon. “I didn’t know that a doctor can be so judgemental,” biro ko.
“I am just stating a fact. Hindi ka ba napaaway kanina?”
Totoo naman na napaaway nga ako kanina. Pero hindi naman dahil doon ang sugat ko. Hindi ko lang masabi sa kaniya. Hindi na ako nakipagtalo pa. Bahala na siya sa kung ano man ang iisipin niya. Ang mahalaga ay mapapanood ko siya ngayon na inaayos ang sugat ko.
Hindi ko maramdaman ang pagtahi niya sa sugat ko. Napaka-bilis ng mga kamay niya. Tila isa talaga siyang propesyunal at napaka-galing niya sa paggamot. Dalawang oras ang nakalipas at inilabas na ako mula sa operation room. Naka-abang naman si Cade sa labas ng operation room sa akin. Sinundan na niya ang hospital bed na kinahihigaan ko habang papunta sa isang private room. Hindi naman na ako magtatagal pa sa hospital na ito. Malayo naman sa bituka ang sugat ko na ‘yon.
“As expected, hindi ka makakatulog sa anesthesia,” sambit niya sa akin. “Ngayon ko nga lang nalaman ang bagay na ‘yon,” biro ko pa sa kaniya. Natawa siya at sinuntok ng bahagya ang kaliwang braso ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumigil siya sa pagtawa.
“Mukhang sanay na sanay na kayo sa mga ganitong uri ng sugat,” singit ni doktora sa usapan namin. Nang makapasok kami sa private room ay umupo na ako sa hospital bed. “You can’t move your body yet. Don’t be too stubborn,” pangaral muli sa akin ni doktora.
“Ayos naman na ako. Bumuka lang ang sugat kanina pero hindi ko naman ikakamatay ‘yon,” sambit ko. “You must be admitted here for a day or two. Para hindi ma-infection ang sugat mo at tuluyang gumaling. Para hindi ka na rin bumalik pang muli sa hospital.”
“Ikaw na lang naman ang babalikan ko rito at hindi na dahil sa sugat ko.”
“Pagpasensyahan mo na ang isang ‘to. Ngayon lang kasi ‘yan nakalabas sa kulungan,” singit ni Cade sa usapan. “What?! Anong kulungan?” galit na sagot ko.
“So you’re an ex-convict? Nakuha mo ba ang sugat mo na ‘yan sa kulungan?” tanong ni doktora. Sinamaan ko ng tingin si Cade dahil mukhang naniwala si doktora sa sinabi niya.
“You’re judging me too hard, Doctor Desmond. Mukha ba akong ex-convict? I am a decent man compare to this man here.” Itinuro ko pa si Cade para makabawi man lang ako sa kaniya.
“The nurses will check on you time to time. Behave yourself properly here because you will be monitored. You can just call the nurses if you need anything. I am a busy doctor here,” sambit niya.
“What if I want to call you instead of the nurses?”
“You’re not a VIP here, I won’t assist you twice.”
Tinalikuran na niya kami at mabilis na siyang lumabas ng pinto. Hindi na niya ako hinintay pa na magsalita. Hindi tuloy ako nakapagpa-salamat sa kaniya.
“Mukhang mainit ang ulo ni doktora,” natatawang biro ni Cade. Umupo pa siya sa harapan ko.
“Hard to get siguro ang mga ganoong uri ng babae, ‘no? Hindi man lang siya nadaan sa ka-gwapuhang taglay ko.”
“Wala namang madadaan dahil wala kang ka-gwapuhan.”
“Gago ka talaga. Kanina mo pa ako inaasar, ha. Namumuro ka na. Baka gusto mong pahirapan kita kapag nakabalik na tayo sa barracks?” banta ko sa kaniya.
“Hindi ka na mabiro ngayon. Alam mo naman na na-miss ko lang ang ganitong klase ng bonding natin. Hindi naman natin ‘to nagagawa kapag nasa base.”
“Saan ba ang sunod na lakad natin ngayon?”
“Ang sabi sa ‘yo ng doktor kanina ay magpahinga ka muna rito ng isa o kahit dalawang araw. Kaya hindi ka pa makakalabas sa hospital.”
“May karapatan ako na lumabas dito sa ayaw at sa gusto niya. Alam ko na maganda siya at nakuha niya ang puso ko ngayon, pero ako pa rin ang masusunod. Isa pa ay ayoko na rito ko sa ospital ubusin ang bakasyon ko.”
