3

1591 Words
TRIXIAN JADE I smiled as I saw my son happily choosing a Science book in the book's store. Ang gwapo gwapo talaga ng anak ko. Kahit anong angulo, lutang na lutang ang kagwapuhan. Nagtaka ako nang nakita kong naglaho ang kanina'y masaya nyang ekspresyon. Napalitan ito ng pagkaka-kunot ng kanyang noo. "Is there something wrong, Vinen?" I asked. Hinarap nya ako nang naka-kunot ang noo, "the book I've been looking for is not here. Before we enter, I even saw it here and now, it's nowhere to be found!" Reklamo nya habang napadyak-padyak. Kitang-kita rin ang naka-simangot nyang mukha pero hindi naman ito naging hadlang para mabawasan ang taglay nyang kagwapuhan. "Can you just find another book there? Any book, we will buy it." Pangungumbinsi ko sa anak kong nakasimangot. "No! Ma, I want that book, only that book..." Aniya habang pahina nang pahina ang kanyang tinig. I can't bear seeing my son unhappy. "... I just saw that book here." Malungkot na dagdag nya ngunit pabulong. "Son—" Naputol ang dapat na sasabihin ko nang may sumingit at nagsalitang malamig na tinig. "Is this Science book you've been looking for?" Tanong nito, kaya nabaling ang tingin ko doon. At nang balingan ko sya, dumako agad ang mata ko sa librong hawak nya. Makapal ito at mukhang aabot ng libo-libo ang pahina nito. Hindi ba sasakit ang mata ng anak ko sa ganyang kakapal na libro? E, sa tingin ko palang, ulo ko na ang nananakit. "T-that's the b-book, ma..." Nahinang sambit ni Vinen. Magsasalita na sana ako para pakiusapan ang may hawak nang magsalita itong muli. "Here. Take it. I already paid that." Malamig na aniya. Kitang-kita ko ang pagningning ng mata ng anak ko bago kinuha ang libro at masayang nagsalita. "Thank you so much." Nakangiti nyang pasasalamat kaya napangiti na lang din ako. At nang ibaling ko ang tingin ko sa may hawak ng libro kanina, sumalubong sa akin ang maganda nitong mata na walang bakas ng kung ano mang emosyon. Agad naman syang bumaling ng tingin sa anak ko. He gave my son a small smile before speaking, "you're welcome. Enjoy reading that book. That's full of knowledge." Sabi nya then tapped my son's head then, he starts walking away.  "W-wait! Let me pay for the book." Pahabol na sagot ko sa lalaking nagbigay ng libro sa anak ko. Nakita ko naman ang pagtigil nya sa paglalakad bago dahan-dahang humarap ulit. He shakes his head before speaking, "no need. The book is all yours, no need to pay it. Just think that it's a gift from a stranger." Tinatanaw ko ang papalayong lalaki nang marinig ko ang boses ng anak ko. "Ma, you heard it, right? Let's just go and eat. I'm starving already." Bakas ang kasiyahan sa tinig ng anak ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "Sige na nga," I simply answered. I should thank you, Sir who-ever-you-are. "Now, where do you want to eat, Vinen?" Tanong ko sa anak ko habang naglalakad kami. Patingin-tingin din kami sa mga fast food chains na nadadaanan namin, tumitingin kung saan kami pwedeng kumain. Maya maya pa ay tumigil sa paglalakad si Vinen at itinuro ang isang direksyon. "I want there." Sabi nya at nang balingan ko ang direksyon kung saan sya nakaturo, nakita ko ang Mang Inasal. "Alright. Let's go there and eat." Sabi ko bago kami tuluyang naglakad papasok ng Mang Inasal.  "Ma, I'm just going to toilet." Biglang sabi ni Vinen habang naglalakad. Pauwi na kami. Tapos na kaming kumain at nang matapos kami, nagikot ikot muna kami bago magyaya si Vinen sa Arcade para maglaro doon. At ngayon, mukhang napagod na kaya nagyaya ng umuwi. "Okay. Come on, Vinen." "No need, ma. I'll go to toilet alone. I can manage." Sabi nya bago walang sabi-sabing tumalikod at pumunta sa direksyon patungong palikuran. Napailing nalang ako nang may ngiti. My son is growing. Agad akong nanigas mula sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang malamig na kung ano na natapon sa akin. "Oh s**t!" Rinig ko mura ng isang baritong boses. "I-I'm sorry." Dagdag pa nito. Pamilyar ang boses na ito, kaya unti-unti kong ini-angat ang ulo ko, sumalubong sa akin ang mga mata nitong walang emosyon. Ito yung lalaki sa Book's store! "I'm really sorry, Miss. Here, take my coat." Saad nito. Imumpisahan nya ng alisin ang kulay itim nyang coat kaya agad ko syang pinigilan. "No need, Sir. It's okay. You're too kind, Sir. And thank you." Nakita ko namang nangunot ang noo nya, saka ako tinignan diretso sa mata. Napalunok ako, kakaiba ang titig nya. