Thamara GABI na nang makauwi si Zkat, mas nauna pa akong nakauwi galing sa pag-alis naming tatlo ni Oli at Thalia. May dala siyang mga gamit ng baby pagkauwi at agad niyang ipinatingin sa 'kin kung tama ba ang binili niya. "Akala ko ba busy ka sa trabaho?" tanong ko sa kaniya, nagpapanggap ako na walang alam. "Bakit nag-abala ka pang bumili nito? Sigurado akong pagod ka." "Hindi. Napadaan lang ako sa mall, may sinamahan akong kaibigan. Eh nakita ko 'tong mga 'to, naalala ko ang baby natin kay bumili na ako," sabi niya nang nakangiti. Napatango ako. "Gano'n ba? Salamat sa effort. Pero matagal pa naman akong manganak. Hindi pa kailangan 'to." Lumapit siya sa 'kin at naglalambing niya akong niyakap mula sa likuran bago niya hinaplos ang tiyan ko. "Mabuti nang handa tayo." "Ikaw bahala,"