“Isang buwan naman ang ibinigay sa atin na bakasyon. Lalo na at wala ka rin namang kasintahan o ibang kapamilya na makakasama mo sa isang buwan. Mas mabuti pang lumandi ka na lang dito sa hospital. Baka sakali na magkaroon ka ng kasintahan dito.”
Loko talaga ang isang ‘to. Kung ano-ano ang sinasabi sa akin. “Palibhasa may makakasama ka na babae sa bakasyon natin ngayon, e,” bawi ko.
“Sino naman ang makakasama ko bukod sa ‘yo? Kaunti na nga lang ay ikaw na ang aasawahin ko dahil ikaw lang ang madalas kong kasama.”
Natawa naman ako sa sinabi niya. “How about Lieutenant Emerson? Siya lang naman ang naghahabol sa ‘yo.”
Natahimik siya nang banggitin ko si Presley. Siya ang ex-girlfriend ni Cade. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Pero hinahabol pa rin naman siya ni Presley. Ewan ko ba sa isang ‘to at patuloy lamang ang pag-iwas sa kaniya. Hindi ko naman siya tinatanong lalo na at halata ko naman na wala siyang balak sabihin sa kahit na kanino ang problema nilang dalawa. Naghihintay lang naman ako na magsabi siya sa akin. Ngunit sa aming mga lalaki ay parang hindi uso ang pagsasabi ng problema. Mas hilig namin na sarilinin na lang kaysa sabihin pa sa iba.
“Alam mo naman na hiwalay na kami ni Presley. Huwag na nga natin siyang pag-usapan. Anong oras ka ba lalabas dito? Para maituloy na natin ang inuman natin.”
“Hindi na ako makakapag-inom ulit sa ganitong lagay ko kaya kumain na lang tayo. Hindi ko gusto na magtagal sa hospital kaya ayoko nang mas lumala itong sugat ko.”
“Ano ang ibig mong sabihin? Susundin mo ba ang sinabi ng doktor mo kanina?”
Nginisian ko naman siya, “Kailangan kong sumunod. Para sa ikatatagal ng buhay ko ‘yon,” biro ko naman.
“Matindi yata ang tama mo sa isang ‘yon, a? Seryoso ba ‘yan? Para namang ito ang unang beses mo na nakakita ng maganda.”
“Hindi naman siya basta maganda lang. Parang ang lakas ng dating niya sa akin. Kakaiba siya sa ibang mga babae na nakita ko noon.”
“Wala naman akong nakikitang espesyal sa doktora na ‘yon. Pero may itsura nga siya.”
“Paano mo makikita ang espesyal sa kaniya kung may iniibig ka naman nang babae? Ganoon talaga kapag interesado ka na sa isang babae. Hindi ka na magiging interesado pa sa ibang babae.”
“Kung sabagay ay may punto ka nga—“
“Ibig mo bang sabihin ay si Presley pa rin talaga ang gusto mo?” naka-ngisi na pang-aasar ko sa kaniya. Mukhang na-realized naman niya ang sinabi niya sa akin kaya napatigil din siya sa pananalita.
“That’s now what I meant. Wala lang talaga akong interes ngayon sa mga kababaihan. Tigil muna ako sa isang relasyon. Mas gusto ko pa na mag-focus sa gyera kaysa sa babae.”
“Why bother having a relationship if you’ll just end up dying in a war, right?”
“Ganiyan ang isip mo kaya hindi ka nagkakaroon ng karelasyon. You just want to simp over a girl.”
Tama naman ang sinabi niya. Kaya nga ganoon na lang din ang naging epekto sa akin ni doktora kanina nang makita ko siya. Natatawa na lang ako dahil tunay na nakakatakot ang pagmamahal. Lalo na at alam mong sa huli ay iiwan mo lang din naman sila sa mundong ‘to. Masyadong delikado ang propesyon namin ni Cade. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan mabubuhay sa mundong ‘to. Sa kada gyera na sinasabak namin, hindi kami sigurado kung makakabalik pa ba kaming buhay o hindi na.
“Tawagin mo na lang si Doctor Desmond para makalabas na ako ngayon. Alam mo naman na hindi ko gusto ang ma-bored ka rito,” utos ko.
“Sigurado ako na ang nurse lang naman ang papupuntahin niya rito. Sa postura niya mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya sa ‘yo kanina na hindi siya basta-basta naiistorbo sa trabaho.”