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. "No, I insist. It's cold." Sabi nya bago tuluyang hinubad ang kanyang coat saka ito ipinasuot sa akin. "T-thank you." Nahihiyang pasasalamat ko. "You're welcome, Miss. By the way, I'm Sceleigh." Seryoso nyang sabi bago naglahad ng kamay. "Trixian." I said as I gave him a warm smile. Tinanggap ko ang nakalahad nyang kamay sa harapan ko. At nang magdikit ang aming kamay agad ko ring binitiwan ang kamay nya dahil sa kakaibang pakiramdam. Magsasalita na sana ako nang narinig ko ang pagtawag ng anak ko sa akin. "Ma, let's go. I'm done." Aniya na sinagot ko lang sa pamamagitan ng pagtango. "Amm... Sceleigh, we have to go. Again, thank you. I'll pay you soon." Nakangiting sabi ko bago hinarap ang anak ko at niyaya ng maglakad papunta sa parking lot. "Let me accompany the both of you." Rinig kong sabi ni Sceleigh bago sumabay sa amin ng lakad. "I insist," agad nyang sabi nang akmang magsasalita ako. Napabuntong hininga ako bago tumango. Wala na naman akong magagawa e, he's unstoppable.  Nasa gitna naming dalawa si Vinen. Mukha tuloy kaming pamilya. Idagdag mo na rin ang mga bulong-bulongan ng mga nadadaanan namin. "Ang gwapo nung bata... Kung hindi lang yan bata, ako na manliligaw dyan!" Rinig ko pang mahinang tili ng babaeng sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa edad ko. "Ang gwapo ng tatay e. Hindi na imposible yun." Rinig kong sabi ng isa pang babae. "They're perfect family!" Rinig kong ani ng isa pang tinig. Napatingin naman ako kay Sceleigh at agad naman akong pinamulahan ng mukha nang makita ko syang nakatingin din sa akin habang may maliit na ngiti sa kanyang labi, kaya I smiled back kahit ang awkward. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad kahit na ramdam pa rin namin ang pagsunod ng mga mata ng mga taong nadadaanan namin. At nakahinga lamang ako ng maluwag nang makarating na kami sa parking lot. He went to the right side of the car, opening the passenger seat's door. "Hop in," aniya nya sa anak kong nakatitig lang sa kanya magmula pa noong makalabas sya galing sa banyo. Nang makasakay na si Vinen, pinagbuksan nya naman ako ng pinto sa driver's seat. "Salamat, Sceleigh," I said as I hopped in. He mouthed 'you're welcome' as he waved his hand. Pina-andar ko na ang sasakyan habang nakatanaw pa rin sa amin si Sceleigh. "Ma, do you know him? He's too kind, huh." Rinig kong sabi ng anak ko sa gitna ng tahimik na biyahe. At nang lingunin ko sya, nakita ko ang baghagyang pagtaas ng kanyang labi na sya namang lalong nagpadagdag sa kagwapuhan nyang taglay. "No, anak. Kakikilala ko pa lang sa kanya kanina. At masyado nga syang mabait, baka gano'n na talaga yung tao." Nakangiting sagot ko sa anak ko. "Hmm," tanging aniya bago lamunin ng katahimikan ang loob ng sasakyan.  Nang malapit na kami sa bahay, nakita kong papasok ang sasakyan ni Mikzs kaya medyo napakunot ang noo ko at tumingin sa aking relo. Alas-nuebe y medya na ng gabi at hindi naman ganito ang oras ang uwi nya. Agad ko na ring ipinasok sa loob ang sasakyang ginamit namin ni Vinen. At nang akmang tatawagin ko na si Vinen, nakita ko na nahihimbing na ang kanyang tulog, kaya sa halip na gisingin ito mas pinili ko nalang na buhatin sya dahil hindi pa naman sya ganoong mabigat at kaya ko pa naman syang buhatin. Mayroon ng ilaw sa loob ng bahay nang makapasok kami. Wala rin akong naririnig na kung ano mula sa kusina kaya siguradong nasa kwarto namin si Mikzs. Dumiretso na ako sa kwarto ng anak ko. Napangiti naman ako nang sumalubong sa akin ang napakalinis nyang kwarto. Sya ang naglilinis dito dahil ayaw nyang ipagalaw baka raw may magalaw akong importante. All of his things are organized. Mula sa books shelves, study table, at sa kung ano-ano pang gamit nya. "Good night, anak." Bulong ko nang matapos ko syang punasan at bihisan. Kinumutan ko muna sya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto nya at pumasok sa kwarto naming hindi kalayuan. "Hon, naka–" di ko na natapos pa ang sasabihin ko nang makita ko ang asawa kong nakayuko habang nakasapo sa kanyang ulo. "Are you okay, Hon?" Nag-aalala kong tanong. "I'm fine," agad akong natigilan nang marinig ko ang malamig nyang boses. What's wrong with him? Pero ipinagsawalang bahala ko ito at agad nagtanong muli. "Hon, kumain ka na—" "Pwede ba, Trixian? 'Wag ngayon. Pagod ako. 'Wag mo na akong alalahanin pa, kaya ko ang sarili ko." Malamig nya na namang pagputol sa dapat na itatanong ko bago sya lumabas ng kwarto. Alam kong galit sya, pero hindi nya pa rin ako sinigawan. Senyales na nagpipigil syang pagbuntungan ako ng galit nya. May hindi talaga tama e. Alam ko. 'Wag naman sana 'tong katulad ng nasa isip ko dahil alam kong 'di mo kayang gawin yon sa akin, Mikzs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD