Thamara "BAKIT mo naman naisipang mag-date?" tanong ko sa kaniya habang nakakunot-noo, ito ang unang beses na niyaya niya akong mag-date mula noong maaksidente siya. "Naisip ko lang. Or if you want, mag-mall na lang tayo, bumili ng groceries, mag-shopping, kumain, kahit ano at kahit saan," sabi niya pa, maliwanag ang mukha niya mukha siyang batang excited na makalabas. "Ngayon?" Tumango siya at ngumiti. "Babawi ako." Napatango ako. "Sige. Maghahanda lang ako," sabi ko at hindi na siya hinintay pang sumagot, dumiretso na ako sa kwarto ko. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay doon pa lang ako napangiti. Nagdulot 'yon ng kakaibang ligaya sa puso ko at nagsimula na akong mag-isip ng mga plano para sa araw na 'to. Siguradong mag-e-enjoy ako kasama si Zkat ngayon. Sa sobrang excited