“I will make you suffer in the base if you can’t bring her to this room,” banta ko.
“Kahit patayin mo pa ako, hindi ko naman siya madadala rito.”
“Tss, huwag na nga. Dito na lang muna ako. Baka sakaling bisitahin niya ulit ako. The doctor always checks on his or her patients, am I right?”
“Tama ‘yan. Uuwi na lang din muna ako at babalik dito bukas ng umaga. Magpahinga ka na lang muna rito,” paalam ni Cade.
Bibisitahin niya siguro ang nanay niya sa puntod. Ang tatay niya ay buhay pa pero hindi rin sila ayos. Kada bakasyon namin ay sa nanay lang siya nagpupunta. Samantalang ako ay nagliliwaliw lang mag-isa. Malayo ang mga magulang ko at hindi rin kami maayos. Galit ang tatay ko sa akin dahil mas pinili ko pa rin na maging sundalo kahit na ayaw nila ‘yon para sa akin. Masyado raw kasing delikado ang trabaho na ito. Pero ano ba ang magagawa nila kung ito talaga ang gusto ko? Handa ako sa lahat ng mga maaaring mangyari sa buhay ko.
“Sige, may libangan din naman ako rito. Hihintayin ko na lang si Doctor Desmond. Alamin mo nga ang pangalan niya kapag lumabas ka na ng kwarto ko. I-text mo na lang sa akin kapag nalaman mo. Get her number too if you can.”
“Tss, I’ll try my best to get that. Huwag mo akong parurusahan kapag hindi ko nakuha.”
Hindi ko na siya pinansin pa at muli na akong humiga muli sa kama. Lumabas na siya ng kwarto ko. Nag-cellphone na lang ako upang malibang ako. Sigurado naman ako na makukuha ni Cade ang pangalan at numero niya.
From: f*****g Sawyer
Dr. Savannah Desmond. Here is her number. 0928******* I even paid someone just to get her personal information. You have to treat me back! Hindi madali ang iniutos mo sa akin na ito. Mahal pa ang binayad ko dahil hindi sila maaaring maglabas ng impormasyon ng kanilang mga doktor. Iba talaga ang nagagawa ng love at first sight. Talandi ka, Captain.
Ang dami namang pinagsasabi nitong ni Sawyer. Hanggang sa text ay ang daldal niya. Ibang-iba talaga ang ugali niya kapag nasa trabaho kami kaysa kapag normal lang kami na mga sibilyan dito. Minsan ko lang din naman na makita ang ugali niya na ‘yon, kaya hinayaan ko na lang. Mas ayos pa ‘yon kaysa lagi lang siyang seryoso at madalang lang din na magsalita. Nagsasalita lang kasi siya kapag kinakausap o tinatanong niya. Maraming mga sundalo namin ang nagsasabi na mas mukha pang istrikto si Cade kaysa sa akin na kapitan nila.
Napangiti naman ako nang malaman ko na ang pangalan niya. Savannah, huh? Agad akong nagtipa ng mensahe para sa kaniya. Sana lang ay replayan niya ako. Mas matutuwa ako kapag nag-reply na rin siya sa akin. Pero baka hindi rin niya ako replayan dahil mukhang masungit siya, lalo na at hindi rin niya kilala ang numero na gamit ko. Pero bahala na. Kukulitin ko pa rin siya sa personal kapag hindi niya ako nagawang replayan ngayon sa mensahe ko. Ewan ko ba kung bakit ganito ang tama ko sa babae na ‘yon. Kahit na ngayon ko lang din naman siya na nakita at nakilaa. Baka isipin niya na isa akong weirdo. Pero ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae. Sa kaniya lang talaga. Baka doktor talaga ang para sa akin.
Teka, ano ba itong mga naiisip ko ngayon? Masyado na akong advance kung mag-isip. Baka maisipan pa niya na isa akong manyak dahil sa mga iniisip ko ngayon. Hindi na lang muna ako babanat sa kaniya ng sobra. Para hindi niya maisip na isa akong weirdo. Sa gwapo ko ba naman na ito, siguradong mahuhulog din siya sa akin. Siguro ay tinatawanan na ako ngayon ni Cade at iniisip na gustong-gusto ko na ng kasintahan.
Ganito pala talaga ang tama kapag tinamaan ng love at first sight.