[PRYCE E. SAWYER’S P.O.V.] “Hey Pryce, what’s up?” tanong sa akin ng kakambal ko. Kabibisita niya lang dito sa bahay nang matapos na ang training sessions niya. Dahil bago pa lang naman siya na naging ganap na sundalo ay hindi pa siya kailangan na dumestino ng matagal sa mga military bases. Malapit na rin ang graduation ko, kaya naman ay umuwi na rin muna siya. Isinara ko ang librong hawak ko saka siya tingnan. “Magpahinga ka na muna. Alam ko naman na pagod ka dahil sa mga ginagawa mo sa training grounds,” sagot ko naman. “Ayos lang ako. Ano ‘yang binabasa mo? Malapit ka nang makapagtapos sa college, ano na ang balak mong gawin sa susunod?” Nagkibit-balikat naman ako. Dalawang taon na rin ang nakalipas nang makapagtapos sa college ang kakambal ko. Naiwan ako dahil nag-take pa ako n

